Yul Servo susunod sa yapak ni Boyet
July 20, 2002 | 12:00am
Ang pelikulang Laman na maglulunsad sa baguhang sexy star na si Lolita de Leon, ang bale follow-up movie ni Yul Servo. Si direk Maryo J. delos Reyes ang namahala nito para sa Regal Films.
Matagal bago nasundan ang introductory film ni Yul, ang kontrobersyal na 5-hour movie ni Lav Diaz, ang Batang Westside. Bagaman at tinanghal na itong Best Picture sa nakaraang Cine Manila International Film Festival, wala pa ring commercial run ang pelikulang ito na ginastusan ng humigit-kumulang na 20 million pesos.
Sa kasalukuyan, umiikot ang movie sa ibat ibang film festival abroad. Nanalo rin ito ng Best Picture sa nakaraang Singapore International Film Festival. Umatend si Yul ng Karlo Vivary Filmfest, sa Prague, Czech Republic at pagkatapos ay sa New York International Film Festival, kung saan ay kasama ang Batang Westside sa Asian Division.
Natapos na niya ang lahat ng kanyang eksena sa pelikulang Laman, bago siya umalis patungo sa ibang bansa. Mag-asawang taga-probinsiya na nagpunta ng Maynila para makipagsapalaran, ang role nina Yul at Lolita. Manunuluyan sila sa kaibigang si Albert Martinez na ka-live in naman ni Elizabeth Oropesa. Dito iikot ang istorya ng pelikula.
Ayon kay direk Maryo J, may maipagmamalaki ang kanyang bagong tuklas na si Lolita sa larangan ng pag-arte. Si Yul on the other hand, has improved a lot compared to his acting sa unang movie niya.
Hinirang siyang Best Actor in his first starring role just like what happened to Christopher de Leon, sa kanyang movie, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, several years back. Look at what, who and where he is now in the local movie industry.
Who knows, baka masundan din ni Yul ang mga yapak ni Boyet in terms of his showbiz achievements. Hindi naman malayong mangyari dahil marami na ang nakapupuna ng potensyal niya sa larangan ng pag-arte.
Nakapanghihinayang lang na hindi pa rin nila magawan ng paraan, para maging komersyal ang pelikula, nang maipalabas na ito on a regular run sa ating mga sinehan.
Marami ang nagsasabing kahit hakutin pa nito ang lahat ng awards mula sa ibat ibang bansa, kundi rin lang babalik ang kahit kalahati ng ipinuhunan ng producer, para ano pa ang mga tropeong yun. Habang buhay na ipagmalaki, ganoon lang? Its their money at hindi atin, so bakit natin sila pakikialaman, di ba? (Ulat Ni Ben Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended