^

PSN Showbiz

GMA, Cory at FVR, special guest ngayong gabi sa NBN

-
May malaking dahilan para magdiwang ang National Broadcasting Network. Tinanggap ng manonood ng telebisyon ang programa nitong TeleDyaryo, nakaabot ito ng isang taon!

Bilang pagdiriwang ng unang anibersaryo nito na magaganap sa araw na ito, Martes, Hulyo 16, magkakaroon ng isang bonggang selebrasyon sa NBN Studios sa Visayas Ave. Inaasahang dadaluhan ito ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kasama ang dalawang dating mga pangulong Cory Aquino at Fidel Ramos. Talagang inimbita ng network ang kasalukuyan at dalawang dating namumuno ng bansa. Inimbita rin ang mga matataas na opisyal ng bansa, myembro ng gabinete ng pangulo along with other senators, congressmen, Metro Manila mayors and representatives of government and business community.

Kung tutuusin, sinubukan lamang ng NBN kung kakagatin ng mga manonood ang ginawa nilang paglilipat ng kanilang primetime news sa ika-8 ng gabi. Ginawa rin nila itong dalawang oras. Marami ang tumutol pero pinatunayan ng network na tama ang kanilang desisyon.

Anchor ng TeleDyaryo sina Gani Oro at Chino Trinidad. Kasama nila bilang segment host at reporters sina Freddie Abando, Noel Perfecto, Toby Nebrida, police reporter Butch Marco, Rollie Gonzalo, Miguel Gil para sa business at ang humahawak ng science and technology ay si Edmund Rosales.

Humahawak ng special news segment sina dating Rep. Sandy Ocampo covering Congress, Atty. Romy Macalintal na humahawak ng segment na Plunder at si John Lesaca covering developments in the local music industry.

"Maganda ang tinatanggap naming feedbacks, isang dahilan para kami magdiwang," ani Mia Concio, Chair and President ng NBN. "But TeleDyaryo continues to evolve and there’s always room for improvement. We’ve proven that it could be done. Now we will continue making TeleDyaryo even better."

vuukle comment

BUTCH MARCO

CHAIR AND PRESIDENT

CHINO TRINIDAD

CORY AQUINO

EDMUND ROSALES

FIDEL RAMOS

FREDDIE ABANDO

GANI ORO

JOHN LESACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with