Tanya, nagpaparamdam kay Dennis Trillo!
July 16, 2002 | 12:00am
Matapos ang hit nilang Forevermore nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, puspusan na rin ang gagawing promosyon ng Star Cinema ng kanilang latest offering, ang Jologs na nakatakdang ipalabas sa August 14. Last Saturday ay nag-pictorial na ang buong cast ng movie na kinabibilangan nina Diether Ocampo, Onemig Bondoc, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, John Prats, Michelle Bayle, Julia Clarete at Assunta de Rossi kasama ang direktor ng movie na si Gilbert Perez, the same director who gave us the hit movie Trip.
Ang Jologs is a top winner ng Star Cinema Annual Scriptwriting Contest na sinulat ni Ned Trepeces. Dapat sana ay ipi-field ito ng Star Cinema sa nakaraang Manila Film Festival pero hindi humabol. Mas minabuti ni Direk Gilbert na pagandahin ang kanyang pelikula at ngayon nga ay may playdate na ito.
Matagal nang pinag-uusapan ang term na "Jologs" at madalas na itong gamitin ngayon ng bawat Pinoy. But the movie Jologs, magkakaroon na tayo ng malinaw na paliwanag kung ano ba talaga ang gustong i-imply ng term na ito. Ang balita namin, ang husay ng pagkaka-delineate ni Direk Gilbert ng bawat role ng kanyang mga artista.
Talaga palang may following na itong si Dennis Trillo, ang promising newcomer na nakikita namin sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan at K2BU ng ABS-CBN. Nasaksihan namin kung paano pinagkaguluhan ng fans ang mestisong aktor sa Celebrity Fans Day ng Robinsons Metro-East noong Linggo. Halos di magkamayaw ang mga kababaihang kabataan nang lumabas si Dennis sa stage. Dalawang songs ang kinanta niya. Doon din namin napatunayan na nakakakanta pala ng live si Dennis.
Maging sina Lala Dimaano at Ganter Lim ng ABS-CBN Interactive (who went there to cover the event) ay kinilig kay Dennis. Isina-suggest nina Lala at Ganter na mag-undergo si Dennis ng voice culture para lalo raw ma-develop ang singing voice nito.
Kasama ni Dennis sa nasabing event si Tanya Garcia. Tama ba yung narinig namin na crush daw nito si Dennis? Panay nga ang parinig nito sa artist representative ni Dennis na si Portia Dimla na loveless daw siya. Hindi namin alam kung na-get ni Dennis ang parinig ni Tanya. Ang balita namin ay loveless din ngayon si Dennis. Although madalas pa rin ang texting nila ni Kaye Abad.
Bukod sa pagkanta, nagkaroon din ng picture-taking at autograph-signing sina Dennis at Tanya. All out pa rin ang support kay Dennis ng kanyang family. Namataan namin sina Tito Leslie, Tita Rita, sisters Kakay, Kissel and Maggie. Sa mga nagtatanong at nagi-email sa amin ng update kay Dennis, you can check and visit his website http:dennis trillo.pinoy central.com.
Kung tama kami, mapapanood si Dennis sa isang special role sa Maalaala Mo Kaya ngayong Huwebes.
Grabe na si Michelle Bayle! Aba, mukhang mayroon siyang sariling film festival, huh! Imagine, sa loob ng 2 months ay tatlong movies niya ay ipalalabas. Nauna na ang I Think Im In Love na sinundan ng Forevermore at ngayon naman ay Jologs na ipalalabas na sa August 14. Mukhang kinasihan talaga ng suwerte ang seksing si Michelle.
In fairness kay Michelle, talagang very hardworking ito. Lahat ng trabaho na dumarating ay gina-grab niya. Aside from the fact na talagang potential talaga ito. Di bat napansin ng tao ang maganda niyang performance sa Forevermore bilang girlfriend ni Jericho Rosales? Tiniyak sa amin ni Direk Gilbert Perez na mapapansin din si Michelle sa Jologs.
Well, kapag dinapuan talaga ng suwerte ang isang tao, sunud-sunod ito. Yan ang nangyayari ngayon kay Michelle. Ang masasabi na lang daw namin ay, "Go, Girl!"
For your comments and feedback, you can e-mail me at [email protected].
Ang Jologs is a top winner ng Star Cinema Annual Scriptwriting Contest na sinulat ni Ned Trepeces. Dapat sana ay ipi-field ito ng Star Cinema sa nakaraang Manila Film Festival pero hindi humabol. Mas minabuti ni Direk Gilbert na pagandahin ang kanyang pelikula at ngayon nga ay may playdate na ito.
Matagal nang pinag-uusapan ang term na "Jologs" at madalas na itong gamitin ngayon ng bawat Pinoy. But the movie Jologs, magkakaroon na tayo ng malinaw na paliwanag kung ano ba talaga ang gustong i-imply ng term na ito. Ang balita namin, ang husay ng pagkaka-delineate ni Direk Gilbert ng bawat role ng kanyang mga artista.
Maging sina Lala Dimaano at Ganter Lim ng ABS-CBN Interactive (who went there to cover the event) ay kinilig kay Dennis. Isina-suggest nina Lala at Ganter na mag-undergo si Dennis ng voice culture para lalo raw ma-develop ang singing voice nito.
Kasama ni Dennis sa nasabing event si Tanya Garcia. Tama ba yung narinig namin na crush daw nito si Dennis? Panay nga ang parinig nito sa artist representative ni Dennis na si Portia Dimla na loveless daw siya. Hindi namin alam kung na-get ni Dennis ang parinig ni Tanya. Ang balita namin ay loveless din ngayon si Dennis. Although madalas pa rin ang texting nila ni Kaye Abad.
Bukod sa pagkanta, nagkaroon din ng picture-taking at autograph-signing sina Dennis at Tanya. All out pa rin ang support kay Dennis ng kanyang family. Namataan namin sina Tito Leslie, Tita Rita, sisters Kakay, Kissel and Maggie. Sa mga nagtatanong at nagi-email sa amin ng update kay Dennis, you can check and visit his website http:dennis trillo.pinoy central.com.
Kung tama kami, mapapanood si Dennis sa isang special role sa Maalaala Mo Kaya ngayong Huwebes.
In fairness kay Michelle, talagang very hardworking ito. Lahat ng trabaho na dumarating ay gina-grab niya. Aside from the fact na talagang potential talaga ito. Di bat napansin ng tao ang maganda niyang performance sa Forevermore bilang girlfriend ni Jericho Rosales? Tiniyak sa amin ni Direk Gilbert Perez na mapapansin din si Michelle sa Jologs.
Well, kapag dinapuan talaga ng suwerte ang isang tao, sunud-sunod ito. Yan ang nangyayari ngayon kay Michelle. Ang masasabi na lang daw namin ay, "Go, Girl!"
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended