^

PSN Showbiz

Goma, bitin sa 3 kanta

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan namin si Richard Gomez sa world premiere ng Ang Iibigin Ay Ikaw at inaming wala na siyang panahon para makipag-tsismisan kapag nasa set ng bagong cinenovela dahil kapag ibinigay na sa kanya ang instruction ng director para sa susunod na eksena ay siya na ang nag-iisip at nag-iinterpret kung paano mailalarawan ang tamang emosyon. Maganda ang role niya rito bilang si Waldo Sandoval na asawa ni Alice Dixson pero maaagaw ito sa kanya ni Christopher de Leon.

Kahit busy sa telebisyon si Richard, bukod pa sa kanyang nakalinyang mga pelikula sa Viva at Regal Films ay may quality time pa rin itong naibibigay sa pamilya. "Pagkatapos ng S-Files ay lumalabas kami ng pamilya ko o kaya’y nagsasama-sama kami sa bahay. May kunswelo na akong natatanggap sa aking anak dahil kapag gumigising ito sa umaga ay hahalik ito at bubulong ng "I love you very much" sa tainga ko," aniya.

Tinanong ko si Goma kung hindi ba siya naiilang dahil isa siyang dramatic actor at multi-awarded actor at sportsman pero may pagka-tsismoso ang dating dahil nag-iinterbyu at nang-iintriga ng mga artista sa S-Files. "Hindi naman dahil trabaho rin ito at enjoy naman ako sa programa. Di ba’t kumakanta rin ako at sumasayaw sa SOP pero pansamantala lang naman ito," dagdag pa nitong pahayag.

Nagbiro pa nga ito na nabibitin siya kapag tatlo lang ang kinakanta sa noontime show. Hindi pa ito decided kung papasok sa pulitika kahit may mga offer ito. Bukod sa showbiz commitment ay abala si Goma sa kanyang sports activities at representative uli siya ng Pilipinas sa Asian Games para sa fencing.
Aiza, May Feeding Program Din
Kahit abala si Aiza Seguerra sa kanyang singing commitment ay hindi pa rin niya nakakaligtaan ang kanyang mga civic activities. Katunayan ay makikipagtulungan ang kanyang feeding program sa Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) sa aking panunungkulan bilang bagong presidente na ang layunin ay maipatupad ang six areas of concern: Eco-Soc; Health; Environment; Education; International Goodwill & Understanding; Violet Richardson Award kung saan naging unang recipient namin si Aiza bilang huwaran sa pagiging mapagkawanggawa.

Bata pa si Aiza ay tumutulong na siya sa kawanggawa kahit noong nasa Eat Bulaga pa siya at ang beneficiary ay ang home for the aged na nasa Tayuman. Madalas siyang magtungo sa kanilang lalawigan para itaguyod ang feeding program nito sa ilang depressed areas ng lugar sa Kamaynilaan.

Magkakaroon ng solo concert si Aiza sa Rembrandt Hotel sa Agosto 16 at beneficiary ay ang feeding program ng Soroptimist Club International ng Dasma-Salcedo Club sa pakikipagtulungan sa Daniel Fajardo Elementary School.
Anak Nina Gary-Bernadette, Bininyagan Na
Inilihim ng mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson ang binyag ng kanilang anak na idinaos sa Christ The King Church sa Green Meadows kamakailan. Kilala naman sa pagiging pribadong tao si Gary kaya pampamilya lang ang selebrasyon. Isa sa naging ninong si Jude Estrada. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng tamang project si Gary samantalang plain housewife na lang si Berna at inaasikaso ang pangangailangan ng asawa at anak.

Seksing Aktres, Naimbyerna Sa Kaulayaw Na Executive


Inis na inis ang isang seksing aktres nang magkaroon sila ng one-night stand ng isang radio executive. Paano kahit anong gawin nitong foreplay ay hindi nati-turn on ang kaulayaw. Kulang na lang na sabihin nito na matanda na kasi ang radio executive pero mahilig pa rin sa mga seksing aktres.

Sa isang oras ng romansa nila sa kama ay wala ring nangyari kaya natulog na lang ang executive habang panay ang pagratsada ng bunganga ng aktres na nabitin sa romansa. Pero sulit naman ang ibinayad sa kanya ng matandang executive kinabukasan.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALICE DIXSON

ANAK NINA GARY-BERNADETTE

ANG IIBIGIN AY IKAW

ASIAN GAMES

BERNADETTE ALLYSON

DASMA-SALCEDO CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with