^

PSN Showbiz

Mommy ni Assunta, ayaw nang magsalita

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dapat ay may phone-patched interview kami kay Mommy Nette (ina ni Assunta de Rossi) sa Usapang Claire sa DWIZ.

Pero nalilito kami sa sagot ng katulong nila nang tawagan namin sa bahay.

Ang sabi ng isa’y natutulog at ang isa naman ay nakaalis na.

Nakausap namin ang PRO ni Assunta at sinabi nito na ayaw nang magpainterbyu ng ina ng seksing aktres dahil nagkasundo na sila at nagbanta yata si Assunta na lalayas uli kapag nagpainterbyu na naman siya.

Ano ba yan! Parang lumalabas na takot pa ang ina sa kanyang anak.
* * *
Speaking of Usapang Claire, naging paksa kung bakit naliligaw ng landas ang mga kabataan ngayon. Sa pag-aanalisa ay may malaking factor ang mga sumusunod: communication gap sa pagitan ng magulang at anak, kulang ng atensyon at pagmamahal kaya naghahanap ng atensyon sa mga barkada (peer group). Mabuti kung matino ang kanilang barkada kasi sa mga masasamang barkada din nanggagaling ang paggamit ng bawal na gamot at nagrerebelde pa sila sa magulang.

Sa showbiz napuna namin na kapag breadwinner ang anak na babae at nilamon na ng masamang sistema ng showbiz ay nagbabago sila ng pakikitungo sa kanilang ina at nasaksihan namin ang ilang mga artistang babae na ginagawang alalay ang ina at kapag hindi naibigay ang tamang kasuotan at ibang bagay ay nakaangil na ito. Walang magawa ang ina dahil ang bumubuhay sa kanila ay ang anak, di ba?
Kris-Joey, Tuloy Pa Rin!
Kahit nagsalita na si Kris Aquino sa The Buzz tungkol sa paghihiwalay nila ni Mayor Joey Marquez ay marami pa rin ang ayaw maniwalang hiwalay na sila. Nakausap namin ang isang taong malapit sa mayor at sinabi nito na lumalabas pa rin for a date ang dalawa.

Kunsabagay hindi mo mababakas sa mukha ni Kris ang kalungkutan sa napabalitang break-up nila kaya sabi nga nila ay tuloy pa rin ang relasyon nila.
Dingdong-Toni, Sabay Na Nag-Enrol
Marami rin ang hindi naniniwala na nag-break na sila Dingdong Dantes at Antoinette Taus dahil sabay silang nag-enrol sa Ateneo University kung saan isa sa mga subject ay ang Film Appreciation. Ito’y under kay Marilou Diaz-Abaya. Pangarap kasi ng magaling na aktor na mahasa pa sa pagdidirek. Nagdirek na siya sa telebisyon at gusto ring subukan ang pelikula balang araw. Sa unang directional job ay hinangaan siya ng mga artista lalo na si Jolina Magdangal na bida sa episode na Kakabakaba?

At kahit i-deny pa ni Dingdong na wala na sila ni Toni ay walang naniniwala dahil taliwas ang kanilang mga ikinikilos sa kanilang mga sinasabi.
Barbara, Balik-Showbiz
Sa isang interbyu kay Barbara Perez ay sinabi niyang walong taon din ang binilang bago siya nakabalik sa showbiz via Ang Iibigin Ay Ikaw. Nautuwa siya dahil malalaking artista ang kasama niya sa cinenovela ng GMA. Ano ang pinagkaabalahan ng maganda pa ring aktres nang matigil siya pansamantala sa showbiz? "Nag-aalaga ako ng dalawa kong apo kay Gina, pitong taon na ang babae at apat na taon naman ang bunsong lalaki. Matalino nga ang aking apong babae dahil nagda-dub ito ng commercial sa English. Ang aking panganay na anak na si Ana ay wala pa ring asawa at isa siyang commercial director," sey ng aktres.

Natutuwa si Barbara sa pagpapahalagang ibinigay sa kanya ng GMA dahil hanggang alas nuebe lang siya ng gabi kapag may taping. Two weeks ago lang siya sinabihan na kasali siya sa pinakaunang cinenovela sa telebisyon.
Patricia, Kontrabida Kay Angelika
Magaling na kontrabida si Patricia Javier sa Ikaw Lang Ang Mamahalin na siyang nanggugulo sa buhay ng mag-asawang Mylene at Gabriel na ginagampanan nina Angelika at Mark Anthony Fernandez. Mahusay na nailalarawan ng aktres ang papel ng babaing may amnesia na inaapi-api naman ni Patricia dahil malaki ang gusto nito kay Gabriel.

ANG IIBIGIN AY IKAW

ANO

ASSUNTA

CENTER

DAHIL

SIYA

USAPANG CLAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with