Melissa, JC Castro magpapakasal na!
July 12, 2002 | 12:00am
Personal na kinumpirma sa amin ni Melissa Mendez na nag-propose na ang bold actor na si JC Castro na binatang -ama at itinakda nila ang kanilang kasal sa Hunyo sa susunod na taon.
Walong taon ang agwat ng kanilang edad. Magti-38 na si Melissa sa July 27 at 30 naman si JC. May tatlong anak (sa ibat ibang lalaki) si Melissa at may isa namang anak na lalaki sa pagka-binata si JC.
Ayon sa aktres, nagkalapit sila ni JC sa shooting ng pelikulang Hubad na Mundo. Bukod sa kanyang pagiging artista sa pelikula, si Melissa rin ang tumatayong assistant director ni Ed Contreras.
Kung tutuusin, walang eksenang magkasama sina Melissa at JC, pero dahil sa pagiging AD ni Melissa, madalas silang magkasama sa set ni JC at dito nagsimula ang kanilang pagiging malapit sa isat isa.
Tanggap na ni JC ang pagiging dalagang-ina ni Melissa at tanggap din ni Melissa ang pagiging binatang-ama ni JC. Although mahigit dalawang buwan pa lamang silang magkasintahan, ang pakiramdam umano nila ay matagal na silang magkakilala.
Maliban sa panganay ni Melissa na si Denise (14) na civil lang ang pakikitungo kay JC, ang dalawa-sina Cassie (11) at bunso na si Alex (by actor Raymund Keannu) ay parehong malapit sa sexy actor.
Ayon kay Melissa, sa maikling panahon, nakilala niya ng husto ang buong pagkatao ni JC. Masipag at masinop ito at napaka-responsible. Kahit nagpapaseksi ito sa pelikula, nakapagpatayo ito ng sariling 5-storey building sa Caloocan at meron din daw itong ipinatayong bahay sa Marilao, Bulacan bukod pa sa isang loteng nabili nito. Meron itong itinayong billiards business at nagpo-produce siya ng mga shows and hes driving his own Pajero. Sa parte naman ni Melissa, establisado na rin naman siya, bukod sa sarili niyang investments (properties), nagtayo rin siya ng sarili niyang resto-bar sa may Tomas Morato in Quezon City, ang Elephant Square.
Balewala pareho kina Melissa at JC ang kanilang age gap. Ang mahalaga sa kanila ay nagmamahalan at nagkakaunawaan sila.
Ayaw din patulan ni Melissa ang mga patutsada sa kanya ng dating girlfriend ni JC, na si Camille Roxas.
Ayon kay Melissa, hindi man siya naging successful sa kanyang past loves, umaasa siya na magla-last na ang relasyon nila ni JC. Pero kung dumating din umano ang panahon na magkakahiwalay din sila, hindi naman daw niya mapanghahawakan ang itinakda ng tadhana kaya matatanggap niya ito.
Marami ang nanghihinayang sa sexy star na si Assunta de Rossi sa maaga nitong pakikipagrelasyon (kay Cong. Jules Ledesma) although marami rin naman ang pumupuri dahil galing sa Buena familia ang kongresista.
Ang pinaghihinayangan lang ng marami, malayo pa sana ang mararating ni Assunta bilang aktres pero mukhang maaga itong matatapos dahil nagdeklara na ang sexy star na magpapakasal na sila ng controversial congressman from the south.
Natutuwa kami at balik na naman sa pagpo-produce ang OctoArts na pansamantalang tumigil ng isang taon. Sinimulan ng OctoArts (na pag-aari ni G. Orly Ilacad) ang pagla-line produce ng isang pelikulang comedy for Maverick Films na tinatampukan nina Michael V. at Ogie Alcasid mula sa direksyon ni Tony Reyes. Next month, nakatakda naman simulan ng kumpanya ang kanilang magiging entry sa darating na Metro Manila Festival, isa itong fantasy-comedy na pangugunahan ng TV host-comedian na si Vic Sotto na ididirek din ni Tony Reyes.
Nung aktibo pa ang OctoArts Films sa pagpo-produce, isa ito sa tinanghal na major movie outfit at nakapag-produce din sila ng maraming quality films at kasama na rito ang award-winning movies na Bakit Labis Kitang Mahal na tinampukan ni Aga Muhlach, Lea Salonga at Ariel Rivera na dinirek ni Joey Javier Reyes at ang Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story) na tinampukan naman ni Vilma Santos at Christopher de Leon at dinirek ni Laurice Guillen.
Email:[email protected]
Walong taon ang agwat ng kanilang edad. Magti-38 na si Melissa sa July 27 at 30 naman si JC. May tatlong anak (sa ibat ibang lalaki) si Melissa at may isa namang anak na lalaki sa pagka-binata si JC.
Ayon sa aktres, nagkalapit sila ni JC sa shooting ng pelikulang Hubad na Mundo. Bukod sa kanyang pagiging artista sa pelikula, si Melissa rin ang tumatayong assistant director ni Ed Contreras.
Kung tutuusin, walang eksenang magkasama sina Melissa at JC, pero dahil sa pagiging AD ni Melissa, madalas silang magkasama sa set ni JC at dito nagsimula ang kanilang pagiging malapit sa isat isa.
Tanggap na ni JC ang pagiging dalagang-ina ni Melissa at tanggap din ni Melissa ang pagiging binatang-ama ni JC. Although mahigit dalawang buwan pa lamang silang magkasintahan, ang pakiramdam umano nila ay matagal na silang magkakilala.
Maliban sa panganay ni Melissa na si Denise (14) na civil lang ang pakikitungo kay JC, ang dalawa-sina Cassie (11) at bunso na si Alex (by actor Raymund Keannu) ay parehong malapit sa sexy actor.
Ayon kay Melissa, sa maikling panahon, nakilala niya ng husto ang buong pagkatao ni JC. Masipag at masinop ito at napaka-responsible. Kahit nagpapaseksi ito sa pelikula, nakapagpatayo ito ng sariling 5-storey building sa Caloocan at meron din daw itong ipinatayong bahay sa Marilao, Bulacan bukod pa sa isang loteng nabili nito. Meron itong itinayong billiards business at nagpo-produce siya ng mga shows and hes driving his own Pajero. Sa parte naman ni Melissa, establisado na rin naman siya, bukod sa sarili niyang investments (properties), nagtayo rin siya ng sarili niyang resto-bar sa may Tomas Morato in Quezon City, ang Elephant Square.
Balewala pareho kina Melissa at JC ang kanilang age gap. Ang mahalaga sa kanila ay nagmamahalan at nagkakaunawaan sila.
Ayaw din patulan ni Melissa ang mga patutsada sa kanya ng dating girlfriend ni JC, na si Camille Roxas.
Ayon kay Melissa, hindi man siya naging successful sa kanyang past loves, umaasa siya na magla-last na ang relasyon nila ni JC. Pero kung dumating din umano ang panahon na magkakahiwalay din sila, hindi naman daw niya mapanghahawakan ang itinakda ng tadhana kaya matatanggap niya ito.
Ang pinaghihinayangan lang ng marami, malayo pa sana ang mararating ni Assunta bilang aktres pero mukhang maaga itong matatapos dahil nagdeklara na ang sexy star na magpapakasal na sila ng controversial congressman from the south.
Nung aktibo pa ang OctoArts Films sa pagpo-produce, isa ito sa tinanghal na major movie outfit at nakapag-produce din sila ng maraming quality films at kasama na rito ang award-winning movies na Bakit Labis Kitang Mahal na tinampukan ni Aga Muhlach, Lea Salonga at Ariel Rivera na dinirek ni Joey Javier Reyes at ang Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story) na tinampukan naman ni Vilma Santos at Christopher de Leon at dinirek ni Laurice Guillen.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended