^

PSN Showbiz

Ano naman ang ikinaiba ng cinenovela sa ibang soap ?

- Veronica R. Samio -
Nagulat ako nang mapanood ko sa Saksi nung Miyerkules ng gabi na magkakaroon ng world premiere ang pinakabagong serye na sisimulan ng GMA ngayong Lunes, araw ng barangay elections, ang Ang Iibigin Ay Ikaw na nagtatampok sa isang powerhouse cast na kinabibilangan nina Christopher de Leon, Richard Gomez, Alice Dixson, Lani Mercado, Barbara Perez, Boots Anson Roa, Mark Gil, Rio Locsin, AJ Eigenmann, Chubi del Rosario, Jackielou Blanco at ang McDo girl na si Karen delos Reyes na pinuna ko minsan sa aking column dahil sa hindi magandang trato niya sa isa sa naging konsorte niya sa isang santacruzan na ginanap sa Bulacan. Hindi lamang niya napuna ito sapagkat sa halip na Delos Reyes ay Delos Santos ang naibigay ko sa kanyang apelyido.

Ang bagong palabas ay nasa direksyon ng magaling na direktor ng pelikula, si Bb. Joyce Bernal, na umaming mas nahihirapan siya sa pagdidirek ng nasabing serye kaysa sa maraming pelikula na nagawa niya. "Napakaraming eksena nito. Matagal nang gumigiling ang kamera ko at marami na akong nakukunan ay hindi pa rin sapat para sa isang episode na katumbas ng isang linggong palabas sa TV," aniya.

Napaka-pormal ng launching. Marami sa mga kafatid sa hanapbuhay ay kinailangan pang mag-Amerikana. Buti na lang umuulan- ulan at malamig ang panahon, okay lang na mag-coat, paano kung mainit ang panahon?

Ang launching at sinasabing world premiere na hindi naman pala totoo dahil pinakulo lang ito ng kanilang showbiz news anchor na si Lhar Santiago bagaman at marami nang TFC stations sa maraming bansa sa abroad ang gustong bilhin ang palabas, dinaluhan ng halos lahat ng artistang kasama sa cinenovela.

Bakit cinenovela? Dahil parang pelikula raw ang scope nito at mapapanood araw- araw. Mayroon din itong theme song na may katulad ding titulo at inawit ni Lani Misalucha who sang it a few years back sa isang Metropop tilt. Nandun sa launching si Lani to sing the song live.

Masaya ang atmosphere ng launching. Nagpa-raffle ng mga gold jewelries dahil daw ang role ni Richard sa series ay isang gold miner. Tatlong sets ng napanalunan ng tatlong members ng movie press.

Pagkatapos ng press presentation, nagkaroon ng interviews na pinaunlakan ng lahat ng artista, nina Direk Joyce at writer Gina Marissa Tagasa at maging ng mga executives ng GMA.

Si Paolo Bediones ang nag-host ng launching.
*****
Hindi na itinatago ni Chubi del Rosario ang magandang relasyon nila ng modelong si Melissa Martinez. Naroon ang dalaga sa launching para siya suportahan. Umalis naman agad ito. A few days ago, nakita silang kumakain sa Virgin Cafe. Parang wala silang nakikitang dalawa kundi ang isa’t isa. It seems naka-recover na si Chubi sa kanyang dating ka-loveteam na si Anne Curtis. Sila ni Karen delos Reyes ang magkapareha sa Ang Iibigin Ay Ikaw.
*****
Isa pang anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa ang kasalukuyang gumagawa ng pangalan bilang artista. May pangalan siyang Andrew James Eigenmann o AJ. Kasama siya sa bagong cinenovela ng Siyete, gayundin ang kanyang tiyuhing si Mark Gil.

Hindi worried si AJ na inaasahan ng manonood na magiging kasing-galing siya ng kanyang mga magulang dahil alam niya na namana niya ang talinong ito sa kanila. Pero mas gusto niyang makilalang isang superstar kaysa isang aktor.

Napanood na siya sa Most Wanted at Kirara, regular ngayon sa Click at sinwerteng mabigyan ng magandang role sa Ang Iibigin Ay Ikaw.
*****
Bagaman at isang mahusay na artista si Christopher de Leon, nanibago pa raw siya sa mga unang taping days nila ng Ang Iibigin Ay Ikaw.

"Napakakapal ng script na kailangan naming memoryahin," anang aktor na ang role sa bagong serye ay lubhang napakalaki at mahalaga. "Ako ang nagbigay ng problema sa kanilang lahat," sabi niya referring to his many co-stars.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANDREW JAMES EIGENMANN

ANG IIBIGIN AY IKAW

ANNE CURTIS

BARBARA PEREZ

BOOTS ANSON ROA

CHUBI

ISANG

MARK GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with