Paborito ng magnanakaw
July 10, 2002 | 12:00am
Inamin ni Camille Prats na inabot siya ng nerbiyos nong Sunday nang mag-oathtaking as national president ng Happy Savers Club ng Banco Filipino. Ginanap ang panunumpa ni Camille nong Sunday, 8 am sa PSC Ultra. Bago ang oathtaking ceremonies, nagkaroon muna ng misa na dinaluhan ni Camille (accompanied by parents Daniel and Alma Prats and road manager Kate Dolino), bosses ng Banco Filipino, members, BF employees at iba pa.
"I know its a great challenge heading such big organization. But with the support that Banco Filipino is giving me, I know it wont be that hard," sabi ni Camille na incidentally ay seven years nang image model ng Happy Savers Club.
Malaking responsibilidad ang nakaatang ngayon kay Camille. Alam na rin niya ang kanyang duties and responsibilities bilang national president. Maraming naka-line up na activities si Camille bilang pagganap ng kanyang tungkulin. Una nang ginawa niya ay ang "Tree-Planting Program" kamakailan.
Suportado si Camille ng mga bosses ng Banco Filipino. Sa katunayan, during her oathtaking, present ang President and Chief Operating Officer ng Banco Filipino na si Mr. Teodoro O Arcenas, Jr. at si Ms. Maribel Cotoco, Vice-President for Marketing.
Kasabay din ng oathtaking ni Camille ay ang annual sportsfest ng Banco Filipino. Limang teams ang naglaban-laban. Nagkaroon din ng raffle para sa mga empleyado.
After the success of the movie Forevermore starred by Jericho Rosales and Kristine Hermosa, magiging abala muli ang Star Cinema sa promo ng Jologs kung saan ilan sa mga bida sina Diether Ocampo, Dominic Ochoa, Assunta de Rossi, Patrick Garcia, Onemig Bondoc, Baron Geisler at John Prats. Malayo pa man ang target playdate ay puspusan na ang pagi-schedule ng mga artistang kabilang sa nasabing movie. Kaya di malayong in the next few days ay visible ang buong cast ng movie para sa mga television guestings.
May nagtatanong na sequel daw ba ng Trip ang Jologs. According to a friend from Star Cinema, magkaiba ang dalawang pelikula. Kung nagustuhan ng tao ang Trip, tiyak raw na magugustuhan din ang Jologs. Mostly kasi ng kasama sa Trip ay part din ng Jologs kaya siguro na-confused ang ilang mga fans.
Target playdate ng Jologs ay sa darating na August. Sigurado kaming magiging maganda rin ang resulta ng nasabing movie dahil kay Direk Gilbert Perez. Ito bale ang second directorial job ni Manong after the hit movie Trip.
Nabalitaan namin na nawalan ng cellphone ang kaibigan naming si Jennifer Miller. Last Saturday, nasa Farmers Plaza sina Jen at buong barkada ng Klasmeyts para sa isang live episode for the "Anti-piracy" campaign.
Naiyak sa lungkot dahil nanakaw ang 8890 sa mismong dressing room ng Farmers. Hindi lubos maisip ng baguhang aktres na sa isang iglap ay mawawala ang kanyang cellphone. According to her Talent Center manager, last month lang ay nanakawan sila Jen sa mismong bahay nila na worth 700,000.00. Hindi pa man nakaka-recover si Jen ay hetot nanakawan uli siya.
Buti na lang maraming raket si Jen lately dahil bukod sa regular siya sa Whattamen at Klasmeyts ay mukhang marami ang kanyang television guestings at movie offers.
For your comments and suggestions, you can e-mail me at [email protected]
"I know its a great challenge heading such big organization. But with the support that Banco Filipino is giving me, I know it wont be that hard," sabi ni Camille na incidentally ay seven years nang image model ng Happy Savers Club.
Malaking responsibilidad ang nakaatang ngayon kay Camille. Alam na rin niya ang kanyang duties and responsibilities bilang national president. Maraming naka-line up na activities si Camille bilang pagganap ng kanyang tungkulin. Una nang ginawa niya ay ang "Tree-Planting Program" kamakailan.
Suportado si Camille ng mga bosses ng Banco Filipino. Sa katunayan, during her oathtaking, present ang President and Chief Operating Officer ng Banco Filipino na si Mr. Teodoro O Arcenas, Jr. at si Ms. Maribel Cotoco, Vice-President for Marketing.
Kasabay din ng oathtaking ni Camille ay ang annual sportsfest ng Banco Filipino. Limang teams ang naglaban-laban. Nagkaroon din ng raffle para sa mga empleyado.
May nagtatanong na sequel daw ba ng Trip ang Jologs. According to a friend from Star Cinema, magkaiba ang dalawang pelikula. Kung nagustuhan ng tao ang Trip, tiyak raw na magugustuhan din ang Jologs. Mostly kasi ng kasama sa Trip ay part din ng Jologs kaya siguro na-confused ang ilang mga fans.
Target playdate ng Jologs ay sa darating na August. Sigurado kaming magiging maganda rin ang resulta ng nasabing movie dahil kay Direk Gilbert Perez. Ito bale ang second directorial job ni Manong after the hit movie Trip.
Naiyak sa lungkot dahil nanakaw ang 8890 sa mismong dressing room ng Farmers. Hindi lubos maisip ng baguhang aktres na sa isang iglap ay mawawala ang kanyang cellphone. According to her Talent Center manager, last month lang ay nanakawan sila Jen sa mismong bahay nila na worth 700,000.00. Hindi pa man nakaka-recover si Jen ay hetot nanakawan uli siya.
Buti na lang maraming raket si Jen lately dahil bukod sa regular siya sa Whattamen at Klasmeyts ay mukhang marami ang kanyang television guestings at movie offers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended