Cogie, balik-iskwela
July 6, 2002 | 12:00am
Magbabalik-iskuwela ngayong Setyembre ang guwapong batang aktor na si Cogie Domingo.
Hanggang ngayong Agosto ay may kalayaan pang magpasarap sa buhay ang young actor sa pagitan ng kanyang shooting at taping, pero sa pagpasok ng Setyembre ay parang makina na si Cogie.
Sa Brent School sa Laguna (Mamplasan) papasok si Cogie, American School ito na dati na niyang pinag-aaralan, ayaw na niyang sayangin pa ang pagkakataong ito dahil isang taon na nga siyang hindi pumasok.
"Baka kasi mawili ako sa work, ayoko namang mapabayaan ang education," katwiran ng batang aktor na ang pares ng ngipin ay kakabog sa mga modelo ng ibat ibang brand ng toothpaste.
Medyo isasakripisyo nga lang niya ang paggimik sa gabi kapag nagbukas na ang iskuwela, ang dating paglabas-labas niya kasama ang mga kaibigan ay maisasantabi na, dahil wala na siyang magiging oras.
Ang pinoproblema ngayon ng kanyang ina ay ang paggising ng maaga ni Cogie, yun ang pinakaunang problemang kailangang resolbahan ni Mommy Zennie, lalo nat kung minsan ay umaabot nang hanggang mag-uumaga na ang shooting at taping ng binatang aktor.
Kunsabagay ay maagap naman sa mga ganitong kaso ang manager ni Cogs na si Joji Dingcong, nakikipag-usap ito sa mga ehekutibo ng Siyete, para hindi malagay sa alanganin ang kanyang alaga.
"Nung mga panahong namomroblema ang produksyon sa madalas na huling pagdating ni Cogie sa set ay kinausap ng kanyang manager ang mga namamahala sa taping ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Ipinakiusap ng batam-batang manager na kung maaari ay pagtrabahuhin lang si Cogie ng hanggang alas-dose ng hatinggabi para may itulog pang ilang oras ang binata bago mag-report sa susunod na trabaho, at ibinigay naman yun ng Siyete sa kanila.
Napakahalaga pa naman ng papel na ginagampanan ngayon ni Cogie sa seryeng Kung Mawawala Ka, siya si Carlito Valiente na anak ng pinaslang na mag-asawa ni Eddie Garcia at sa mga darating na episodes nito ay masesentro na ang istorya sa paglalaban nila sa mundo ng pulitika ni Alberto (Raymond Bagatsing).
Pagdating sa pag-arte ay walang kahit sinong direktor ang namroblema sa batang aktor, napakaswerte nga niyang maituturing dahil ang armas niya sa pakikipaglaban sa showbiz ay hindi lang ang kanyang kagwapuhan, kundi pati na ang angat niyang kapasidad sa pagganap.
Ganung anak-mayaman ang itsura ni Cogie Domingo ay hindi matatawaran ang pagpapakita ng interes ng masa kapag nakikita na siya.
Kahit saan mo dalhin si Cogie ay pinagkakaguluhan siya, kinikilig sa kanya ang mga kababaihan at iniilusyon namang makasama nang kahit ilang sandali lang ng mga kabadingan.
Mukhang tahimik lang sa biglang tingin, pero may kakulitan si Cogie kapag sinusumpong, para siyang bata na hindi mapakali sa isang lugar.
Kuwento ni Cogs, mula preparatory hanggang grade three ay siya ang pambato ng kanilang school sa mga programa nila, paborito niya noon si Michael Jackson, kaya ginagaya niya ang kilos at porma ng banyagang singer.
Hanggang ngayon nga, kapag magkakasama kami, ay alam na alam pa rin ni Cogie ang mga lyrics ng mga kanta ni MJ, tawa siya nang tawa kapag naaalala niya ang kanyang kabataan.
Unti-unti nang idinidikit ang kanyang pangalan ngayon kay Sunshine Dizon, ang kanyang kapareha sa KMK, pero ayon kay Cogie ay parang nakababata lang niyang kapatid si Sunshine.
Matalino, guwapo, magaling umartewala ngang dahilan para maharangan pa ang mas pag-angat ng pangalan ni Cogie Domingo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am