Kaibigan ko si Raymart hindi boyfriend- Claudine
July 5, 2002 | 12:00am
Mabuti naman at hindi sinabi ni Claudine Barretto na naka-recover na siya sa pagkamatay ni Rico (Yan) at ng mga sumunod na pangyayari na kaugnay nito sapagkat halatang-halata sa kanyang itsura at maging sa kanyang boses na akala mo ay palaging gustong umiyak, na hindi pa pala. Ang inamin niya ay hindi pa siya nakahandang humarap sa press kaya lamang ay kailangan na niya para sa promosyon ng kanyang birthday special na pinaplano ng ABS CBN sa Hulyo 19, Biyernes, sa Folk Arts Theater.
Hindi basta-basta special ang nakaplanong mapanood sapagkat halos lahat yata ng malalaking artista, lalo na yung mga nakasama niya simula nung mag-artista siya hanggang sa sumikat ay inimbita para mag-participate.
"Kung ako ang masusunod ay gusto ko na lamang ay isang matahimik na selebrasyon kasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Pero, natuwa ako nang malaman ko ang binabalak ng ABS CBN," panimula niya. "Dati, umaatras ako kapag may ganitong mga plano pero hindi ngayon. Gusto ko rin namang ipakita sa lahat that I cannot grieve forever. I have to move on. Maraming tumulong at sumalo sa akin in my darkest hours at gusto ko namang ipakita sa kanila ang aking mataos pusong pasasalamat, kahit man lamang sa pamamagitan nito.
"Inaamin ko na habang nalalapit ito ay lumalakas ang takot ko. Sa mga nakaraang taon ay kasama ko si Rico kapag birthday ko. Wala siya ngayon kaya natatakot ako."
Inimbita ba niya si Raymart (Santiago) sa kanyang selebrasyon? At ano ba ang totoong relasyon nila?
"Ang ABS CBN ang nag-asikaso ng lahat sa special. Ngayon ko lamang nalalaman kung sinu-sino ang mga inimbita. Hindi kasama si Raymart.
"He will have his own celebration dahil magka-birthday kami. Gusto ko siyang pasalamatan dahil naroroon siya nang kailangang-kailangan ko ng masasandalan. Isa siyang mabuting kaibigan sa akin. Wala kaming relasyon bukod sa pagiging magkaibigan. Hindi ko siya boyfriend. Matatagalan pa siguro bago ako pumasok sa isa pang relasyon. Kung naririyan pa siya pagdating ng panahon o kung siya talaga ang para sa akin ay hindi ko pa alam. Hindi ko pa ito iniisip. Ang tanging masasabi ko ay wala siyang ipinakitang hindi maganda sa akin."
Actually, sa Sabado ang totoong birthday ni Claudine. Sa araw na ito ay makakapiling niya ang kanyang pamilya. Kinabukasan, mga kaibigan naman niya ang kasama niya.
Ang birthday special ni Claudine na pinamagatang The Journey Of My Heart ay iho-host nina Edu Manzano at ng Hunks (Piolo, Jericho, Diether, Bernard at Carlos) sa direksyon ni Johnny Manahan. Magkakaroon siya ng tatlong changes ng gowns na gagawin nina Ino Sotto, Wink at Rhet Iala.
Magsisimula ang special sa ika-7:00 ng gabi pero mapapanood ito sa ika-9:00 ng gabi. Libre lamang ang admission.
Isang magandang promo ng pelikulang Ang Galing Galing Mo Babes!, ang ikalawang pelikula ng Imus Productions, isang film outfit na itinatag ng ngayon ay Senador Ramon Revilla at ipinagpapatuloy ng magkakapatid na Revilla (Rowena, Bong, Andrea, Diane, Marlon at Strike) ang ibinigay na X-rating ng MTRCB sa trailer pa lamang ng pelikula. Tuloy nagkaroon ng interes ang mga manonood na makita ang dahilan kung bakit ito na-X. Sobra nga ba ang pagiging bold nito?
"Actually, ang tema nito ang maselan. Yung execution ay hindi naman siguro mas gagrabe pa sa mga ipinalalabas ng bold movies, like yung una naming ginawa ni Joyce (Jimenez) na Scorpio Nights," ani Albert Martinez sa napaka-box-office na presscon ng movie na ginanap nung Miyerkules ng hapon sa Kamamesi Restaurant sa Tomas Morato, QC.
Sinabi ni Albert na napaka-offbeat na naman ng karakter niya sa movie. "Palagi naman akong nabibigyan ng hamon ng mga ganitong roles. Para nga maging realistic ang character ko ay nagpatubo pa ako rito ng balbas. Apat na araw lamang naman at mahaba na ito. Kawawa nga si Joyce dahil pagkatapos ng mga eksena namin ng romansa ay namamaga ang leeg at bibig niya.
"Nagpalaki rin ako ng katawan pero, kahit naman wala akong movie ay talagang naggi-gym ako. To keep in fit," dagdag pa ng aktor na gumaganap ng role ng isang dating call boy na unti-unti nang nalalaos. Kaya ang ginawa niya ay ang mga babae naman sa buhay niya ang ibinubugaw niya para siya mabuhay. "Mga babae sila na dumaan muna sa akin at pagkatapos ay ipinapasa ko sa iba," dagdag pa niya.
Second time ni Albert na makasama si Joyce na aniya ay gumaling ng artista."Nasanay na rin siya. Magaling na siya at wala pa ring kiyeme. Feeling ko nga I was working with an actress," papuri niya sa kapareha. Kasama sa pelikula sina Lester Llansang, Ruby Moreno, Marcus Madrigal, Jenny Roa, Perla Bautista at Cloyd Robinson. Direksyon ng matagal na ring absent sa movie na si Ed Palmos.
Hindi basta-basta special ang nakaplanong mapanood sapagkat halos lahat yata ng malalaking artista, lalo na yung mga nakasama niya simula nung mag-artista siya hanggang sa sumikat ay inimbita para mag-participate.
"Kung ako ang masusunod ay gusto ko na lamang ay isang matahimik na selebrasyon kasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Pero, natuwa ako nang malaman ko ang binabalak ng ABS CBN," panimula niya. "Dati, umaatras ako kapag may ganitong mga plano pero hindi ngayon. Gusto ko rin namang ipakita sa lahat that I cannot grieve forever. I have to move on. Maraming tumulong at sumalo sa akin in my darkest hours at gusto ko namang ipakita sa kanila ang aking mataos pusong pasasalamat, kahit man lamang sa pamamagitan nito.
"Inaamin ko na habang nalalapit ito ay lumalakas ang takot ko. Sa mga nakaraang taon ay kasama ko si Rico kapag birthday ko. Wala siya ngayon kaya natatakot ako."
Inimbita ba niya si Raymart (Santiago) sa kanyang selebrasyon? At ano ba ang totoong relasyon nila?
"Ang ABS CBN ang nag-asikaso ng lahat sa special. Ngayon ko lamang nalalaman kung sinu-sino ang mga inimbita. Hindi kasama si Raymart.
"He will have his own celebration dahil magka-birthday kami. Gusto ko siyang pasalamatan dahil naroroon siya nang kailangang-kailangan ko ng masasandalan. Isa siyang mabuting kaibigan sa akin. Wala kaming relasyon bukod sa pagiging magkaibigan. Hindi ko siya boyfriend. Matatagalan pa siguro bago ako pumasok sa isa pang relasyon. Kung naririyan pa siya pagdating ng panahon o kung siya talaga ang para sa akin ay hindi ko pa alam. Hindi ko pa ito iniisip. Ang tanging masasabi ko ay wala siyang ipinakitang hindi maganda sa akin."
Actually, sa Sabado ang totoong birthday ni Claudine. Sa araw na ito ay makakapiling niya ang kanyang pamilya. Kinabukasan, mga kaibigan naman niya ang kasama niya.
Ang birthday special ni Claudine na pinamagatang The Journey Of My Heart ay iho-host nina Edu Manzano at ng Hunks (Piolo, Jericho, Diether, Bernard at Carlos) sa direksyon ni Johnny Manahan. Magkakaroon siya ng tatlong changes ng gowns na gagawin nina Ino Sotto, Wink at Rhet Iala.
Magsisimula ang special sa ika-7:00 ng gabi pero mapapanood ito sa ika-9:00 ng gabi. Libre lamang ang admission.
"Actually, ang tema nito ang maselan. Yung execution ay hindi naman siguro mas gagrabe pa sa mga ipinalalabas ng bold movies, like yung una naming ginawa ni Joyce (Jimenez) na Scorpio Nights," ani Albert Martinez sa napaka-box-office na presscon ng movie na ginanap nung Miyerkules ng hapon sa Kamamesi Restaurant sa Tomas Morato, QC.
Sinabi ni Albert na napaka-offbeat na naman ng karakter niya sa movie. "Palagi naman akong nabibigyan ng hamon ng mga ganitong roles. Para nga maging realistic ang character ko ay nagpatubo pa ako rito ng balbas. Apat na araw lamang naman at mahaba na ito. Kawawa nga si Joyce dahil pagkatapos ng mga eksena namin ng romansa ay namamaga ang leeg at bibig niya.
"Nagpalaki rin ako ng katawan pero, kahit naman wala akong movie ay talagang naggi-gym ako. To keep in fit," dagdag pa ng aktor na gumaganap ng role ng isang dating call boy na unti-unti nang nalalaos. Kaya ang ginawa niya ay ang mga babae naman sa buhay niya ang ibinubugaw niya para siya mabuhay. "Mga babae sila na dumaan muna sa akin at pagkatapos ay ipinapasa ko sa iba," dagdag pa niya.
Second time ni Albert na makasama si Joyce na aniya ay gumaling ng artista."Nasanay na rin siya. Magaling na siya at wala pa ring kiyeme. Feeling ko nga I was working with an actress," papuri niya sa kapareha. Kasama sa pelikula sina Lester Llansang, Ruby Moreno, Marcus Madrigal, Jenny Roa, Perla Bautista at Cloyd Robinson. Direksyon ng matagal na ring absent sa movie na si Ed Palmos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended