^

PSN Showbiz

Padasal sa ika-100 na araw na pagkamatay ni Rico Yan

-
Sa darating na Sabado, July 6, ay magkakaroon ng padasal para sa ika-100 na araw ng pagkamatay ni Rico Yan. Gaganapin ito sa libingan ng aktor sa Manila Memorial sa Parañaque sa ika-4 ng hapon.

Darating ang mga magulang ng aktor mula sa America bukas, July 5, para kasamang mamamahala sa naturang padasal.

Malapit nang matapos ang VCD ni Rico. Ang narrator dito ay ang ate niyang si Geraldine. Isasalaysay nito ang buhay ni Rico mula sa kamusmusan hanggang sa kanyang pagkamatay.

May karagdagang footages dito mula sa pelikulang Got 2 Believe na hindi naisali sa unang inilabas na VCD ng naturang pelikula. May tampok din itong director’s cut mula sa mga pelikulang nagawa ng aktor tulad ng Kahit Isang Saglit, Gimik, The Movie at marami pang iba.(Ulat Ni Alex Datu)

vuukle comment

ALEX DATU

GAGANAPIN

GERALDINE

GIMIK

ISASALAYSAY

KAHIT ISANG SAGLIT

MANILA MEMORIAL

RICO

RICO YAN

ULAT NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with