^

PSN Showbiz

'Arriba, Arriba' ni Jolina alisin kaya ng ABS-CBN?

RATED A - Aster Amoyo -
Sa pamamagitan ng text message na magkakasunod na ipinadala sa amin nina Manny Valera, Nadia Montenegro at Lyn Cruz (wife of Tirso Cruz III), nalaman namin na sumakabilang-buhay na ang aktor na si Ronel Victor nung July 1 ng 2:00 a.m. sa Illinois, Chicago, USA sa sakit na kanser sa pancreas. Kati-32 lang ni Ronel nung June 21.

Hindi pa umano sigurado kung iuuwi dito ang bangkay ni Ronel o kung iki-cremate na lang ito.

Sa pamilya at mga kaanak ni Ronel, ang aming taos-pusong pakikiramay.
* * *
Kapansin-pansin ang pagiging visible lately ng young star na si Jolina Magdangal sa mga shows ng GMA-7 to think na very much identified ito sa ABS-CBN na siyang nag-build-up sa kanya.

Last Sunday, napanood namin si Jolina sa SOP ng GMA-7 na siyang rival program ng ASAP kung saan (dati) regular si Jolina. Pero napag-alaman namin na wala na umano si Jolina sa ASAP nung Mayo 14 kaya libreng-libre na umano si Jolina na tumanggap ng project sa ibang istasyon at movie outfit. Bukod sa SOP, napanood din namin si Jolina kinagabihan sa Partners: Mel & Jay na isa rin sa mga programa ng Siyete. May guesting din siya sa Beh, Bote Nga na isa sa mga sitcoms ng GMA-7.

Kinumpirma sa amin ng father-manager ni Jolina na si Jun Magdangal na libreng-libre na ngayon ang kanyang anak na tumanggap ng project sa iba although hindi raw ito nangangahulugan na wala nang balak ang kanyang anak na muling gumawa ng proyekto sa Dos o sa Star Cinema kung meron umanong alok.

Bilang pasimula, pumirma ng two-picture contract si Jolina sa Viva Films at may gagawin din siyang pelikula with ace comedian Dolphy sa bakuran ng RVQ Productions na nakatakdang idirek ni Eric

BOTE NGA

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

JUN MAGDANGAL

LAST SUNDAY

LYN CRUZ

MANNY VALERA

NADIA MONTENEGRO

RONEL

RONEL VICTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with