^

PSN Showbiz

Noon pa kinukuha ni FPJ

-
Matapos makapag-aral ang dating sexy star na si Himaya ay nagbabalik showbiz na naman siya, kasama siya sa gagawing pelikula ng King of Philippine movies na si Fernando Poe, Jr., na isasali sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Marami raw kasing kumukulit sa kanya na kailangan bumalik na siya sa showbiz dahil baka raw maburo lang ang kanyang ganda at talento.

Kung may ilan tao na raw ang kumakausap sa kanya lalo na si Augusto Salvador ang tumatayong manager ni Himaya na pagkakataon na niyang mapasama sa gagawin movie ni Da King, ‘wag na niya raw palampasin pa ang dumarating swerte sa kanya.

Nung unang makita ni FPJ si Himaya ay gustong-gusto na agad itong isama sa ginagawa niyang pelikula. Hindi lang natuloy dahil gusto nito na makapagtapos muna ng pag-aaral. Pero ngayong graduate na siya ng Mass Communication sa PWU, ay balik-showbiz na ito at kasama sa pang MMFF movie ni Da King.

Pero, gusto ng sexy star na mag-recording din. Katunayan, may mga alok sa kanya na pumunta ng ibang bansa para kumanta. Pinag-aaralan niya itong mabuti. Matagal pa naman daw bago mag-shoot si FPJ ng movie kaya baka umalis muna siya.

AUGUSTO SALVADOR

DA KING

FERNANDO POE

HIMAYA

KATUNAYAN

KING OF PHILIPPINE

MARAMI

MASS COMMUNICATION

MATAGAL

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with