Assunta binastos ang ina!
June 30, 2002 | 12:00am
Totoong nakapanghihinayang, pero higit dun ay nakalulungkot ang kinauwian ng relasyon ni Assunta de Rossi at ng kanyang pamilya (Mommy Nette at Alessandra) dahil sa pagpasok sa kanyang buhay ng pulitikong si Congressman Jules Arenas Ledesma IV.
Kung ang career lang ni Assunta ay madaling tanggaping kaya niyang talikuran yun nang dahil sa pag-ibig, ganyan naman ang mga nagmamahal, kaya nilang isakripisyo ang anuman para sa pag-ibig.
Walang magagawa ang kahit sino kung talagang tinamaan ang seksing aktres kay Congressman Jules, damdamin niya yun at hindi natin hawak ang kanyang nararamdaman, pero ang mga kuwentong umiikot tungkol sa kanilang mag-iina ay nakalulungkot.
Nakarating sa amin ang impormasyon na nagawang bastusin ni Assunta ang kanyang ina nung aktong sinusundo na siya ng pulitiko para tuluyan nang lumipat sa tinitirhan nitong condo unit sa Pasig.
Literal daw na ihinaharang ni Mommy Nette ang kanyang katawan sa pintuan para huwag umalis ang dalaga, pero parang sinasapian naman ng kung anong uri ng ispiritu si Assunta na tinabig-tabig lang ang kanyang ina.
Hindi rin nagustuhan ng nagkuwento sa amin ang diumanoy turo pa ng kongresista kay Assunta habang naghihilahan silang mag-ina sa pintuan.
"Call the police! Call the police if they dont want you to leave!" paulit-ulit daw na isinisigaw ng pulitiko, kaya nagwala ang nakababatang kapatid ni Assunta na si Alessandra.
Nakalulungkot naman ang senaryong ganito, madali namang intindihing nainlab si Assunta, pero ang mawasak nang paganun lang ang samahan ng pamilya ay nakagugulat isipin.
Gusto na raw kasing magpakasal ni Assunta kay Congressman Ledesma, dahil ayon sa dalaga ay pagod na pagod na siya.
Yun naman ang kataka-taka sa mga artista, kapag nangangarap pa lang sila ay abot-abot ang kanilang pangako sa sarili na lahat ay gagawin nila, magkaroon lang sila ng maraming proyekto.
Lahat ay kaya nilang tiisin, magkapangalan lang sila at suwertihin at mabigyan ng maraming pelikula, pero kapag nandiyan na ay kung anu-anong reklamo naman ang maririnig mo mula sa kanila.
Walang masama kung matindi talaga ang pana ni Kupido na tumagos sa puso ni Assunta, pero sana naman ay maging maayos ang kanilang pamilya, tutal naman ay nauunawaan na nina Mommy Nette at Alessandra na tinamaan talaga siya sa pulitiko.
Huwag naman sanang kumilos nang padalos-dalos si Assunta na lahat na lang ay mali at tanging ang pulitiko ang tama, dahil kapag dumating ang panahong nagkaroon ng gulo sa buhay nila ni Jules (na huwag naman sana), ay sino pa ba naman ang kanyang tatakbuhan kundi ang kanyang sariling pamilya rin?
Tatapusin daw naman munang lahat ni Assunta ang mga kompromisong natanguan nila ng kanyang manager na si Manny Valera, pero iiwas na sa mga pelikulang may hubaran ang dalaga, dahil yun ang gustong mangyari ng pulitiko.
Dumadaan palang lahat ngayon sa kongresista ng Negros Occidental pati ang kopya ng mga kontrata ni Assunta, kaya wala ring paglugaran ang tunay na naghirap sa kanya para sumikat siya, si Manny Valera na kung padalhan daw ng mensahe sa text ngayon ng pulitiko ay paganun na lang.
Pag-ibig ang pinakamahirap na kalaban ng mga managers sa kanilang mga alaga, kapag nagmahal na ang mga alaga nilang artista ay wala na silang magawa, natatalo ang anumang pinirmahang kontrata ng artista sa kanila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended