^

PSN Showbiz

Sinuswerte ang mabait na si Dennis Trillo

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Very proud si Pops Fernandez sa bago niyang album, ang "The Way I Feel Inside" under Viva Records dahil bawat cut dito ay naglalaman kung ano ang nararamdaman niya. Ibig sabihin, listening to the songs in the album makes you feel what’s Pops’ feelings inside. ‘Tulad na lamang ng carrier single na "Kaya Pala", it talks about finding a new love and mending a broken heart. Ang nasabing kanta ay likha nina Edith Gallardo and Moy Ortiz na siya ring lumikha ng "Pagdating Ng Panahon".

"For us artists, dream album ‘yung makanta mo ‘yung mga songs that speak of our feelings. It’s like opening your heart to the people. Listening to the songs makes you feel what’s inside me. Hahaha!"

Ilan pa sa songs sa album ay "Hindi Pa Pala Ikaw", "Kahapon Nagdaan Ang Bukas", "Ano Ba ang Tama?", "Nagkamali Ba Ang Puso?", "Ikaw Na Nga Kaya?", "Keep Your Feet On The Ground," "Pa’no Ba ‘Yun?", "Bakit Ka Lumayo?", "Tinatanong Pa Ba ‘Yan?" at "Bago Ang Lahat".

In line with the album’s promotion, ongoing ang mall tour ni Pops. Sa Sabado, June 29 ay nasa SM North EDSA siya. July 6, SM Southmall at sa July 13 sa SM Sucat. Sponsors ng mall tour ang Disudrin, Ascorbic Acid Ceelin, Rebel Prepaid Internet Card, Ratsky, Astoria Plaza, Mix, D&G Eyewear, Fornarina and Cebe Sport Eyewear.
* * *
Isa na siguro sa pinakamasuwerteng baguhan sa ABS-CBN Talent Center ay itong si Dennis Trillo. Barely nine months pa lang siya sa showbiz, mula nang ni-launch ang Star Circle 10, ngayon ay dalawang shows na ang pinagkakaabalahan niya. Unti-unti na itong napapansin sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang Jojo, ang bestfriend ni Clarence (played by Luis Alandy). At ilang linggo lang ang nakakaraan, ni-launch naman ang K2BU, kung saan kasama rin si Dennis.

"Suwerte ko nga dahil inaalagaan talaga ako ng Talent Center. Kaya nga in everything I do, ginagalingan ko ang mga roles ko. Maliit man o malaki," sabi nito.

Bukod sa very promising, napakabait na anak pala nitong si Dennis. Sa bawat taong nakakausap nito ay ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya ang binabanggit.

"I love my family so much. Sobra ang suporta nila sa akin. My family inspires me a lot. My mom, sobrang bait niyang mommy. Lagi siyang andiyan to support me."

Well, kung ang isang artista ay ‘tulad ni Dennis na mapagmahal sa magulang at sa mga tumutulong sa kanya, ‘di malayong sumikat talaga ang batang ito.

Sa mga sumusubaybay sa career ni Dennis, abangan ninyo ang launch ng personal website niya next week sa abs-cbn pinoycentral.
* * *
Exciting ang inihandang show ng Harvard Jeans USA ngayong Sunday, 4 p.m. sa Entertainment Center ng SM North EDSA. Magsasama-sama ang buong Harvard Jeans USA family na kinabibilangan nina Baron Geisler, Dennis Trillo, Matet de Leon, Alwyn Uytingco, Bea Alonzo, Gary Lim, Selina Sevilla at ang Streetboys.

ALWYN UYTINGCO

ANO BA

ASCORBIC ACID CEELIN

ASTORIA PLAZA

BAGO ANG LAHAT

BAKIT KA LUMAYO

DENNIS TRILLO

HARVARD JEANS

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with