Michelle Quizon, unang pelikula para bida na sa 'Kapalit'
June 27, 2002 | 12:00am
Kung ibabase mo sa poster ng kanyang pelikulang Kapalit, first movie venture ng JAGGS Entertainment, Inc. na pinamumunuan ng magaling na direktor na si Joel Lamangan kasama si Edilberto Sabater bilang executive producer, Ani del Rosario bilang producer at Tatus Aldana bilang supervising producer, aakalain mo na bida kaagad si Michelle Quizon sa kanyang unang pelikula. Sa totoo lang ay introducing siya sa movie na pinagbibidahan ng nagbabalik na si Alma Moreno kasama sina Jay Manalo at Victor Neri. Siya si Violeta, asawa ni Jay. May affair sila ni Victor na asawa naman ni Alma.
"Maikli lamang po ang role ko sa movie, parang cameo lamang. Nagulat nga po ako nang makita ko ang poster. Talagang binigyan nila ako ng importansya sa pelikula," anang bagong artista, referring to her billing sa movie na kahanay at kasing-laki ng pangalan ni Boots Anson Roa at ang photo nila ni Jay ay kasing laki ng kina Alma at Victor.
Matagal nang gustong mag-artista ni Michelle pero, she was prevailed upon by her parents to finish her studies first bago niya gawin ito. Pero, pinayagan nila siyang maging isang print model. At maski na natapos na niya ang kursong Commerce major in Marketing sa College of the Holy Spirit ay nagpaalam pa muna siya sa kanyang lolong si Dolphy, mga tiyuhing sina Eric at Jeffrey bago siya tuluyang pumalaot sa kanyang bagong career. Even with her newfound showbiz career, hindi pa rin naman iniiwan ni Michelle ang kanyang pagiging isang flight stewardess ng isang American Airlines na ang base ay dito sa Maynila.
She admits na close pa rin siya sa kanyang mga kamag-anak sa Quizon family kahit na hiwalay na ang kanyang mga magulang. She grew up with her mom at nagkikita lamang sila ng kanyang ama sa mga family reunions and gatherings. Madalas kapag may libreng oras siya ay dumadalaw siya sa mga shootings at tapings ng kanyang lolo. Nang malaman nila na mag-aartista siya ay sinabihan nila siya na piliin ang kanyang mga projects at kung pwede ay mga wholesome movies ang gawin niya. Sa Kapalit ay drama ang sinabakan niya.
"Kinabahan ako nung una dahil ang gagaling at mga sikat na artista ang mga kasama ko pero, inalagaan ako ni Direk Mel Chionglo. Mabait siya, sinupor-tahan niya ako," sabi niya.
Bukod sa talino sa pag-arte, namana rin niya ang talino sa pagsasayaw ng kanyang lolo Dolphy. "Maliit pa akong bata ay palagi na akong nagsasayaw sa mga school programs. At maski na sa college, nagsasayaw pa rin ako," imporma niya. Aside from acting and dancing, hilig din niyang mag-paint at mag-sketch.
Hindi pa man ipinalalabas ang Kapalit ay may mga offers na kay Michelle pero sa ngayon ay pinag-aaralan pa nila kung alin ang tatanggapin niya.
Akala ko tsismis lamang at isang paninira kay Cogie Domingo yung sinasabi nilang pagkakaroon niya ng attitude problem at madalas ay pagdating ng late sa kanyang mga tapings and shootings. Until that Monday evening, nang dumating siya na mahigit sa isang oras na late sa kanyang solo presscon para sa pelikulang Pakisabi Na Lang...Mahal Ko Siya ng Regal Films. Sa may Greenhills lamang naman daw siya nakatira kaya hindi ko maisip kung bakit it took him that long to come to the presscon sa Valencia, Gilmore na kung saan ay naghihintay na ang maraming press people na may susunod pang pupuntahan.
Ang siste mo pa, medyo nawala siya sa mood na na-aggravate dahil hindi sila magkaintindihan ng mga umi-interview sa kanya dahil walang sound system and he had to rely on his voice para masagot ang maraming katanungan na iniitsa nila sa kanya, na ang karamihan ay pare-pareho at inuulit na lamang.
Nakapanghihinayang kung hindi babaguhin ni Cogie ang kanyang attitude. He is a highly competent actor on the verge of teen superstardom. Hindi lamang ang Regal ang nag-aalaga sa kanya kundi maging ang malaking TV network ng GMA7. Mawawalan ng saysay ang mga nakuha niyang dramatic triumphs from day one of his exciting career kung masisira ito ng unprofessionalism.
Meanwhile, may bago siyang pelikula na nagtatambal sa kanya sa isang malaking aktres, kay Judy Ann Santos at sa isa pa ring magaling na young actress, si Alessandra de Rossi. Ito ang Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya na mula sa hit song ni Aiza Seguerra sa Vicor Records.
Tungkol sa isang happy-go-lucky high school kid (Cogie) na nagka-crush sa kanyang teacher (Judy Ann). May barkada siya (Alessandra) na tumutulong para mapansin siya ng teacher. Hindi niya alam ay may crush sa kanya ang barkada niya. Unfortunately, may crush naman si teacher sa isang PE teacher (KC Montero).
Ang Pakisabi Na Lang...Mahal Ko Siya ay nasa direksyon ni Boots Plata.
"Maikli lamang po ang role ko sa movie, parang cameo lamang. Nagulat nga po ako nang makita ko ang poster. Talagang binigyan nila ako ng importansya sa pelikula," anang bagong artista, referring to her billing sa movie na kahanay at kasing-laki ng pangalan ni Boots Anson Roa at ang photo nila ni Jay ay kasing laki ng kina Alma at Victor.
Matagal nang gustong mag-artista ni Michelle pero, she was prevailed upon by her parents to finish her studies first bago niya gawin ito. Pero, pinayagan nila siyang maging isang print model. At maski na natapos na niya ang kursong Commerce major in Marketing sa College of the Holy Spirit ay nagpaalam pa muna siya sa kanyang lolong si Dolphy, mga tiyuhing sina Eric at Jeffrey bago siya tuluyang pumalaot sa kanyang bagong career. Even with her newfound showbiz career, hindi pa rin naman iniiwan ni Michelle ang kanyang pagiging isang flight stewardess ng isang American Airlines na ang base ay dito sa Maynila.
She admits na close pa rin siya sa kanyang mga kamag-anak sa Quizon family kahit na hiwalay na ang kanyang mga magulang. She grew up with her mom at nagkikita lamang sila ng kanyang ama sa mga family reunions and gatherings. Madalas kapag may libreng oras siya ay dumadalaw siya sa mga shootings at tapings ng kanyang lolo. Nang malaman nila na mag-aartista siya ay sinabihan nila siya na piliin ang kanyang mga projects at kung pwede ay mga wholesome movies ang gawin niya. Sa Kapalit ay drama ang sinabakan niya.
"Kinabahan ako nung una dahil ang gagaling at mga sikat na artista ang mga kasama ko pero, inalagaan ako ni Direk Mel Chionglo. Mabait siya, sinupor-tahan niya ako," sabi niya.
Bukod sa talino sa pag-arte, namana rin niya ang talino sa pagsasayaw ng kanyang lolo Dolphy. "Maliit pa akong bata ay palagi na akong nagsasayaw sa mga school programs. At maski na sa college, nagsasayaw pa rin ako," imporma niya. Aside from acting and dancing, hilig din niyang mag-paint at mag-sketch.
Hindi pa man ipinalalabas ang Kapalit ay may mga offers na kay Michelle pero sa ngayon ay pinag-aaralan pa nila kung alin ang tatanggapin niya.
Ang siste mo pa, medyo nawala siya sa mood na na-aggravate dahil hindi sila magkaintindihan ng mga umi-interview sa kanya dahil walang sound system and he had to rely on his voice para masagot ang maraming katanungan na iniitsa nila sa kanya, na ang karamihan ay pare-pareho at inuulit na lamang.
Nakapanghihinayang kung hindi babaguhin ni Cogie ang kanyang attitude. He is a highly competent actor on the verge of teen superstardom. Hindi lamang ang Regal ang nag-aalaga sa kanya kundi maging ang malaking TV network ng GMA7. Mawawalan ng saysay ang mga nakuha niyang dramatic triumphs from day one of his exciting career kung masisira ito ng unprofessionalism.
Meanwhile, may bago siyang pelikula na nagtatambal sa kanya sa isang malaking aktres, kay Judy Ann Santos at sa isa pa ring magaling na young actress, si Alessandra de Rossi. Ito ang Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya na mula sa hit song ni Aiza Seguerra sa Vicor Records.
Tungkol sa isang happy-go-lucky high school kid (Cogie) na nagka-crush sa kanyang teacher (Judy Ann). May barkada siya (Alessandra) na tumutulong para mapansin siya ng teacher. Hindi niya alam ay may crush sa kanya ang barkada niya. Unfortunately, may crush naman si teacher sa isang PE teacher (KC Montero).
Ang Pakisabi Na Lang...Mahal Ko Siya ay nasa direksyon ni Boots Plata.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended