Nakaungos ang 'Sa Puso Ko, Iingatan Ka' sa 'Araw ng Teleserye'
June 26, 2002 | 12:00am
Napakalaking tagumpay ang nakaraang Araw Ng Teleserye ng ABS-CBN na ginagap sa ibat ibang SM mall sa Metro Manila noong Linggo ng hapon, June 23.
Punung-puno ng mga tagahanga ang SM Manila kung saan nandoon lahat ang cast ng Pangako Sa Yo sa pangungunan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Ang buong cast naman ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan na bida sina Claudine Barreto at Carlos Agassi ay pinuno ang SM Southmall at Recuerdo de Amor nina Diether Ocampo at Carmina Villaroel ay humataw sa SM Bacoor.
Nakaungos ang Sa Puso Ko, Iingatan Ka na bida ang pambansang tambalan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Niyanig ng mga nagtutulakan at nagtitiliang mga tagahanga ang buong basement ng SM Fairview. Nagbalyahan, nagtulakan at may buntis na muntik na mapa-anak.
Pati soap nina Lorna Tolentino at John Lloyd Cruz na hindi pa napapanood sa ere, Ang Kay Tagal Kang Hinintay ay pinuno ang SM Megamall.
Isang insider ng Star Studio ang natutuwang nagbigay sa amin ng ulat na sa lahat ng mga soap ng ABS-CBN, ang Sa Puso Ko, Iingatan Ka ang nakapagbenta ng napakaraming Star Studio magazine. Pumangalawa ang Recuerdo de Amor, pumangatlo ang Sa Dulo ng Walang Hanggan, pumang-apat ang Pangako Sa Yo at naging pang-lima ang Kay Tagal Kang Hinintay. (Ulat Ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended