Nagsawa na sa pagiging extra
June 26, 2002 | 12:00am
Star material talaga itong si Jeanette Joaquin. Hindi ito nakaligtas sa mga hurado ng "Ms. Body Beautiful" sa Eat Bulaga dahil inilampaso niya nang araw na iyon ang mga kasama niyang bold star. Siya ang tinanghal na "Ms. Body Beautiful!"
Eh, bakit nga ba siya nasa Japan ngayon?
"Nagsawa po kasi ako sa pagiging extra," aniya sa isang telephone interview. "Dalawang taon din po iyon na akala ko, forever starlet na lang ako. Eh, natanguan ko nga po itong stint ko sa Japan. Pero, babalik na po ako dahil magpo-promote ako ng Biyahera.
Tinutukoy ni Jeanette ay ang launching movie niya sa initial presentation ng Metro Manila Filmfest kung saan makakasama niya sina Yda Manzano, Stella L, Rita Avila, Gladys Reyes at Barbara Milano sa direksyon ni Joven Tan.
"Basta pakisabi po na gusto kong makilala ang mga movie reporters pagdating ko. Kasi, iba po pala ang bida. Kahit dito sa Japan, eh, hinahabol ako para interbyuhin lang. Noon kasing extra pa lang ako, itinatago yata ako ng aking producer para ang ipa-interview ay yung mga bida nila na laos na ngayon. Samantalang ako, mag-uumpisa pa lang. Buti na lang at bata pa ako may ilalaban pa."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended