Moonstar88, may bagong single
June 25, 2002 | 12:00am
May kakaibang katangian ang tanyag na grupong Moonstar88. Sila ay nakalikha ng isang tunog na mailalarawan bilang youthful subalit kakaiba sa kanilang slow-rock, pop-rock, folk-rock orientation.
Muli itong pinatunayan ng Moonstar88 sa kanilang bagong album sa Harmony Music, ang OPM label ng Alpha Records. Ang naturang album na pinamagatang "Press to Play" ay nagtataglay ng isang sweet little song na may titulong "Sulat" na siyang carrier single, na pinerform ng lead vocalist na si Acel Bisa.
Ang "Sulat" ay nagsimula sa isang whiff of innocence mula sa isang maganda at girlish voice on lead na nagsasabing sorry sa isang loved one for a previous act of recklessness.
Ang Moonstar88 ay binubuo ng apat na highly talented individuals na sina Acel Bisa (vocals), William Pineda (drums), Herbert Hernandez (guitar) at Paolo Bernaldo (bass). Niyanig nila ang pop scene noong nakaraang taon sa paglabas ng kanilang debut album na "Popcorn" na naglalaman ng chart-topping hit na "Torete".
Ang Moonstar88 ay magkakaroon ng series of mall show para i-promote ang kanilang second album. Ito ay sa July 6, SM Centerpoint; July 7, Ever Ortigas; July 13, SM Bacoor; July 14, SM Southmall; July 20, Ever Commonwealth; July 21, SM North Edsa; July 27, SM Pampanga; July 28, SM Davao; August 3, SM Cebu; August 4, SM Iloilo; August 10, SM Manila; August 11, SM Super Sucat; August 17, SM Fairview at August 18, SM Megamall Megastrip A.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended