MMFF Awards Night maraming palpak !
June 24, 2002 | 12:00am
As expected, si Sharon Cuneta ang nanalong Best Actress sa awards night ng Manila Film Festival na ginanap the other night sa Ninoy Aquino Stadium. Nanalo siya para sa pelikulang Magkapatid. Samantalang, si Rudy Fernandez naman ang nanalong Best Actor para sa Diskarte.
Kahit sa text survey na isinagawa sa proceedings ng awards night, si Sharon and Rudy din ang popular choice.
Pero sinabi nila bago mag-start ang ceremony na walang kinalaman ang nasabing survey sa naging resulta ng mananalo sa best actor and best actress category.
Wala naman ang Best Supporting Actor winner na si Jonee Gamboa para sa pelikulang Diskarte at ang Best Supporting Actress winner na si Gloria Romero para sa pelikulang I Think Im In Love. Ang Magkapatid din ng Viva Films ang Best Picture at si Joel Lamangan na direktor ng nasabing pelikula ang Best Director.
Naging escort ni Sharon si Senator Kiko Pangilinan nang tanggapin niya ang best actress trophy na si Mayor Lito Atienza ang nag-abot.
Marami namang technical problems sa delayed telecast ng nasabing awards night sa IBC 13. May mga pangalang tinatawag na iba ang lumalabas. Ganito ang nangyari sa anak ni Dina Bonnevie na si Oyo Boy Sotto. Tinawag ng voice over sina Piolo Pascual and Nancy Castiglione bilang presentor ng Best Theme Song category, pero ang lumabas sa stage, sina Oyo Boy at Anne Curtis. After the commercial nang si Dina na uli dahil sila nga ni Ricky Davao ang host sa first part ng awards night, sumimangot siya at nagparinig na nagbihis pa si Oyo Boy tapos ibang pangalan lang pala ang tatawagin.
Tinawag din ang pangalan ni Dingdong Dantes at Judy Ann Santos sa isang production number kasama ang ibang young star, pero walang Judy Ann at Dingdong na lumabas.
Tensed naman si Ricky Davao nang gabing yun. Lahat na yata ng puwedeng gawin para mabawasan ang nerbyos niya, ginawa na ng actor. Pero obvious sa TV na tensed talaga siya.
Kaya pagdating ng second part kung saan pinalitan sila nina Eric Quizon and Charlene Gonzales, natahimik ang isang gay friend ko na gusto agad pauwiin si Ricky at Dina dahil nga panay ang buckle nila lalo na si Ricky. Samantalang sina Eric at Charlene, cool na cool.
Malaki rin ang naging problema nila sa audio. Ang microphone sa center stage ay nawawalan ng audio.
Hindi rin natuloy ang special song number ni Sharon Cuneta dahil hindi rin nag-play ang minus-one. Ang ginawa na lang daw ni Sharon, nag-speech na lang. Pero agad na-edit yun kaya hindi na napanood sa TV.
Anyway, binigyan ng special plaque of appreciation si Mayor Atienza ng MPDAP headed by Atty. Espiridion Laxa bilang pagkilala sa pagpapahalaga ni Mayor Atienza sa pag-unlad at muling pag-angat ng Pelikulang Pilipino.
Narito ang complete list ng mga nanalo:
Best Sound - Albert Michael Idioma - Magkapatid - Viva Films
Best Music - Archie Castillo - I Think Im In Love - Regal Films
Best Theme Song - I Think Im In Love - Regal Films
Best Editing - Francis Vinarao - Diskarte - Maverick Films
Best Production Design - Bona Pajardo - Utang Ni Tatang - World Arts Cinema
Best Cinematography - Larry Manda - Utang Ni Tatang - World Arts Cinema
Best Story - Magkapatid - Mel del Rosario - Viva Films
Best Screenplay - Mel del Rosario - Magkapatid - Viva Films.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended