^

PSN Showbiz

Mga totoong pagkakaibigan sa showbiz

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Ang mga totoo at most enduring friendship sa larangan ng showbiz namin natagpuan. Tulad ng pagiging matalik na kaibigan ng respetado at premyadong manunulat, propesor at abugadong si Billy Balbastro.

Kahit hindi kami gaanong madalas magkita nitong mga nagdaang panahon, si Billy pa rin ang ilan sa mga kasama namin sa propesyon na laging nandoon sa mga sandali ng lungkot at saya. Siyempre, higit ang mga kalagayan, kahit may ilang insidenteng kailangan talaga ang isang tunay na kaibigan tulad ni Billy ang karamay.

Kaya naman noong isa sa pinakamasayang araw ni Billy–sa launching ng kanyang dalawang libro "Take Billy" at "Sundays" —nandoon kami. Ginanap ito sa Manila City Hall’s Katipunan Hall na karapat-dapat lamang para sa isang journalism stalwart tulad ng aming kaibigan.

Ginawa pang bahagi ng Manila Film Festival ang book launching kaya’t maaaring sabihing pagkilala o parangal na rin ito kay Atty. Billy Balbastro. Kung ang naitulong niya sa industriya ng pelikula at sa larangan ng pamamahayag o maging bilang isang educator ang basehan, very deserving siya.

Dapat nga siyang makasama sa mga binibigyan ng mga Cultural Achievements awards ng Lunsod ng Maynila tuwing Hunyo 24, dahil kung tutuusin Manileño na si Billy dahil mahigit na siyang four decades na naninirahan sa Maynila, doon sa pusod ng University belt. Kahit full-blooded Ilongos siya, talagang Manileño rin siya at bihira ng makauwi sa Iloilo.

Napakasaya ng "Take Billy" at "Sundays" book launching. Lahat ng mga kaibigan na hindi namin madalas makita ay dumalo. Kumpleto ang araw ni Billy dahil nandoon ang lahat ng kanyang mga kapatid, sina Sister Perla, madre ng Daughters of Charity (abugada rin), Dr. Betty Fajutrao at Dr. Nancy Arafiles. Pawang mga leading practitioners in their chosen field ang magkakapatid na Balbastro mula sa Oton, Iloilo.

Si Billy ay isang bar topnotcher at may dalawang master degrees sa Asian Institute of Journalism & Communication. Nagturo din si Billy sa nasabing school for higher learning at sa iba pang universities.

Sa buong maghapon ng launching ay kitang-kita ang kaligayahan ni Billy. Lubos siyang nagpapasalamat sa pagdalo ng lahat, higit sa lahat ng kanyang mga kapatid at mga kaibigan.

Dapat naming batiin ang isa naming kaibigang si Eddie Marforie na siyang nag-organized ng affair. Si Eddie rin ang editor ng dalawang libro na mabibili na ngayon sa selected bookstores.

Maayos na maayos ang programa at maging ang takbo ng book launching. Aba, laking himala dahil wala kaming nakitang GAKA (gatecrasher). Masayang bumati kay Billy sina Douglas Quijano, Maryo delos Reyes, Lolit Solis, Ed Instrella, Allan Paule, Gardo Versoza, Gandong Cervantes, Jerry Olea, Dondon Sermino, Jojo Gabinete, Gorgy Rula, Lhar Santiago, June Torrejon-Rufino, Boy Villasanta, Dinno Erece, Cloyd Robinson at ang pamosong designer na si Oskar Peralta.

Ang na-miss ko sa okasyon ay aming kaibigang si Rey Macapagal. Maging ang ilang kaibigan ni Billy mula pa sa Canada at U.S.A. ay nandoon upang saksihan ang mahalagang araw na ito para kay Billy.

Siyempre, mabilis ang pagbili ng mga librong "Take Billy" at "Sundays" doon sa launching. Meron pang mga guests na maraming kopya ang binili dahil maganda raw pang-regalo sa mga kaibigan dito at sa ibang bansa.

Sa nilalaman ng dalawang libro, tunay na masisiyahan ang lahat sa pagbabasa. Bukod sa pagiging entertaining, very informative at inspiring pa ang mga ito, lalo na ang mga articles ni Billy sa "Sundays".

May mga instances na mababasa natin na galit o hindi maaaring magsawalang-kibo si Billy dahil ayaw niya talaga sa injustice at disorder. Palibahasa’y likas sa kanya ang kabaitan at pagiging mapagbigay, makikita sa mga sinulat ni Billy na hindi siya ayon sa mga pang-aapi o pang-aagrabiyado ng kapwa.

Paglabas ng dalawang librong "Take Billy" at "Sundays" tiyak na marami pang parangal ang tatanggapin ni Billy. Nararapat lamang dahil mahigit na tatlong dekada ang ibinigay niyang buong-buong debosyon sa kanyang propesyon.

In the process, marami na siyang natulungan, naiangat, napuna pero naiulat, at higit sa lahat nabigyan ng pag-asa at magandang pananaw sa buhay.

ALLAN PAULE

ASIAN INSTITUTE OF JOURNALISM

BETTY FAJUTRAO

BILLY

BILLY BALBASTRO

BOY VILLASANTA

CLOYD ROBINSON

TAKE BILLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with