^

PSN Showbiz

Arroyo-Montenegro nuptial, simple pero makahulugan

-
Handa na ang lahat sa kasal nina Juan Miguel "Mikey" Arroyo at Maria Angela Montenegro, bukas Hunyo 24, 10 n.u. sa St. Augustine Parish Church sa San Nicolas St., Lubao, Pampanga.

Ang ikakasal na nagplanong magkaroon ng tatlo hanggang apat na anak, ay magtutungo sa Amerika para sa kanilang week-long honeymoon. Bagamat buong suporta ang ibibigay ni Angela sa maraming aktibidades sa showbiz at pulitika ng kanyang magiging mister, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong at pag-aasikaso sa business ng kanilang pamilya.

Para kina Mikey at Angela, ang nalalapit nilang pagtataling-puso ay masasabi nilang simple ngunit makahulugan. Marami ang hindi nakaaalam na pinakiusapan ni Mikey si Angela na magkunwaring girlfriend niya noong kasagsagan ng kanyang kampanya bilang vice-governor ng Pampanga sa nakaraang eleksyon. Ito ay sa kabila ng katotohanang sila’y mag-second cousin.

Makahulugan din para kay Mikey ang kasalang gaganapin sa Lubao para aniya makita ng buong Pilipinas ang kagandahan ng kanilang bayan na siya ring lupang tinubuan ng kanyang inang si Pangulong Arroyo.

AMERIKA

ANGELA

BAGAMAT

JUAN MIGUEL

LUBAO

MARIA ANGELA MONTENEGRO

MIKEY

PAMPANGA

SAN NICOLAS ST.

ST. AUGUSTINE PARISH CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with