Sa'n mas loyal si Rica, sa Viva o ABS-CBN?
June 23, 2002 | 12:00am
Sa isang pakikipag-usap kay Rica Peralejo sa presscon ng OK Fine, Whatever!, ang pinaka-bagong sitcom ng ABS-CBN na nagtatampok kay Aga Muhlach at sa isang napaka-strong na cast na binubuo nina Ms. Gloria Romero, Bayani Agbayani, Nikki Valdez, Michelle Bayle, Christian Vasquez, Onyok Velasco, Vangie Labalan sa direksyon ni Johnny Manahan, sinabi niya na masaya siya sa nasabing network. "Alagang-alaga nila ako rito. Kung sabagay dito naman talaga ako nagsimula. Pero, still thankful ako na kahit hindi ko ipinilit ang sarili ko sa kanila ay nakita nila ang worth ko. Binigyan nila agad ako ng portion sa ASAP and instead of just making me sing, talagang iginawa nila ako ng portion sa show.
"Perfect din para sa akin ang role ko sa Ok Fine, Whatever! dahil lumalabas ang pagka-kikay ko. Ganito naman talaga ako in person, laging masaya at magulo. Marami ang bilib sa pa-tumbling-tumbling ko. Pinag-aralan ko ba raw yun? Sabi ko, natuto ako nito nun, dun sa garden ng lolo ko sa Orani, Bataan. Di ko nga akalain na magagamit ko sa show. Instead of a punch line, nagta-tumbling na lang ako, patok!" kwento ni Rica.
Kahit komikera ang role niya sa nasabing programa, sinabi ni Rica na magpapa-sexy pa rin siya sa movies. Incidentally, kahit may TV contract siya sa ABS-CBN, ang movies niya ay hawak ng Viva Films.
Wala bang conflict sa dalawang kumpanya since rival companies ito?
"Wala naman. Im happy with both companies. Sana nga ay huwag nang dumating ang panahon na magkakaroon pa ng problema, na kung saan ay kakailanganin pa akong pumili between the two."
However with her hectic schedule sa Dos, (ASAP, OK Fine, Whatever at ang sisimulang soap na Kay Tagal Kang Hinintay) kinailangan munang i-shelve ang mga pelikulang Boso at Likido. Kung itutuloy pa niya ang mga ito ay ang Viva lamang daw ang nakakaalam.
Di naman siya pinayagan ng Viva na gawin ang Rampadora ng Manhattan Asia Films at ang Ang Galing Galing Mo Babes ng Imus Productions.
Isa pa rin sa mainstay ng OK Fine, Whatever! ay ang mabilis na sumisikat na si Heart Evangelista. Magkapatid sila ni Rica sa sitcom. Maldita siya at tomboyish si Rica.
Contrary to rumors, hindi siya anak ng dating aktres na si Liberty Ilagan. Ang kanyang mga magulang ay sina Rey at Cecilia Ongpauco, mula rin sa angkan na nagpasimula ng Barrio Fiesta chain. Pag-aari nila ang mga restaurant na may ganitong pangalan na matatagpuan sa Caloocan City, UN Avenue at yung nasa San Francisco, California which is managed by her sister na may asawa na at dun na naninirahan.
Pinaka-bunso si Heart sa anim na magkakapatid na binubuo ng limang babae at isang lalaki. Labingpitong taong gulang na siya at nasa ikatlong taon na sa high school. Nag-aaral siya sa Distance Learning Center ng ABS-CBN. Sa college, kukuha siya ng HRM o interior design.
Dahil bunso, may kahigpitan sa kanya ang mga magulang niya. Di pa siya pinapayagang tumanggap ng ligaw. Baka dalawang taon mula ngayon ay maging maluwag din sila sa kanya. Di rin naman sila payag na mag-artista siya nung una pero nang pumasa siya sa audition ay wala na silang nagawa. Kaya siya nasali sa Star Circle Batch 9.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended