^

PSN Showbiz

Actor-politician, interasado sa bagong bold star

- Veronica R. Samio -
Talaga sigurong malayo ang mararating ng pinaka-bagong bold star sa pelikulang lokal. Isang malaking sorpresa ang pagiging malakas sa takilya ng pelikulang kanyang nasamahan. Hindi lamang siya maganda, matalino pa rin siya at masarap kausapin.

Minsan ay nag-guest siya sa isang popular na panghapong programa sa TV para ipromote ang kanyang movie. Nakasabay niyang mag-guest ang isang actor-politician. Habang ini-interview ito ng male host ng programa ay hindi maalis-alis ang pagkakatitig nito sa bold star. Nang matapos ang programa ay sinundan pa siya ng actor-politician hanggang sa labas ng istudyo at inutusan ang alalay na hingin ang telepono ng bold star. Nung una ay ayaw nitong ibigay, pero sa kakukulit ng alalay ay ibinigay din niya.
*****
Unang matagumpay na album na ini-release ng Christian City Church Oxford Falls Sydney (CCC) nung taong 2001 ay pinamagatang "Prophesy". Apat na buwan itong namalagi sa music retail charts.

Sa taong ito, isa muling praise and worship album ang inilabas ng CCC, isang live album na may pamagat na "Higher". Isa itong live album of grand proportions at nagtatampok sa 150 musicians and singers at isang kongregasyon na binubuo ng mahigit sa 2000 tao na sumayaw, nag-cheer at sumama in powerful praise.

Maraming buwan ang ginugol ng music director ng CCC na si Chris O’Brien para mabuo ang ‘Higher" album. Dalawampu’t isang taong gulang lamang siya. Limang taon siyang namalagi ng New York at nagtrabaho sa isang Japanese record company. Dito nakatrabaho niya ang mga banda nina Billy Joel, Whitney Houston at Phil Collins. Nakipag-collaborate rin siya sa mga song writers ni Celine Dion.

Kasama ni Chris na nagtrabaho sa album sina Jeff Crabtree sa keyboards, winner ng apat na international award para sa songwriting at isa for production, Katya Winspear, lead vocalist, isang kilalang singer para sa Australia TV at ad agencies, John Waller, drummer, Ryan Smith, lead guitarist, founding member ng youth band ng CCC at iba pang highly renowned and skilled musicians and singers.

Ang mga awiting nakapaloob sa album ay "Everything’s Alright", "I’m On Fire", "Supernatural Rain", "Coming Closer", "I Live for Jesus" "Praise Him", "Rain", "Higher", "A House for The Heavens", "My Dreams", "My King" at "Everybody Praise".

Ang "Higher" ay ipinamamahagi locally ng Praise Incorporated na matatagpuan sa 145 Panay Ave., QC.

Ang CCC ay isa sa pinakamalaking simbahan sa Australia na may 4000 myembro na pinamumunuan ng senior pastor na si Phil Pringle at ang kanyang asawang si Christine. Mayroong mahigit na 100 simbahan sa buong mundo ang CCC. Mayroon itong School of Ministry, na nagdi-develop ng ministries for the future, School of Creative Arts developing ministries in the arts, Pastoral Care and Counselling College, International School of Church na nagsasanay ng mga pastor at Jesus Television, gumagawa ng mga de kalidad na materyal para sa weekly broadcast.

vuukle comment

A HOUSE

ALBUM

BILLY JOEL

CELINE DION

CHRIS O

CHRISTIAN CITY CHURCH OXFORD FALLS SYDNEY

COMING CLOSER

EVERYBODY PRAISE

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with