^

PSN Showbiz

May 'new queen' ang ABS-CBN

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Sa hanay ng mga artista sa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema, isa si Claudine Barretto sa binigyan ng superstar treatment. Tuluy-tuloy ang pagri-reyna ni Claudine mapa-pelikula o telebisyon.

Sa telebisyon, patuloy sa pamamayagpag ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang nangungunang soap opera sa Philippine television. Isang patunay ito na siya na nga ang Reyna ng soap opera. Kahit ang mga nauna niyang soap, ang Mula Sa Puso at Saan Ka Man Naroroon ay pawang number one rin noong panahong nasa ere pa ito.

Sa pelikula, walang duda na ang Got 2 Believe ang masasabing certified blockbuster ngayong taon (making her a strong contender for the Box-Office Queen title). Sa laki ng perang inakyat ng Got 2 Believe sa Star Cinema, mukhang mahihirapan ang ibang aktres sa liga niya na mapantayan ito.

Kasalukuyan niyang ginagawa ang Ginataang Apoy with Aga Muhlach under Star Cinema. Ang direktor niya sa pelikulang Anak na si Rory Quintos ang direktor nito. With this movie, she now joins the league of the film company’s major stars like Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano.

Sa July 20 ang birthday ni Claudine. She will turn 23. Ngayon pa lang ay abala na ang mga taga-ABS-CBN at Star Cinema sa preparation para sa isang bonggang birthday special nito sa July 19. Sa orihinal na plano, makakasama ni Claudine dito ang mga big stars ng network na nakatrabaho na niya. Pagsasama-samahin ang pinakamahusay na writers, researchers, segment producers, choreographers para masiguro na magiging birthday special of all birthday special’ ito. Siyempre pa, ang tatay niyang si Johnny Manahan ang magdidirek nito.

With all the plans ng ABS-CBN at Star Cinema, Claudine is indeed emerging to be it’s ‘new queen’.
* * *
Maganda ang feedback sa pilot ng K2BU, ang bagong teen program ng ABS-CBN na nagsimula noong Sabado. Ibang-iba ang tema ng programa sa nakanselang G-Mik. Punong-puno ito ng puso. Nakakaantig ng damdamin, ika nga.

Matinong nai-present ni Direk Erick Salud ang kwento ng apat na kabataang babae na sina Shaina Magdayao, Angelene Aguilar, Pia Romero at Bea Alonzo. May mga eksenang naantig kami lalo na yung parte na pinagbigyan ni Bea ang kahilingan ni Angelene na sumali sa beauty contest dahil makakatulong sa kanya ang mapapanalunang premyo. Kahit yung eksena ni Shaina with her dad (Bonggoy Manahan) kung saan pinagbawalan niya itong mag-asawa muli ay nakakaantig ng damdamin.

Mahusay din ang performance ng apat na girls. Parang hindi mga baguhan sina Bea at Pia considering na ito ang unang programa nila. Okey sina Shaina at Angelene.

Nagbigay naman ng kilig ang presence ng mga kabataang aktor na sina Alwyn Uytingco, Adrian Albert at Dennis Trillo. Sila ang masasabi naming pinaka-promising male stars ng ABS-CBN ngayon.

Gustung-gusto namin ang presence ng mga veteran stars na sina Cherrie Pie Picache, Buboy Garovillo, Chat Silayan at Bonggoy Manahan.

Sa magandang simula ng K2BU, tiyak na magsisimula ito ng trend sa Philippine television. Ang bentahe ng show ay ang aral na ini-impart nito sa mga viewers.
* * *
Hindi ma-explain ni Baron Geisler kung gaano siya kasaya sa birthday party na ibinigay ng kanyang Harvard Jeans USA family last Saturday. Ginanap ang birthday bash sa Cork Grill and Wine at pinangunahan nina Mr. and Mrs. Richard Chuateco ng Harvard Jeans USA.

Present sa nasabing affair to personally greet Baron ay sina, Paolo Contis, Kaye Abad, Sarah Christophers, Justin Cuyugan, Alfred Vargas, Selina Sevilla, Direk Lauren Dyogi, Director Malou Sevilla at production staff ng Recuerdo de Amor at Tabing-Ilog.

Nagsama-sama rin ang Harvard endorsers ng gabing iyon. Nandoon sina Meg Reyes at si Maricar de Mesa. Gusto mang makarating nina Dennis Trillo, Bea Alonzo, Adrian Albert at Alwyn Uytingco (mga Harvard endorsers din) ay hindi nila nagawa dahil may taping sila ng K2BU.
* * *
You can e-mail me at [email protected].

ADRIAN ALBERT

ALWYN UYTINGCO

BEA ALONZO

BONGGOY MANAHAN

CLAUDINE

DENNIS TRILLO

HARVARD JEANS

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with