Wala munang sexy films kay Ina
June 10, 2002 | 12:00am
Inamin ni Ina Raymundo nang makausap namin siya sa Oakwood Hotel, Glorietta, Makati City, she enjoys every minute with her baby, si Erika Rae na ngayon ay six months old na. Ang sarap daw ng feeling niya at puwede raw niya itong kasama maghapon ng hindi niya kinasasawaan.
Isang financial consultant ang partner niyang si Brian Poturnak at kung saan-saan siyang panig ng mundo pumupunta kaugnay ng kanyang trabaho. Kaya minabuti nilang sa Canada siya manganganak.
Sa piling ng kanyang mga in-laws, nabantayan siya kahit wala ang asawa. Kumusta ang naging relasyon niya sa mga ito?
"They treated me well. Naging magiliw sila sa pag-aalaga sa akin. Madalas na wala si Brian, busy siya sa kanyang trabaho. Desisyon niya ang pagpunta namin sa Canada, mabuti na raw yung hindi iba ang tumitingin sa akin."
Now that youre back, babalikan mo pa ba ang showbusiness? Papayagan ka ba niya kung sakali?
"Very supportive naman siya sa akin, kung gusto kong balikan ang paggawa ng pelikula. Pero sarili kong decision, wala munang sexy films."
Ang pagpo-promote ng kanyang first album, ang unang hinarap ni Ina nang makakita siya ng pagkakataon. "Touch Me Where Its Hot" ang title nito which she recorded under Dyna Music ni Mr. Howard Dy.
Nagkaroon na ng mall tour si Ina, kaugnay ng kanyang album promo. Parehong jampacked ang SM City North at SM City Fairview nang magtanghal siya roon ng live. May mga TV guestings na rin siya at radio tour sa ibat ibang FM stations.
Nang manalo siyang best actress sa nakaraang Star Awards for Movies para sa Tuhog ng Regal Entertainment, lalo niyang na-miss ang paggawa ng pelikula.
Kasama siya ngayon sa highly-rated soap opera ng Dos, ang Pangako Sa Yo. Sa seryeng ito, pinakasalan siya ni Eduardo Buenavista (Tonton Gutierrez). Ben Dela Cruz

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended