^

PSN Showbiz

Jolina, role model of the youth

- Veronica R. Samio -
No matter what her detractors say, yung pagkakakuha kay Jolina Magdangal ng Radio Television Malacañang na nasa ilalim ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas bilang host ng programa sa TV ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pinamagatang The Working President ay isang malaking promosyon. Ngayon more than ever, ay napatunayan ng kabataang artista na isa siyang true-blue epitome of a role model of the youth at pride of the industry.

Ang programa ay isang TV news magazine program na napapanood na sa panahon pa ng mga dating Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada. Itinatampok dito ang mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon at ang mga gawain ng isang pangulo. Para mas mapalapit pa ang programa sa masa, lalo na sa mga kabataan, nagpasya ang Malacañang na kumuha ng isang kabataan na may credible personality para maging host.

Nag-komisyon ang Malacañang ng isang mapagkakatiwalaang ad agency para gumawa ng survey kung sino ang most preferred personality in the country today. Isa sa mga lumabas ay ang pangalan ni Jolina. Nagsagawa ng isang background check sa kanya at sa kanyang pamilya na kung saan ay lumabas ang marami niyang humanitarian and civic endeavors, ang kanyang mga showbiz, academic at social achievements dito at sa ibang bansa. Nakita rin ang kanyang mga entrepreneurial projects.

Ang The Working President ay napapanood tuwing Biyernes, 7-8 ng gabi sa NBN 4; Sabado, 8-9 ng umaga sa ANC 21 (Skycable); 12 n.t.-1 n.h. sa IBC 13; 5-6 ng gabi sa Ch. 11 (Home Cable); 11 ng gabi-12 ng umaga sa RPN 9; Martes; 10-11 ng gabi sa RPN 9; 7:30-8:30 ng gabi sa ICS TV 56 (Destiny cable) at Huwebes, 10-11 ng umaga sa RPN 9.

"
Matagal ko nang gustong mailapit ang entertainment industry at ang kabataan sa Pangulo at makatulong para maipaabot sa tao ang mga ginagawa ng gobyerno. Sa pamamagitan ng aking bagong gawain, magagawa ko na ito," ani Jolina.
*****
Ngayong mayroon ng bagong pangulo ang Admiral Maritime Training Institute sa katauhan ni Hernando Eusebio, magkakaroon na ng panahon ang dating pangulo at ngayon ay Chairman of the Board ng kumpanya na si Ofelia Sajo Angeles para sa marami pang bagay na gusto niyang isakatuparan. Gaya ng pagbibigay sa maraming kahilingan na balikan niya ang kanyang pag-aartista. Bago siya nag-concentrate sa kanyang negosyo na nagsasanay ng mga gustong mag-seaman, lumalabas na sa pelikula at TV si Gng. Angeles. Umikli na raw ang oras ng taping. Isang gabi’t isang araw na lamang daw. "Ang ayaw ko lamang ay yung lubhang pagpupuyat, masama sa aking kalusugan. Kung isang gabi lamang okay na sa akin. Basta makakuha ako ng isang magandang role, baka lumabas akong muli sa TV," anang magandang ginang na nagbabalak din na i-revive yung kanyang pakontes na Miss, Mrs. and Little Miss Pearl of the Orient.

Bukod sa kanya ay may dalawa siyang anak na katulong niyang nagmamaneho ng Admiral Maritime Training Institute, isa ay humahawak ng posisyon bilang EVP at ang ikalawa ay VP. May isa siyang anak na nangangasiwa ng kanilang printing press at ang ikaapat niyang anak ay naninirahan na sa US.

Ipinagkakapuri ni Gng. Angeles na number one sa maritime training ang kanyang kumpanya. Kaya naman hindi maiwasan na intrigahin sila ng mga kalaban at pilit na pinababagsak sila sa pamamagitan ng pagi-issue ng mga pekeng certificates na pinalalabas na galing sa kanila.

"May demanda na ako sa kanila. Kasalukuyang on-going ang mga kaso at nagpapasalamat ako na alam na rin ng kinauukulan ang mga katiwaliang nagaganap sa aking negosyo. Kaunting reklamo lamang ay nag-iimbestiga na sila," ani Offie na kamakailan ay tumanggap ng parangal mula sa 125th PCGA Squadron CGAD NCR-CL para sa kanyang mga suporta sa Philippine Coast Guard.

ADMIRAL MARITIME TRAINING INSTITUTE

CHAIRMAN OF THE BOARD

CORY AQUINO

FIDEL RAMOS

GABI

ISANG

KANYANG

WORKING PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with