^

PSN Showbiz

Hanggang June na lang si Juday sa Siyete, starting July balik Dos na

RATED A - Aster Amoyo -
Ang ganda-ganda at sexy na talagang muli si Charlene Gonzales after giving birth to her twins, Atasha and Andres at seven month old na last June 5, and after they celebrated their first wedding anniversary last May 28. At ready na siya talagang muling magtrabaho dahil more than one year na rin siyang nagpahinga sa television.

Tomorrow, June 8, ang pilot episode ng Feel at Home With Charlene, sa Channel 2, 10:30 a.m. Dati itong show ni Tessie Tomas na nasa isang European tour with her husband.

Syempre, may mga changes sa mga segments, pero si Charlene ang personal na magiinterview sa kanyang mga subjects at siya ang pupunta sa mga lugar na ipi-feature niya sa show. Ibang-iba ito sa dati niyang show na Keep On Dancing pero isa raw malaking challenge sa kanya at feel niyang magi-enjoy siya talaga.
* * *
Sa last presscon ng Magkapatid, masaya na si Sharon Cuneta sa mga kuwento niya dahil ibang topic na ang mga itinanong sa kanya. At sino pa nga ba ang isa pang magandang topic na pwedeng pag-usapan kundi ang kanyang dalaga, si KC, who will be a debutante on April 7, 2003. Pinapipili niya si KC kung ano ang gusto nito, a grand debut, cash, o jewelry?

Samantala, gumanda ang bonding nina Sharon at KC nang magpunta sila ng Paris before the Holy Week. Wala raw silang ginawa kundi mamasyal, lahat daw yata ng coffee shop ay pinuntahan nila, tinikman nila lahat ng klase ng coffee at crepes at sa gabi, all kinds of cheese ang dinner nila. Binisita rin nila ang American university sa Paris pero mas gusto pa rin daw ni KC ang mag-aral sa Boston after high school.

Sinabi rin ni Sharon na tuloy pa rin ang communication ni KC sa ama nitong si Gabby Concepcion dahil nagtatawagan sila either sa cellphone o sa telephone.
* * *
Hindi ikinaila ni Judy Ann Santos na nakaka-pressure sa kanya ang pagsasama nila ni Sharon Cuneta sa Magkapatid ng Viva Films. At lalo raw siyang napi-pressure sa sinasabi ng Ate Sharon niya na mas gusto nitong siya ang manalo as best actress sa awards night ng Manila Film Festival.

Hanggang maaari ayaw daw niyang isipin na festival entry ang movie nila dahil naroon ang expectation ng mga tao sa kanya.

Pinilit namin si Juday na i-compare si Dingdong Dantes kay Piolo Pascual.

"Pareho silang tahimik, magkaiba sila sa pagpapakita ng thoughtfulness, in fairness, pareho silang mabango, ang mga eyes ni Piolo, malamlam pero may ibig sabihin, si Dingdong, matapang ang mga eyes pero very expressive."

Sang-ayon kay Juday, sa buong month of June, mapapanood pa rin siya sa SOP pero starting July, every Wednesday, isa na siya sa co-host sa Magandang Tanghali Bayan sa Channel 2, not Saturday dahil madalas daw na may out-of-town shows siya kung weekend.
* * *
There’s life after Troy Montero. Kahit ayaw nang pag-usapan iyon at tinatawanan na lamang ni Nikki Valdez tuwing tatanungin siya, sinasagot pa rin niya ang tanong at sabi niya, mas maganda ang buhay niya ngayon. Hindi raw naman siya matagal umiyak dahil mas marami siyang ginagawa ngayon. Kung mayroon mang naaalaala siya tungkol kay Troy ay ang pagiging very close nito sa kanyang family at itinuring nang kapamilya. Kung lumalabas daw sila ni Troy, hindi sila pwedeng umuwi na walang pasalubong si Troy, hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa family niya.

Minsan nga ring naimbitahan niyang kumanta si Troy sa isang beauty pageant na ginawa nila sa kanilang Catholic group na Banal Na Pag-aaral, to raise funds para sa kanilang charity projects.

Ngayon ito ang pinagkakaabalahan ni Nikki, bukod sa kanyang mga TV shows at movies. May series of concert siya, ang Nikki Valdez... Beyond Limits for the benefit of The Shrine ng Banal Na Pag-aaral, na kasalukuyang ipinatatayo ngayon sa Amadeo, Cavite, for retreats and other religious activities ng kanilang community na ngayon ay mayroon place of worship sa Novaliches. Graduate dito si Nikki at ang kanyang family noon pang 1996. Isa rin sa graduate dito si Ariel Rivera.

First leg ng concert ni Nikki ay magsisimula sa June 14 sa Panabo Gym, Davao del Norte at 7:30 p.m., sa June 16 naman sa The Venue sa Davao City. Sa June 29, nasa Corpus Christie Auditorium naman si Nikki. Sa July, naka-schedule naman ang concert niya sa Sydney at Melbourne, Australia. Lahat ng proceeds ng concert ay mapupunta sa ipinatatayong Shrine, dahil ang mga producers nito ay ang chapter din ng Banal na Pag-aaral sa mga lugar na pagdarausan ng concert.

Busy nga rin si Nikki na ipinagpatuloy na ang pagiging comedienne sa Ok, Fine Whatever. Since nakitang nag-click siya sa role niya sa Got 2 Believe ng Star Cinema. Semi-regular pa rin siya sa ASAP kung Sunday. Nagsu-shoot na rin siya ng Jologs sa Star Cinema at soon, magsisimula na silang mag-shooting ng Tanging Ina with Aiai delas Alas na gaganap siyang isa sa mga anak ni Aiai. Nagsimula na rin siyang mag-shooting ng Perfect Guys, Ok, Alright (tentative title) ng Octo Arts Films at makakasama niya sina Ogie Alcasid, Michael V., Michelle Bayle at Redford White na ididirek ni Tony Reyes.

BANAL NA PAG

NIKKI

NIKKI VALDEZ

NIYA

RIN

SHARON CUNETA

SIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with