John Pratts nag-charity wok
June 5, 2002 | 12:00am
Naging very heartwarming ang ginawang turn over ng Hawk Bags ng mismong endorser nito na si John Pratts last week sa Bantay Bata Foundation office. First time naming sumama sa ganitong project at aminado kaming naging very fulfilling ang aming nasaksihan.
Mismong si John ay first time na-experience ang ganitong charity work. "Iba pala talaga ang feeling ng nakakatulong sa kapwa. Merong sense of fulfillment akong naramdaman. Sana maipagpatuloy ko pa ito sa darating pang araw," sabi pa ng guwapong aktor.
Pinangunahan ni John kasama ang kanyang kapatid na si Camille Pratts, family at si Ms. Cathy Ching, general manager ng Hawk Bags ang nasabing turn over. Naroon para pormal na tanggapin ang mga donation sina Bantay Bata 163 Manager Director Tina Monzon-Palma at Ms. Kate Contreras. Mahigit sa 50 bata na nasa pangangalaga ng Bantay Bata ang makikinabang sa mga bags na ipinamigay ni John.
Pinuri ni Ms. Palma ang ginawang gesture na ito ni John. Ayon sa batikang news anchor, malaki ang kanilang pasasalamat sa ginawang charity work na ito ni John at ng Hawk Bags. Sana, tularan din ng ibang batang artista ang charity work na ito ni John.
Incidentally, dinumog ng mga fans si John sa mall tours ng Hawk Bags last Friday. Nagkaroon ng autograph signing at picture taking si John sa SM Cubao, Robinsons Galleria at SM Megamall.
Habang tinu-tour ni Ms. Dulce Baybay (PR Director ng ABS-CBN Foundation) sina John at Camille sa buong Bantay Bata Foundation office ay biglang nagkainteres si Camille na mag-volunteer sa pagsagot sa Bantay Bata hotline. Naikwento nito na minsan na siyang gumanap ng isang role sa Maalaala Mo Kaya batay sa tunay na karanasan ng isang biktima. "Natakot ako during the shoot nong episode na yun kasi parang totoo. Ako mismo, na-feel ko yung takot don sa isang scene namin ni Tito Joel (Torre). You can just imagine yung fear ng totoong victim," kwento ni Camille.
One of these days ay maga-undergo ng training si Camille mula sa mga hotline experts bilang paghahanda sa kanyang volunteer works sa Bantay Bata 163.
Kasalukuyang nasa States ngayon si Baron Geisler kasama sina Kaye Abad, Paolo Contis at John Lapus para sa series of shows. Ilang araw din silang nandoon para mag-entertain ng mga kababayan nating nasa abroad.
Gustuhin man ni Baron na mag-extend ng stay sa US ay hindi pwede dahil marami siyang commitment dito. Come June 5 ang balik niya at magre-report agad ito for his regular taping ng Tabing Ilog at Recuerdo de Amor. Bukod pa rito, mas gusto niyang mag-spend ng kanyang 20th birthday dito.
Magkakaroon siya ng birthday bash sa Cork Wine Cellar & Grill, ELJCC 9501 ng ABS-CBN on June 8, (Saturday). Inaasahang dadalo sa party ang kanyang mga celebrity friends from Talent Center at kapatid na endorsers from Harvard Jeans USA. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na si Baron sa birthday treat na ito ng kanyang Harvard Jeans USA family.
Mukhang sa dami ng activities ng pelikulang I Think Im In Love lead by the stars Piolo Pascual at Joyce Jimenez ay magiging isa sa pinakamaugong na entry ito ng Manila Film Festival na magsisimula sa June 12.
Patunay ay ang nakaraang Santacruzan ng mga bidang artista ng anim na entries sa kahabaan ng Maynila last Friday. Si Piolo ang pinakamatinding pinagkakaguluhan sa okasyon. Halos mapunit na ang suot niyang Barong-Tagalog na likha pa mandin ng sikat na designer na si Paul Cabral. Hindi rin naiwasan na nagkaroon ng kalmot ang aktor mula sa nagkakagulong expectators.
Magkakaroon nga pala ng isang Grand Fans Day ang cast ng I Think Im In Love sa June 9 sa San Andres Stadium, Manila na pangungunahan nina Joyce at Piolo kasama ang iba pang cast ng movie. Sigurado ring star-studded ang premiere night ng movie sa June 11, Robinsons Ermita Cinema 6 na dadaluhan ng buong cast.
Bukod kina Piolo at Joyce, kasama rin sa movie na tutulong sa promo sina Roselle Nava, Michelle Bayle, Nancy Castiglione at Ms. Gloria Romero. Si Maryo delos Reyes ang direktor nito.
For your comment and fedback, you can e-mail me at [email protected] central.com.
Mismong si John ay first time na-experience ang ganitong charity work. "Iba pala talaga ang feeling ng nakakatulong sa kapwa. Merong sense of fulfillment akong naramdaman. Sana maipagpatuloy ko pa ito sa darating pang araw," sabi pa ng guwapong aktor.
Pinangunahan ni John kasama ang kanyang kapatid na si Camille Pratts, family at si Ms. Cathy Ching, general manager ng Hawk Bags ang nasabing turn over. Naroon para pormal na tanggapin ang mga donation sina Bantay Bata 163 Manager Director Tina Monzon-Palma at Ms. Kate Contreras. Mahigit sa 50 bata na nasa pangangalaga ng Bantay Bata ang makikinabang sa mga bags na ipinamigay ni John.
Pinuri ni Ms. Palma ang ginawang gesture na ito ni John. Ayon sa batikang news anchor, malaki ang kanilang pasasalamat sa ginawang charity work na ito ni John at ng Hawk Bags. Sana, tularan din ng ibang batang artista ang charity work na ito ni John.
Incidentally, dinumog ng mga fans si John sa mall tours ng Hawk Bags last Friday. Nagkaroon ng autograph signing at picture taking si John sa SM Cubao, Robinsons Galleria at SM Megamall.
One of these days ay maga-undergo ng training si Camille mula sa mga hotline experts bilang paghahanda sa kanyang volunteer works sa Bantay Bata 163.
Gustuhin man ni Baron na mag-extend ng stay sa US ay hindi pwede dahil marami siyang commitment dito. Come June 5 ang balik niya at magre-report agad ito for his regular taping ng Tabing Ilog at Recuerdo de Amor. Bukod pa rito, mas gusto niyang mag-spend ng kanyang 20th birthday dito.
Magkakaroon siya ng birthday bash sa Cork Wine Cellar & Grill, ELJCC 9501 ng ABS-CBN on June 8, (Saturday). Inaasahang dadalo sa party ang kanyang mga celebrity friends from Talent Center at kapatid na endorsers from Harvard Jeans USA. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na si Baron sa birthday treat na ito ng kanyang Harvard Jeans USA family.
Patunay ay ang nakaraang Santacruzan ng mga bidang artista ng anim na entries sa kahabaan ng Maynila last Friday. Si Piolo ang pinakamatinding pinagkakaguluhan sa okasyon. Halos mapunit na ang suot niyang Barong-Tagalog na likha pa mandin ng sikat na designer na si Paul Cabral. Hindi rin naiwasan na nagkaroon ng kalmot ang aktor mula sa nagkakagulong expectators.
Magkakaroon nga pala ng isang Grand Fans Day ang cast ng I Think Im In Love sa June 9 sa San Andres Stadium, Manila na pangungunahan nina Joyce at Piolo kasama ang iba pang cast ng movie. Sigurado ring star-studded ang premiere night ng movie sa June 11, Robinsons Ermita Cinema 6 na dadaluhan ng buong cast.
Bukod kina Piolo at Joyce, kasama rin sa movie na tutulong sa promo sina Roselle Nava, Michelle Bayle, Nancy Castiglione at Ms. Gloria Romero. Si Maryo delos Reyes ang direktor nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am