Hotdog, miss na miss ng tao
June 5, 2002 | 12:00am
It was a most enjoyable evening, yung konsyerto na ginanap sa NBC Tent nung Mayo 30, na pinamagatang Tunog OPM Dekada Sa-Tent-Ah, isang pabenepisyo para sa Shining Light Foundation. Gayong napakalaki ng lugar na ito, maswerteng napuno ito ng mga manonood na ang karamihan ay nag-enjoy, hindi lamang sa pakikinig ng mga musika nung dekada 70 kundi lalo na sa pagsasayaw. Hindi problema ang lugar. Kahit dun sa tabi ng upuan mo ay pwede kang sumayaw na tulad nang ginawa ko at ng mga kasamahan kong sina Nitz Miralles at Letty Celi. Marami ang pumunta ng dancefloor at dun idinisplay ang kanilang terpsichorean prowess. Meron ding sa gilid lamang o sa mga aisle ay bumabanat na ng sayaw. Inggit na inggit ako sa kanila pero, wala kasi akong partner, kaya nagkasya na lamang ako sa aking lugar. Nanghinayang nga ako dun sa mga yuppies na lalaki na nakaupo sa harapan namin. Gusto rin nilang yumugyog. Katunayan, enjoy sila sa panonood sa amin at sa lahat ng sumasayaw pero, nagkasya na lamang silang igalaw ang kanilang mga paa sabay sa kumpas ng tugtog. Alam ko nahihiya lamang sila. Pero, hindi lamang naman ako ang past 50 na umiindak, dun sa dancefloor, mas marami ang oldies kaysa sa mga bagets. At nagtataka ako kung bakit magagaling sumayaw ng mga sayaw nung 70s ang mga bagets at alam nila ang mga kanta gayong di pa sila ipinanganganak nang sumikat ang mga ito.
Naroroon si Leah Navarro na sumikat nung mga panahon ng Sitenta.
Sayang, dadalawa ang dumating na myembro ng VST & Co. I heard na ang paggi-guest nila sa TV ang nagbigay ng ideya sa mga producer na i-produce ang nasabing konsyerto. Hinahanap ng tao especially si Vic Sotto.
Dadalawa rin ang Boyfriends pero, hindi na mahalaga kung kulang sila, pinalakpakan sila dahil, nasa tyempo pa rin sila at tila di pa nagbabago ang mga boses nila.
Ang galing talaga ng Hotdog. Umugong ang buong lugar nang lumabas sila at kumanta. Ang taba na ni Rene Garcia pero, mabilis pa rin kumilos at maganda pa rin ang boses. Kinanta nila yung mga popular nilang Manila Sound hits.
Kitang-kita mo at feel na feel ang kasabikan sa kanila ng mga tao na hindi magkamayaw sa pagpalakpak at pagsigaw habang pandalas naman ang indak.
It was really a show of Marvin Queridos Q&A. Sila ang may pinaka-maraming bilang. But the audience didnt mind. Parang ang mahalaga lamang sa kanila ay kung magaling ang grupo o hindi. At dahil sa magaling ang Q&A at revivals ang specialty nila, they more than made up for the other groups na sumikat nung 70s pero wala dun sa concert.
Sayawan din yung sumunod naming pinuntahan matapos ang NBC Tent concert. Pabenepisyo naman ito ni Cris Belen ng Manila Bulletin para sa kapakanan ng kanyang mga scholars. Ginanap ito sa Rembrandt Hotel sa QC. Our tickets were paid by our good friend Offie Angeles ng Philippine Maritime Institute. Libre na sa tiket, libre pa rin kami sa DI dahil ang mabilis na sumisikat na singer na si Melvyn Dizon ay isa palang mahusay na dancer. Yung mga sayaw na tulad ng rhumba, mambo at paso doble na hindi ko alam ay nagawa kong sayawin nang parang isang PRO, salamat kay Melvyn na napakagaling na kapareha.
Kahit lampas na ng alas onse ng gabi ay marami pa rin ang nagsasayaw. Wala ring tigil sa pagtugtog ang isang three piece orchestra. Ganun kahilig sa dancing ang mga Pinoy. At kung gaano sila kahusay kumanta, ganun din sila kahusay magsayaw.
I was informed na napuno rin ang lugar kaya nga abot tenga ang ngiti ng aming kaibigang si Cris who will be able to do her good deed this year para sa ilang bright students na hindi makayang papag-aralin ng kanilang mga magulang.
Balik na naman sa pagiging kontrabida niya si Emilio Garcia sa pelikula ng Maverick Films, ang Diskarte na nagtatampok kina Rudy Fernandez at Ara Mina. Entry ito sa Manila Film Festival.
Sinabi ni Emilio sa presscon ng nasabing pelikula na isa si Daboy sa mga action star na gamay na niyang makatrabaho.
"Nakikipagkwentuhan siya sa amin during breaks at tumatanggap ng suggestion lalo na para sa ikagaganda ng pelikula. Pag siya ang kinokontrabida ko ay di nagiging stiff ang performance ko, paano alam ko na nakaalalay din siya sa akin," aniya.
Hindi naman ibig sabihin na hindi na niya kagamay ang iba pang bida. Kumportable rin siyang makasama si Eddie Garcia.
Alam ni Emilio na epektibo siyang kontrabida. "Maraming tao ang galit sa akin. Minsan hindi nila maihiwalay ang pelikula sa tunay na buhay. Kaya minsan nakikita ko na lang na may gasgas ang kotse ko, hindi aksidente ha, kundi sinasadya, dahil galit sila sa akin," dagdag na kwento niya.
Ang iba pang kontrabida sa Diskarte ay sina Tirso Cruz lll at Roy Alvarez. "Magkasama kami ni Tirso sa grupo pero, si Roy, sinabotahe ko," imporma ni Emilio.
Naroroon si Leah Navarro na sumikat nung mga panahon ng Sitenta.
Sayang, dadalawa ang dumating na myembro ng VST & Co. I heard na ang paggi-guest nila sa TV ang nagbigay ng ideya sa mga producer na i-produce ang nasabing konsyerto. Hinahanap ng tao especially si Vic Sotto.
Dadalawa rin ang Boyfriends pero, hindi na mahalaga kung kulang sila, pinalakpakan sila dahil, nasa tyempo pa rin sila at tila di pa nagbabago ang mga boses nila.
Ang galing talaga ng Hotdog. Umugong ang buong lugar nang lumabas sila at kumanta. Ang taba na ni Rene Garcia pero, mabilis pa rin kumilos at maganda pa rin ang boses. Kinanta nila yung mga popular nilang Manila Sound hits.
Kitang-kita mo at feel na feel ang kasabikan sa kanila ng mga tao na hindi magkamayaw sa pagpalakpak at pagsigaw habang pandalas naman ang indak.
It was really a show of Marvin Queridos Q&A. Sila ang may pinaka-maraming bilang. But the audience didnt mind. Parang ang mahalaga lamang sa kanila ay kung magaling ang grupo o hindi. At dahil sa magaling ang Q&A at revivals ang specialty nila, they more than made up for the other groups na sumikat nung 70s pero wala dun sa concert.
Kahit lampas na ng alas onse ng gabi ay marami pa rin ang nagsasayaw. Wala ring tigil sa pagtugtog ang isang three piece orchestra. Ganun kahilig sa dancing ang mga Pinoy. At kung gaano sila kahusay kumanta, ganun din sila kahusay magsayaw.
I was informed na napuno rin ang lugar kaya nga abot tenga ang ngiti ng aming kaibigang si Cris who will be able to do her good deed this year para sa ilang bright students na hindi makayang papag-aralin ng kanilang mga magulang.
Sinabi ni Emilio sa presscon ng nasabing pelikula na isa si Daboy sa mga action star na gamay na niyang makatrabaho.
"Nakikipagkwentuhan siya sa amin during breaks at tumatanggap ng suggestion lalo na para sa ikagaganda ng pelikula. Pag siya ang kinokontrabida ko ay di nagiging stiff ang performance ko, paano alam ko na nakaalalay din siya sa akin," aniya.
Hindi naman ibig sabihin na hindi na niya kagamay ang iba pang bida. Kumportable rin siyang makasama si Eddie Garcia.
Alam ni Emilio na epektibo siyang kontrabida. "Maraming tao ang galit sa akin. Minsan hindi nila maihiwalay ang pelikula sa tunay na buhay. Kaya minsan nakikita ko na lang na may gasgas ang kotse ko, hindi aksidente ha, kundi sinasadya, dahil galit sila sa akin," dagdag na kwento niya.
Ang iba pang kontrabida sa Diskarte ay sina Tirso Cruz lll at Roy Alvarez. "Magkasama kami ni Tirso sa grupo pero, si Roy, sinabotahe ko," imporma ni Emilio.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended