^

PSN Showbiz

Mga kabalbalan nina Kevin at Perry

-
Sundan natin ang mga nagbibinatang sina Kevin at Perry sa kanilang pagnanais na magkaroon ng unang karanasan sa sex at maging sikat na DJ mix masters sa pinakamainit at pinakakuwelang video release ng C-Interactive Digital Entertainment sa second quarter ng 2002. Pinamagatang Kevin and Perry Go Large, ito ay pinangungunahan ng komedyante ng UK na si Harry Enfield at Ryhs Ifans na nakilala sa Notting Hill. Ang pelikula’y maituturing na European version ng American Pie ng Hollywood.

Alam ng dalawang binatilyo na may isang lugar na kung saan ang mga DJ ay tinitingala at kinalolokohan ng mga chicks. Nang handa na ang kanilang mga gamit na kinabibilangan ng isang suitcase ng condoms, sila’y nagbiyahe na. Ang problema, sumama ang mga magulang ni Kevin. Matupad kaya nina Kevin at Perry ang kanilang pangarap na maging DJs at maka-" time" sa mga babae? Ang kasagutan dito’y higit pa sa inaasahang kabalbalan ng mga Kanong tinedyer na naghahangad ding makakain ng kanilang "first pie".

ALAM

AMERICAN PIE

C-INTERACTIVE DIGITAL ENTERTAINMENT

HARRY ENFIELD

KANONG

KEVIN

KEVIN AND PERRY GO LARGE

NOTTING HILL

RYHS IFANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with