^

PSN Showbiz

Bong hindi kayang mag-frontal!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Making love in a parking space? Well ito lang naman ang naughtiest thing na ginawa ng bagong bold star na si Karen Montelibano na kasama sa Diskarte starring Rudy Fernandez and Ara Mina under Maverick Films.

Very open si Karen sa kanyang sex life, pero ayaw niyang ibigay ang real name niya o kahit anong family background. Ayaw niya ring mag-mention kung saang school siya nag-aaral, kung saan graduating na raw siya ng kursong Computer Science. "May mga naiwan pa kasi akong subject kaya hindi ko pa puwedeng sabihin ‘yung school," she said.

Nag-confess din siya na everytime na nasa house lang siya, naked siya as in walang kahit anong damit lalo na nga ngayong mainit ang panahon. "Mas comfortable ako. Solo na lang kasi ako ngayon kasi nga, I have my own place na," she said.

Karen is 22 at nag-start siya sa print ad three years ago. "When I was a kid, dream ko na talagang maging actress. Right now, unti-unti ko nang nari-realize," she said in an interview.

First movie niya ang Sisid starring Assunta de Rossi. Pero hindi siya gaanong napansin sa nasabing pelikula dahil naka-concentrate ang promo nito no’n kay Assunta. Besides, hindi siya masyadong bold sa Sisid compared sa Diskarte na mas daring siya kay Ara Mina na inaamin naman ng huli.

Parehong professional ang mom and dad niya at against sana sa plano niyang pagpapa-sexy. Pero wala silang choice dahil gusto niya talagang mag-artista.

Sa mga bold actresses, si Vivian Velez ang idol niya at gusto niyang maging pattern ng career niya.

After Diskarte, sisimulan na niya ang launching movie niya na again, ayaw niyang sabihin kung anong title, co-stars niya at kung sinong director.

In any case, official entry sa Manila Film Festival ang Diskarte under the direction of Boy Vinarao.
*****
Walang dapat pagsisihan si Bong Revilla sa ginawa niyang paghuhubad sa Kilabot at Kembot. Ang rason: box-office ang pelikula - grossed more than P8.5 million sa opening day last week sa Metro Manila theaters and key cities all over the country. "The movie’s box-office showing is a good encouragement and inspiration for us para mag-produce pa ng mas maraming pelikula," ani ni Bong.

Pero hindi ibig sabihin nito ay gagawa uli siya ng sexy movie. "It’s the first and last time I’m doing it," Bong added. Akala kasi ng marami after ng butt exposure niya, frontal na ang gagawin niya. "No way, hindi na puwede ‘yun. Ngayon nga lang talagang kinabahan ako no’ng pinapanood ko ‘yung movie. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction ng mga nanonood," Bong said.

Wholesome ang next movie ni Bong - movie with Regine Velasquez.
*****
"Alternative is the key word in defining the main thrust of the new programs of National Broadcasting Network," paliwanag ni Mia Concio, NBN president and chairman sa launching ng am@NBN, ang newest morning program ng NBN at iba pa nilang programang pang-umaga. "We see these new programs providing new directions to television programming - particularly positive options. There are a variety of choices for television to explore and NBN is venue for alternative shows," she added.

Ang bagong NBN programs ay magsisimula sa breakfast shows, am@NBN at 7:00 p.m., susundan ng Business News at 8:00 a.m, Isla Hour at 9:00 a.m. and the President’s educational program, Eskwela ng Bayan at 10:00 a.m. "A common feature shared by these new shows is having a positive outlook," patuloy ni Concio. "It’s about time we focused on the good things we have around us - and we have a lot of good things to look forward to."

Maraming segment ang am@NBN na puwedeng itapat sa existing morning programs - Unang Hirit and Alas Singko Y Medya. Meron silang regular local and international news, personality profiles, health and fitness, parenting and childcare, cooking, shopping and other lifestyle and entertainment features. Main host ng show sina Julie Ann Jane Dizon Andres, Ma. Georgina Rocha, Mica Diva Dy Tuano and William Thio. Segment host naman sina Kimberly Tan, Michael Lim, Dong Alejar and Shirley Barido.

Business News
will broadcast live from Philippine Stock Exchange with hosts Miguel Gil and Erik Espina na magpo-provide ng stock market update and analysis kasama na ang interview sa mga prominent business personalities and trade authorities.

Ang Isla Hour naman ay produced ng The Advocacy Channel. Ang programang ito ay tatalakay sa mga issues and subjects na nakakaapekto sa buhay ng pangkaraniwang tao kasama na rito ang sustainable business and livelihood projects, health related advocacies and alternative health interventions, environmental concerns, cultural issues, TV version ng Newsbreak magazine at marami pang iba.

Samantalang ang Eskuwela ng Bayan ay component ni President Gloria Macapagal-Arroyo’s poverty alleviation program na tumutugon sa pangangailangang edukasyon ng maliliit na mamamayan. Si Dr. Ibarra Gonzales, former head ng Ateneo Communications Department and the Jesuit Communications Foundation ang mamamahala ng Task Force Eskuwela ng Bayan.

"When we say there are bright things to look forward to at NBN, we mean just that," pahabol ni Mr. Joey Isabelo, NBN General Manager.

Kahapon nagsimulang mapanood ang mga nabanggit na programa.

ARA MINA

BAYAN

BUSINESS NEWS

DISKARTE

ISLA HOUR

NBN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with