^

PSN Showbiz

Cool off muna sina Lucky at Nancy

- Veronica R. Samio -
Nakakalungkot naman na pansamantalang cool off sina Luis Phillip Manzano o Lucky at ang nobya niya ng kulang kulang sa isang taon, ang Italian-Filipina pero Canadian born na si Nancy Castiglione. Mabilis na gumagawa ng kanyang pangalan sa larangan ng showbusiness ang 21 taong gulang na unang sumikat at tumawag ng pansin ng marami bilang isang commercial model. Marami pa siyang mga komersyal na nakatakdang gawin at mapapanood sa taong ito. Kasabay nito ang pag-angat ng kanyang status bilang isang mapagkakatiwalaang artistang babae. Sa pelikula at maging sa telebisyon. Maganda ang kanyang role sa romantic comedy na I Think I’m In Love, ang Piolo Pascual/Joyce Jimenez starrer ng Regal Films na isa sa mga napiling pelikula sa gaganaping Manila Film Festival ngayong June 12. Believable rin naman siya sa kanyang role sa telenovela na Kahit Kailan ng GMA 7. "Ang galing ko dun. I never thought I could cry that much," pagmamalaki niya sa mga kaharap na press sa presscon ng I Think I’m In Love na ginanap kahapon ng tanghali sa Century Imperial Hotel.

"This is my first movie and I cried when I couldn’t attend the first presscon because of an illness," aniya. Ito rin ang karamdaman na nagdala sa kanya sa ospital at naging sanhi kung bakit lubha siyang napakapayat ngayon.

When asked kung kamusta na ang relasyon nila ng anak ni Vilma Santos na napakalaki ng paggalang at papapahalaga niya dahilan sa napakagandang pagpapalaki na ginawa nito kay Lucky, lumamlam ang kanyang mga mata at parang mapapaiyak na siya pero, nagawa niyang pigilin ang kanyang emosyon sa pamamagitan ng pagsasabi na cool off sila ngayon. "May problem kami ngayon and Lucky needs space. May issue on both of us but we hope to resolve it.

"No, it has nothing to do with the ecstasy issue because I know that is not true. I just symphatize with him because just when he has gotten himself fit and ready for commercial, that issue came out. I was the one who inspired him to exercise and eat healthy foods."

Will she marry him if he asked her?

"It wouldn’t be a smart thing for us to marry at this point. He knows I love him and he loves me too but he’s young and he has a lot going for him. But I think Lucky is a little lost and until he finds his way, marriage is not a safe idea," dagdag pa niya.

***** Kahit wala siyang lovelife for the moment, napakarami namang blessing na dumarating ngayon sa buhay ni Nikki Valdez. Matapos ang matagumpay na Got 2 Believe, sisimulan na niya ang kanyang Nikki Valdez... Beyond Limits concert na magdadala sa kanya sa maraming bahagi ng bansa. Ang konsyerto ay gagawin niya para sa kapakanan ng The Shrine, isang itatayong retreat house sa Amadeo, Cavite.

Ang mini-concert ay magsisimula sa Hunyo 14 sa Panabo Gym, Davao del Norte, 7:30 n.g. Susunod dito ang sa The Venue, Davao City sa Hunyo 16. Pupunta rin siya ng Midsayap, Cotabato, Notre Dame College sa Hunyo 22 at sa Cagayan de Oro, Corpus Christie Auditorium sa Hunyo 29.

Happy na sa takbo ng kanyang buhay si Nikki.

"After seven months, matagal ko nang natanggap ang sitwasyon. Ito lamang naman ang mahirap nung una, yung acceptance. Once na natanggap ko na, I was able to move on. Ngayon, okay na ako kapag nagkikita kami. I can’t say that we are friends pero civil kami sa isa’t isa," sabi niya.

Nikki is busy shooting Jologs para sa Star Cinema. Gagawin din niya ang Tanging Ina at isa pang pelikula na kasama si Redford White para sa Octo-Arts Films.

Napapanood siya sa TV tuwing Martes, 9 n.g. sa Ok Fine Whatever ng ABS CBN.

vuukle comment

BEYOND LIMITS

BUT I

CENTURY IMPERIAL HOTEL

HUNYO

I THINK I

IN LOVE

KANYANG

NIKKI VALDEZ

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with