^

PSN Showbiz

Maarte si 'Karen' ?

- Veronica R. Samio -
Nainis si Jamie Dy, apo ng kilalang angkan ng mga Dy at, tumayong konsorte ni Karen delos Santos sa Santacruzan na ginanap sa Bustos, Bulacan nung Mayo 26. Bago pa magsimula ang prusisyon ay kinausap na siya ni "Karen", unang nakilala sa isang episode ng commercial ng McDonald’s, at sinabihan na huwag siyang didikitan nito ni hawakan man lamang habang lumalakad ang prusisyon. Nagulat ang kabataang unang nakilala sa programang DATS at ngayon ay regular na ring bahagi ng programang Master Showman ni German "Kuya Germs" Moreno dahil bilang konsorte ay responsibilidad niya na alalayan ang kanyang Reyna Elena sa paglalakad. First time nilang mag-meet nang gabing yun kaya wala siyang maisip na dahilan kung bakit kinailangan siyang "tarayan" ni Karen. Nasagot ang kanyang katanungan nang may magsabi sa kanya na kasama ni Karen ang boyfriend ng gabing yun at baka naman natatakot itong magselos ang kanyang boyfriend sa kanyang konsorte. Kung seloso ang boyfriend niya dapat siguro ay iwasan niyang isama ito sa mga lakaran na maaaring magbigay ng dahilan para ito magselos, lalo na sa mga lakarang showbiz.
*****
Nagkaroon ng exhibit ng kanyang mga painting ng famous faces ang unti-unti nang nakikilala bilang isang showbiz doctor na si Dr. Joel C. Mendez. Ang exhibit na binuksan nung Mayo 26 sa 4th Flr. ng SM Mega Mall Bldg. A ay tatakbo hanggang Hunyo 9. May pamagat itong Famous Faces at nagtatampok sa mga paintings nina Claudine Barretto, Ara Mina, Judy Ann Santos at marami pang celebrities.

Si Dr. Mendez ay espesyalista sa Bariatric Medicine o sa mas naiintindihang salita ay weight management. Siya ang sagot sa mga matatabang tao na gustong pumayat kung ang dahilan ng kanilang katabaan ay resulta ng sobrang pagkain, child birth o iba pang kadahilanan. Ang programa ni Dr. Mendez ay gumagamit ng gamot pero kinakailangang may guidance niya. With proper assistance, aprubado ito ng BFAD ng US.

Sampung taon nang nagpipinta si Dr. Mendez at katulad ng medisina, kilala na rin siya sa field na ito.
*****
Isa pang Karen ang nagnanais na gumawa ng pangalan sa larangan ng pelikula. Siya si Karen Montelibano, unang napanood sa Sisid na tinampukan ni Assunta de Rossi at ngayon ay kasama sa pelikulang Diskarte ng Maverick Films at nagtatampok sa tambalan nina Rudy Fernandez at Ara Mina.

Sa unang kita kay Karen ay hindi mo sasabihing isa siyang bold star, mas mukha siyang beauty queen with her long hair and flawlessly brown complexion. Wala siyang balak na pumasok sa anumang beauty contest, mas gusto niyang makilala at magkaroon ng malaking pangalan bilang isang sexy star. Kaya nga wala siyang inilagay na limitasyon sa kanyang pagpapaseksi. Basta kung ano ang nakalagay sa script yun ang gagawin niya!

Dalawampu’t dalawang taon si Karen at tapos ng computer science. Walang nakadiskubre sa kanya. Talagang nagmakaawa siya sa kanyang kasalukuyang manager na gawin siyang artista. Nun pa sana siya naging artista pero, hindi pumayag ang kanyang mga magulang. Kaya nga nawala siya for a while after Sisid. Kinailangang kumbinsihin niya sila. Ngayon wala nang problema, payag na sila.

Marami ang nagkamali na balikbayan siya sapagkat nung kausap namin siya ay hindi siya nagta-Tagalog. Nang punahin siya tungkol dito, sinabi niyang Ingles ang ginagamit nilang salita sa bahay pero matatas siya sa Tagalog at ito ay pinatunayan niya sa amin.

Inihahanda na ang launching movie niya na magsisimula ng shooting sa buwang ito.

Sa Diskarte, ginagampanan niya ang role ng kapatid ni Ara Mina. Pareho silang dancer. Sinabi niyang mas marami siyang sexy scenes kaysa kay Ara sa movie na nagtatampok din kina Tirso Cruz lll, Roy Alvarez, Emilio Garcia, Jonee Gamboa, John Arcilla at marami pa. Direksyon ni Edgardo Boy Vinarao.

vuukle comment

ARA MINA

BARIATRIC MEDICINE

CLAUDINE BARRETTO

DR. MENDEZ

KANYANG

KAREN

NIYA

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with