^

PSN Showbiz

Jenine, biktima ng date rape!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Admitted si Joyce Jimenez na hindi talaga siya masyadong particular sa brand ng sinusuot niyang damit. Meaning hindi siya mahilig magsuot ng mga signature item lalo na kung wala naman siyang pupuntahang ocassion. Usually, naka-shirt and jeans lang siya pag lalabas ng bahay kung pupunta lang sa mall o magna-night life lang. Mas gusto niyang comfortable siya sa suot niya. Ito ang reason kung bakit hindi siya masyadong dressed-up everytime na makikita siya sa mga non-showbiz affair.

Minsan nga, hindi halos siya makilala kasi nga, ibang Joyce ang makikita mo. "I’m a jeans and shirt girl," she said sa presscon ng I Think I’m In Love. Besides okey lang daw sa kanya ‘yung hindi nari-recognize ng tao let say nasa mall siya.

In any case, sa I Think I’m In Love, Joyce unwittingly falls for the charms of Piolo, isang rich kid na na na-in love sa kanya.
*****
Victim ng date rape si Jenine Desiderio. Pero ayaw niyang magbigay ng full details kung paano, sino at kelan nangyari ang nasabing insidente. "Hanggang do’n na lang ang puwede kong sabihin, tama na ‘yun," she said sa isang interview during the informal presscon ng Mamasan starring Elizabeth Oropesa kung saan for the first time ay nagpa-sexy si Jenine sa pelikula.

Nang pinipilit siyang tanungin kung anong nangyari, ayaw nang masalita ni Jenine. "Basta. Ayoko nang mag-go into details dahil nobody knows it at pag nagsabi pa ako malaking gulo pa," she said.

Ayaw niya ring magbigay ng kahit kapirasong hint na puwedeng ma-identify ang gumawa sa kanya no’n.

Naungkat ‘yun nang tanungin siya sa isang interview kung may sad experience siya sa sex. That’s the time na sinabi niya ‘yung nangyari na may isang guy na ‘pinilit’ siya.

For a while, nagka-trauma siya sa sex dahil sa nangyari. In fact, nagpa-therapy pa siya. Pero hindi naman siya nahirapang maka-recover. Ngayon back to normal ang sex life niya.

Napatawad na rin niya ang nasabing guy. Ngayon everytime na magkikita sila ng guy, parang walang nangyari. "Wala naman kasing may alam so nang patawarin ko na siya, parang walang nangyari," she averred.

Anyway, walang regret si Jenine sa naging decision niya na mag-bare sa Mamasan, FLT’s official entry to the Manila Film Festival. Feeling niya wala namang masama kahit na nga may mga nagko-comment na hindi bagay sa kanyang credential. Galing nga naman siya sa Miss Saigon sa Broadway, tapos all of a sudden nagpa-sexy siya sa pelikula.

Para maiwasan na lang ang mga negative comments, hindi na lang siya nagbabasa ng newspapers para hindi masyadong sumama ang loob niya.

Jenine is a prostitute turned Mamasan sa pelikula after a famous politician (played by Mark Gil) junked her for someone else. "It’s a role of a lifetime. I don’t think I had to jeopardize my being a Miss Saigon by doing this movie. Isa ito sa mga pelikulang puwedeng ipagmalaki ng kahit sinong artista. There is much substance in the story, and I feel the role given to me is challenging. Noong tumawag si Mommy Rose (Flaminiano), kagagaling pa lang namin sa simbahan at nang malaman ko ang istorya, I didn’t hesitate accepting it. I know I had to bare myself pero sa direction ni Direk Joey Romero," she explained.
*****
Kung may gusto mang ipa-retoke si Barbara Milano sa katawan niya, ‘yun ay ang kanyang boobs at butt. "In case lang na magkaroon ako ng chance, ‘yun ang una kong ipaaayos. Pero hindi pa ngayon," she said sa isang interview sa presscon ng Mamasan.

Karamihan kasi sa mga artista ngayon, particular na ang mga bold star, nagpaparetoke na dini-deny naman nila. "Pag nagparetoke ako, hindi ko siyempre itatago. Wala naman sigurong masama kung malaman ng public na nagpa-retoke ako," she said.

Ayaw na ring magsalita ni Barbara tungkol sa naging affair nila ni Congressman Noynoy Aquino for six months. "Huwag na lang nating pag-usapan ‘yun," she said.

Pero maraming alam ang mga kaibigan niya tungkol sa naging relasyon nila ng brother ni Kris Aquino.

Prosti rin ang role niya sa Mamasan na binubugaw.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

vuukle comment

I THINK I

JENINE

KUNG

LANG

MAMASAN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with