Bida na si Vhong!
May 31, 2002 | 12:00am
Hindi naman matatawag na madali ang naging asenso ni Vhong Navarro bilang artista. Katunayan, limang taon na siyang artista. Mabilis lamang ang panahon kaya parang sangsaglit lamang ay bida na siya.
"Matagal na rin nung mag-start ako sa Super Laff-In sa TV kasama nina Redford White at Bayani Agbayani.
"Hindi lang ako napapansin. Maski sa Streetboys, hindi ako napansin. Napansin lang ako nang mag-movies na ako at maging comedian," ani Vhong na umaming pinalitan niya at ginawang unique ang kanyang pangalan (Bong) para siya mapaiba.
However, hindi ang kanyang pangalan kundi ang kanyang angking talino sa pagpapatawa ang nagbigay sa kanya ng mga pelikulang Spirit Warriors, Anghel dela Guardia bilang sidekick ni Jeric Raval, Oops, Teka Lang with Robin and Claudine, May Pag-ibig Pa Kaya at Got 2 Believe.
Ngayon bida na siya, ka-tandem si Bayani Agbayani sa initial venture ng Violett Films Production na Cass & Cary.
"Nagpapasalamat nga ako dahil kinuha nila ako. Akala ko nga matatagalan pa ito dahil wala pa akong sariling identity. Halata pa ring ginagaya ko ang idolo kong si Jim Carrey pero, kung ako ang tatanungin, ayaw ko pang mag-bida, ninenerbyos pa ako, mabuti na lamang at kasama ko si Bayani na napaka-generous sa kanyang talino. Marunong siyang magbigay at mag-alalay. In due time makakagawa rin ako ng sarili kong istilo," dagdag pa ni Vhong.
At 25 years old, walang gf si Vhong sa kasalukuyan. After his break-up with Bianca Lapus, the mother of his four year old son, takot na siyang makipag-relasyong muli. Pero, magkaibigan pa rin sila ni Bianca para sa kapakanan ng kanilang anak.Tuwing weekend ay nasa kanya ang kanyang anak at ito ang nagbibigay sa kanya ng ibayong happiness.
"Malaki ang leksyon na natutunan ko sa buhay. Ngayon, alam ko na hindi dapat mag-asawa kapag bata pa," pagtatapos niya. VRS

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended