Melanie, gusto nang manatili ng Pilipinas
May 30, 2002 | 12:00am
Aktibo muli si Melanie Marquez sa kanyang career. Nakumbinse niyang manatili sa bansa ang Amerikanong asawang si Adam Lawyer.
Itoy para maasikaso ang kanilang pearl farm sa Boswangga, Palawan. Balak din ng mag-asawa na paupahan na lang ang kanilang 40,000 na rancho sa Amerika.
Abala ngayon sa showbiz ang magandang aktres dahil bukod sa maraming TV appearances ay kasama pa rin siya sa isang sisimulang soap opera sa GMA 7. Samantala, ang kanyang anak na si Manuelito ay kumukuha ng Business Management sa isang unibersidad sa Las Vegas at hindi naman nagpapabaya sa kanyang pag-aaral.
Nakawentuhan namin si Mila Pascual sa presscon ng Pagsaluhan kung saan hiningi ng ilang reporter ang side niya tungkol sa nangyaring temporary restraining order sa Kapirasong Gubat ng MMG Films. Wala naman itong sinabing masama laban sa mga executives ng mga MMG Films kundi ipinaliwanag na prinsipyo lang ang kanyang ipinaglalaban.
Nakakontrata pa sa kanya si KC Castillo at matatapos ito sa April 16, 2004. Pinayagan niya itong gumawa ng isang pelikula outside the company na naka-stipulate naman sa kontrata kahit di ito nagpaalam sa kanila.
Sinuportahan naman niya si KC at binigyan pa ng magandang break pero hindi nito binigyang halaga ang lahat ng tulong na ipinagkaloob sa kanya ng El Niño Films.
Baka ang mangyari tuloy ay maging frozen delight si KC pero kailangan niyang tapusin ang kanyang kontrata na tatagal pa ng dalawang taon.
Magkakaroon ng first kissing scene sa telebisyon si Angelika dela Cruz via Ikaw Lang Ang Mamahalin na ang takbo ngayon ng istorya ay ang pagiging magnobyo nila ni James Blanco. Pero binabalik-balikan ito ng dating boyfriend na si Sherwin Ordoñez. Sino sa dalawa ang magiging kahalikan ng aktres? Mas malamang ay si James kaya excited na ang aktor. Handa na itong tumanggap ng mature role. "Sana nga ay ako na ang makahalik kay Angel dahil isang malaking karangalan ito para sa akin kaya lang ayokong umasa dahil baka naman si Sherwin ang gumawa ng eksena," ani James.
Magaling umarte ang aktor kaya naman nabigyan ng magandang role sa teleserye gaya ng Kahit Kailan bukod pa sa ILAM.
Wala pa ring girlfriend si James dahil prioridad niya ngayon ang kanyang career.
Isa sa well-liked celebrities ngayon sa showbiz ay si Offie S. Angeles na prodyuser noon ng show na pinamagatang Miss/Mrs. Little Pearl of the Orient at ngayon ay may tinutulungang talent sa katauhan ni Melvyn Dizon.
Isang educator si Offie na nagmamay-ari ng Admiral Maritime Training Institute of the Philippines. Kumuha siya ng BSE sa UST at MA in Education sa National Teachers College hanggang magturo ng isang taon sa St. Pauls College sa elementary department. Nagturo rin siya sa college sa Philippine Merchant Marine School. Habang nagtuturo dito ay inoobserbahan niya kung paano magpatakbo ng ganitong klase ng trabaho hanggang maisipang magtayo ng sariling training institutenagbibigay sila ng seminar sa mga gustong maging seaman. Dalawang araw ang pinakamaikling itinatagal ng seminar at 20 days naman ang pinakamatagal.
Umaabot ng 200 ang kanilang enrolee araw-araw at sa loob ng isang taon ay nakapagpapatapos sila ng 85,000 graduates.
Naging matagumpay si Offie sa itinayong training center at sa loob ng anim na taon ay kumpleto na ang kanilang facilities at maituturing itong world-class.
Marami na siyang natulungan gaya ng patuloy na pagsuporta sa Philippine Coastguard kaya nga sa pagdiriwang ng 125th Phil. Coastguard Auxiliary Squadron (1st anniversary) ay pinagkalooban siya ng award bilang pagpapahalaga sa lahat ng naitulong nila. Itoy idinaos sa Century Park Sheraton noong Mayo 24.
Naging beauty queen din si Offie (Ms. Philippine Pacific) kaya pwede rin siyang lumabas sa pelikula bastat maganda lang ang role at yong babagay sa kanya gaya ng abogada, doktora o milyonaryang tiyahin. Libangan lang niya ang pagtuklas ng mga talino sa pagkanta para makatulong sa mga baguhan.
Itoy para maasikaso ang kanilang pearl farm sa Boswangga, Palawan. Balak din ng mag-asawa na paupahan na lang ang kanilang 40,000 na rancho sa Amerika.
Abala ngayon sa showbiz ang magandang aktres dahil bukod sa maraming TV appearances ay kasama pa rin siya sa isang sisimulang soap opera sa GMA 7. Samantala, ang kanyang anak na si Manuelito ay kumukuha ng Business Management sa isang unibersidad sa Las Vegas at hindi naman nagpapabaya sa kanyang pag-aaral.
Nakakontrata pa sa kanya si KC Castillo at matatapos ito sa April 16, 2004. Pinayagan niya itong gumawa ng isang pelikula outside the company na naka-stipulate naman sa kontrata kahit di ito nagpaalam sa kanila.
Sinuportahan naman niya si KC at binigyan pa ng magandang break pero hindi nito binigyang halaga ang lahat ng tulong na ipinagkaloob sa kanya ng El Niño Films.
Baka ang mangyari tuloy ay maging frozen delight si KC pero kailangan niyang tapusin ang kanyang kontrata na tatagal pa ng dalawang taon.
Magaling umarte ang aktor kaya naman nabigyan ng magandang role sa teleserye gaya ng Kahit Kailan bukod pa sa ILAM.
Wala pa ring girlfriend si James dahil prioridad niya ngayon ang kanyang career.
Isang educator si Offie na nagmamay-ari ng Admiral Maritime Training Institute of the Philippines. Kumuha siya ng BSE sa UST at MA in Education sa National Teachers College hanggang magturo ng isang taon sa St. Pauls College sa elementary department. Nagturo rin siya sa college sa Philippine Merchant Marine School. Habang nagtuturo dito ay inoobserbahan niya kung paano magpatakbo ng ganitong klase ng trabaho hanggang maisipang magtayo ng sariling training institutenagbibigay sila ng seminar sa mga gustong maging seaman. Dalawang araw ang pinakamaikling itinatagal ng seminar at 20 days naman ang pinakamatagal.
Umaabot ng 200 ang kanilang enrolee araw-araw at sa loob ng isang taon ay nakapagpapatapos sila ng 85,000 graduates.
Naging matagumpay si Offie sa itinayong training center at sa loob ng anim na taon ay kumpleto na ang kanilang facilities at maituturing itong world-class.
Marami na siyang natulungan gaya ng patuloy na pagsuporta sa Philippine Coastguard kaya nga sa pagdiriwang ng 125th Phil. Coastguard Auxiliary Squadron (1st anniversary) ay pinagkalooban siya ng award bilang pagpapahalaga sa lahat ng naitulong nila. Itoy idinaos sa Century Park Sheraton noong Mayo 24.
Naging beauty queen din si Offie (Ms. Philippine Pacific) kaya pwede rin siyang lumabas sa pelikula bastat maganda lang ang role at yong babagay sa kanya gaya ng abogada, doktora o milyonaryang tiyahin. Libangan lang niya ang pagtuklas ng mga talino sa pagkanta para makatulong sa mga baguhan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am