2 buwan ng buntis nang magsabi sa asawa
May 29, 2002 | 12:00am
Talagang glowing si Dyan Castillejo nang humarap sa ilang piling press para lamang makipag-kwentuhan nung Martes ng tanghali. Namumurok ang kanyang mga pisngi at excited na excited siya na pag-usapan ang kanyang kasalukuyang kondisyon at ang pinaghihirapan niyang palabas sa ABS-CBN na mag-aanim na taon nang nasa ere, ang Sports Unlimited na kung saan co-host si Marc Nelson. Kapag nakaupo siya at natatakpan ng mesang aming kinakainan ang kanyang tiyan, hinding-hindi mo mahuhulaan na siya ay nasa ika-pitong buwan ng kanyang pagbubuntis ng panganay nila ng kanyang asawang si Anton Garcia, isang dating football player at ngayon ay nagtatrabaho na kasama ang ama nito sa kanilang shipping business.
"Ngayong seven months na ako, binawasan ko ang aking mga activities. Pero nung three and a half months ako, umakyat pa ako ng Mt. Pulag. Also, I did mountain and rock climbing and biking. Lahat yata ng hindi ginagawa ng mga ibang pregnant women ay ginawa ko. Kaya siguro on my last ultrasound, lumitaw ang baby ko na sumisipa," masayang kwento ng TV host na umamin na kung siya ang masusunod, baka naghintay pa sila ng kanyang asawa ng kaunting panahon bago siya nagbuntis. "Pero, kaloob na ito ng Panginoon kaya ang dapat ay i-welcome ko na lamang.
"Would you believe na I was already on my second month of pregnancy before I could break the news to my husband? Hindi niya nahalata dahil wala akong morning sickness, no cravings basta I eat healthy food. Im also doing my part for the baby.
"Sana gusto kong first born ay lalaki for my husband. I know lahat ng asawa, ang gustong panganay nila ay lalaki.
"Una pa nga gusto ko twins pero, hindi ito nangyari. Tapos, nalaman ko gusto ng husband ko babae because he was thinking of me. We were both thinking of each other. Madalas nga kapag nakikita niyang nagi-exercise ako, he tells me to take it easy. Baka raw nahihilo na ang baby namin.
"I can still do all sports, except scuba diving and horseback riding. When the doctor told me that I couldnt scuba dive anymore, hindi ko siya sinunod the first time dahil may naka-schedule na kaming scuba diving the next day for Sports Unlimited. Nagdasal na lamang ako na sana alagaan ng Diyos ang baby ko. Hindi na ako makaka-back out."
Aside from her pregnancy, favorite topic pa rin ni Dyan ang Sports Unlimited. Hindi naman kataka-taka sapagkat pinaghihirapan niya ito ng husto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am