Geryk, ginagaya ang lolo
May 28, 2002 | 12:00am
Lumalabas na ang Kenny Rogers commercial ni Geryk Genasky. Kung pamilyar sa inyo ang kanyang apelyido, may relasyon sila ng sikat na singer at tinaguriang Tom Jones ng Pilipinas in the 70s, si Rudy Genasky. Ama ito ng kanyang ina.
Pangatlo na itong product endorsement na ginawa ni Geryk. Nauna na ang Tanduay, sinundan ng Sky Flakes commercial at itong sa food chain ng Kenny Rogers.
Abala ngayon si Geryk sa kanyang pagbo-voice lessons under Maestro Ryan Cayabyab. Pinangatawanan na niya ang pagkanta dahil kahit saan siya magpunta at ipakilala, tanong agad kung namana niya ang singing voice ng kanyang lolo.
"I may not be as good as him, but Im trying hard to be. Kahit kaunti, gusto kong manahin ang style at good singing voice niya. Mahirap, pero Im willing to learn. Im sure my lolo would be proud of me, if and when I sing professionally.
"Ive listening to his songs, ang gaganda, not because his my grandpa. Almost everyone I talk to, sinasabing magaling siya. Kaya ginagawa kong guide ang mga old songs niya, while practising. Gusto kong i-revive yung mga kanta niya noon.
"He knows Im entering showbusiness at okay lang sa kanya. He was telling me to stay humble and respectable. Matuto raw akong makisama."
Geryk is starting on the right track. A couple of Saturdays ago, kumanta siya sa Master Showman ni Kuya Germs Moreno sa GMA 7.
Habang kumakanta ng awiting "Superman", sigawan at tilian ang mga nasa audience. Inamin ni Geryk na nagulat siya sa naging response ng manonood sa kanya, hindi niya yun inasahan.
Maging ang kanyang manager na si Vera Isberto ay nagulat. Lalo noong pauwi na sila, inabangan sila ng mga fans para magpa-autograph at picture-taking with the young Genasky. Ben Dela Cruz

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am