Iba talaga si Kris
May 28, 2002 | 12:00am
Iba talaga ang karisma ni Kris Aquino. Lahat ng endeavor na pasukan niya ay lagi siyang nagi-emerge na winner. Bukod sa pagiging host niya ng number one game show na Game K N B? at ang The Buzz, tinatangkilik din siya ng publiko sa iba pa niyang projects. Tulad na lamang ng recent episode niya sa Maalaala Mo Kaya with Phillip Salvador. Nakakuha ang Wenn Deramas-directed episode ng 39.6 percent audience share, the highest-grossing na nakuha ng said drama program.
Gauging the said episode, mukhang may pagtingin pa talaga si Tetay sa kanyang Dada (tawag niya kay Phillip). Sweet sila sa mga eksena. Even yung acting ni Kris has greatly improved. Kuwento nga ni Kris nung Sunday sa The Buzz, "Kung alam nyo lang ang mga nangyari behind the scenes. Basta! Hahaha!" kinikilig na kuwento nito sa amin.
May nakarating sa aming kuwento na sweet nga sina Kris at Phillip during shoot. "Hitsura ng asawa ang ginagawang pag-aasikaso ni Kris kay Ipe. Same thing with Ipe, sweet pa rin siya kay Kris," sabi ng isang nakasaksi during the shoot.
Dagdag pa ng kausap namin, "Kaya imposible yung anggulong sina Kris at Joey (Marquez) na! Hindi naman niya bukambibig si Mayor Joey, eh! They dont even go on dates."
Kahit umambon noong Sabado, dinumog pa rin ng tao ang The Peep Show, ang fashion show-cum-launch ni Christian Vasquez bilang image model ng Baleno Underwear na ginanap sa The Loop, ang pinakabagong gimik place ngayon sa Quezon City. Kakaibang launch ang nasaksihan namin dahil hindi iyon tipikal na fashion show kung saan rarampa ng naka-underwear ang mga models. Ginamit ni Biboy Arboleda (director ng show) ang mga glass window ng EJCC Building para ma-achieve ang ibang style ng show.
"We thought of something different naman. We utilized yung mga venues and resources na puwede para mai-present na kakaiba yung launch," sabi ni Biboy who incidentally is Christians co-manager along with ABS-CBN Talent Center.
Bongga pala talaga ang mga Baleno Underwear products. Hindi lang sila nagki-cater for mens underwear kundi gumagawa rin sila for ladies and children.
Seen during the launch para magbigay ng support were Mylene Dizon, Angel Aquino (she also hosted the event), John Lapuz, Maryo J. delos Reyes at mga non-showbiz friends ni Christian at mga taga-fashion world.
Dahil sa tagumpay ng fashion show-launch, pinag-uusapan na ng owners na si Boy Tan and Jeffrey See ng Lexus Garments Services, Inc. ang part two ng fashion show. Sabi ng owners, perfect si Christian na magdala ng kanilang mens underwear dahil sa magandang pangangatawan nito at sa pagiging game na ilantad ang kanyang katawan.
Tiyak na matutuwa ang mga fans ng Tabing Ilog stars na sina Kaye Abad, Paolo Contis, Baron Geisler at Desiree del Valle na nasa States dahil mayroon silang show sa California sa June 1 and 2. Come June 1, may show sila sa Club Oasis (2435 Colorado Drive, Eagle Rock, CA) at sa June 2 naman ay sa Rizza Auditorium, California Maritime Academy.
Ang two shows, entitled Tabing Ilog Meets Ms. Arriba Babe ay bunsod ng success ng nakaraang show nina Kaye at Baron last year. This time bukod kina Paolo at Desiree, special guest din si John Lapus (his first ever show abroad). Tiyak na good news ito sa mga Tabing Ilog fans sa States. Aba, nakakaloka ang following ng said show sa Amerika.
Prodyus ito ng JNL Entertainment at Venture Productions. Si Jerry V. Telan ang writer at director ng show.
For ticket reservations, you can call Mr. John Ling at (562) 3019274 or e-mail MrJohnLing @aol. com or venture prods @ aol.com.
For your comments and feedback, you can reach me at Talent [email protected]
Gauging the said episode, mukhang may pagtingin pa talaga si Tetay sa kanyang Dada (tawag niya kay Phillip). Sweet sila sa mga eksena. Even yung acting ni Kris has greatly improved. Kuwento nga ni Kris nung Sunday sa The Buzz, "Kung alam nyo lang ang mga nangyari behind the scenes. Basta! Hahaha!" kinikilig na kuwento nito sa amin.
May nakarating sa aming kuwento na sweet nga sina Kris at Phillip during shoot. "Hitsura ng asawa ang ginagawang pag-aasikaso ni Kris kay Ipe. Same thing with Ipe, sweet pa rin siya kay Kris," sabi ng isang nakasaksi during the shoot.
Dagdag pa ng kausap namin, "Kaya imposible yung anggulong sina Kris at Joey (Marquez) na! Hindi naman niya bukambibig si Mayor Joey, eh! They dont even go on dates."
"We thought of something different naman. We utilized yung mga venues and resources na puwede para mai-present na kakaiba yung launch," sabi ni Biboy who incidentally is Christians co-manager along with ABS-CBN Talent Center.
Bongga pala talaga ang mga Baleno Underwear products. Hindi lang sila nagki-cater for mens underwear kundi gumagawa rin sila for ladies and children.
Seen during the launch para magbigay ng support were Mylene Dizon, Angel Aquino (she also hosted the event), John Lapuz, Maryo J. delos Reyes at mga non-showbiz friends ni Christian at mga taga-fashion world.
Dahil sa tagumpay ng fashion show-launch, pinag-uusapan na ng owners na si Boy Tan and Jeffrey See ng Lexus Garments Services, Inc. ang part two ng fashion show. Sabi ng owners, perfect si Christian na magdala ng kanilang mens underwear dahil sa magandang pangangatawan nito at sa pagiging game na ilantad ang kanyang katawan.
Ang two shows, entitled Tabing Ilog Meets Ms. Arriba Babe ay bunsod ng success ng nakaraang show nina Kaye at Baron last year. This time bukod kina Paolo at Desiree, special guest din si John Lapus (his first ever show abroad). Tiyak na good news ito sa mga Tabing Ilog fans sa States. Aba, nakakaloka ang following ng said show sa Amerika.
Prodyus ito ng JNL Entertainment at Venture Productions. Si Jerry V. Telan ang writer at director ng show.
For ticket reservations, you can call Mr. John Ling at (562) 3019274 or e-mail MrJohnLing @aol. com or venture prods @ aol.com.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended