Sunshine, binabantayan si Cesar!
May 28, 2002 | 12:00am
![](./main/20020528/images/show2.jpg)
Sweet pa rin ang dalawa at selosa pa rin ang aktres at gustong laging nasa tabi nito ang kanyang asawa.
Noon ngang magpunta ng Bangkok si Sunshine for pictorial sa Petit Monde kung saan siya ang image model ay hindi siya pumayag na di kasama ang aktor.
Ngayong gagawa ng Hollywood movie si Buboy at tutungo ng Australia ay ayaw din nitong magpaiwan.
Inamin ng aktres na maganda ang nangyayari sa kanyang career ngayon. Mainstay siya sa Kung Mawawala Ka.
Jack of all trades si Direk Louie, bukod sa pagiging direktor, magaling din siyang painter, interior decorator at composer. Sa taong ito ay humakot siya ng nominasyon sa MTV Music Video Award.
Ang dream role ni Ian ay makaganap sa papel ng isang bulag at pipi.
Naniniwala siya na hindi stable ang pag-aartista kaya nagsikap siyang makatapos ng pag-aaral at magnegosyo.
Tinawag niya itong Giggles Bar and Restaurant na matatagpuan sa Brick Road Grand East Mall Marcos Highway sa Cainta, Rizal. Ang business partner ng aktres ay mga kaibigan ng pamilya. Cozy ang restoran at masasarap pa ang pagkain at mura lang ang halaga nito. May 400 seating capacity kaya malaki ang lugar at isang bahagi ay nakalaan sa entertainment. Magkakaroon sila ng show araw-araw at siyempre ang magiging regular performer ay si Isa rin kasama ang banda. Minsan naman ay magkakaroon ng stand-up comedy.
Paano ba namang di susulak ang dugo ng produ sa baguhang aktor na ito dahil sa sinasabi niyang hindi pa siya nababayaran gayung wala nang utang sa kanya ang produ para sa tatlong araw na syuting.
Gusto ngang sampalin ng produ ang baguhang aktor kapag nagkita sila sa paglulubid nito ng kasinungalingan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended