Di kaya ni Joyce ang soap opera!
May 26, 2002 | 12:00am
Nagsimula na si Joyce Jimenez sa kanyang bagong TV assignment sa ABS CBN, ang Whattamen at na-sorpresa siya na malaman na mas masaya ang programa ngayon. Tuloy tinatanong siya kung paano niya nagawang makipag-gel sa kanyang mga co-stars in such short a time.
"I have been out with Marvin (Agustin) a couple of times before I joined the show. Also Aiai (delas Alas). I am not a complete stanger to them even before we started working together," ani Joyce during the presscon of I Think Im In Love sa Regal.Ang kanyang kapareha na si Piolo Pascual ay nauna nang ipa-presscon ng nasabi ring movie outfit.
"May chemistry na at repartee yung mga dinatnan ko sa show. Ako na lang talaga ang nag-adjust," dagdag pa niya.
Nang tanungin siya kung tatanggap siya ang soap opera sakaling may mag-alok sa kanya, sinabi niyang "Ayaw ko ng soap opera. Di ko kaya. I know the demands and I dont think I can meet them," pag-amin niya. Idinagdag pa niya na sinasadya niyang iba-ibahin ang kanyang mga roles para hindi magsawa ang kanyang mga manonood. Like I Think Im In love is a family movie, a light movie about love. The one I did with Diether (Ocampo) was an erotic movie." Ill probably do a sexy one after this," dagdag pa niya.
Marami ang nagtataka kung bakit hindi siya na-link kay Piolo na tulad nang nangyari sa kanyang mga other leading men. Like Diether.
"Siguro dahil kami ni Piolo have the same mentality, dahil we both grew up in the states. Alam namin kung ano ang mga priorities namin and this is our work.
"Sa amin ni Diether, talagang may na-develop, we became very close," pag-amin niya.
Mayroon silang isang love scene ni Piolo sa movie na tinanggal na because they are aiming for a GP rating.
Hindi ba ito makakaapekto sa kanyang popularity na naagaw na nina Assunta (de Rossi), at Rica (Peralejo).
"Babawiin ko ang trono ko. I never left naman. It was just the movies that I did were feel good movies. I just took a break," sey pa niya.
I Think Im In Love also stars Nancy Castiglione, Michelle Bayle, Lorenzo Mara at Jam Melendez. Entry ito sa Manila Film Festival under the direction of Maryo J. delos Reyes.
Sinabi ni Jeffrey Quizon na iniiba niya ang istilo ng kanyang pagpapatawa sa kanyang ama na si Dolphy.
Akala kasi ng marami na komo nagbabakla na rin siya sa kanyang mga pelikula ay ginagaya na niya ang kanyang ama.
"Ayokong gayahin ang Daddy. Iba ako sa kanya. Siguro kung may mga pagkakataon na nagkakahawig kami ng komedy, hindi sinasadya yun.
"Kung maaari nga ay ayokong maikumpara sa kanya. Gusto ko na makita niya na iba yung istilo ko.
Like sa Utang Ni Tatang ng World Arts Cinema, marami ang matutuwa dahil mapapansin nila na iba yung ginawa ko dito. Kahit mga bata, maaaliw sa akin," sabi pa ni Jeffrey.
Gayunman, hindi siya umaasa na mapapabilang sa best actor sa filmfest. Ang nais lamang niya ay kumita ang movie at magustuhan ito ng mga manonood.
"Sapat na sa akin ang kumita ang pelikula. Yun lang ay malaking karangalan na sa akin. Paris ng mga pelikula ni Daddy, hindi nga pang-awards pero pawang kumita naman sa takilya," pagwawakas niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended