^

PSN Showbiz

Mowelfund, di natatanggap ang kabuuang 60% mula sa MMFF?

-
Bagaman at nagkukulang na ang pondo ng Mowelfund na diumano ay hindi nakakatanggap ng buong 60% na pangako ng Metro Manila Film Festival, patuloy pa rin ang pagbibigay nito ng mga basic services sa mga myembro nito lalo na yung mga nagmumula sa low-income sector. Nagawa rin nitong makapagbigay ng annual medical checkup at free dental clinic nung ika-28 anibersaryo nito.

Nung hindi pa kinakapos ang Mowelfund, nagagawa nitong makapagpadala ng mga filmmaking scholars sa abroad. Sa Mowelfund Film Institute, ang educational arm ng Mowelfund, sa pamumuno ni Nick Deocampo nagmula ang mga magagaling na kabataang direktor natin ngayon na sina Raymond Red, Yam Laranas, Lav Diaz, ang mga cinematographer na sina Larry Manda at Neil Daza,

Tatlong serbisyo ang ipinagkakaloob ng Mowelfund: Social Welfare, Educational at Research.

Among the latest recipient ng death aid ay sina Levi Celerio, Diomedes Maturan at Tony Mortel. Tumanggap din ng tulong na medical sina Charlie Davao at Bobby Gonzales.

A member of good standing pays a membership due of P300/year at makakakuha siya ng medical assistance of P13,000/year; maintenance medicine of P5,000 once a year; hospitalization of P8,000 3x a year at death benefit ng P35,000.

BOBBY GONZALES

CHARLIE DAVAO

DIOMEDES MATURAN

LARRY MANDA

LAV DIAZ

LEVI CELERIO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOWELFUND

MOWELFUND FILM INSTITUTE

NEIL DAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with