Ama ni Jolina ang problema!
May 24, 2002 | 12:00am
Isang kaibigan mula sa ABS-CBN ang nakapagbulong sa amin na ang totoong dahilan daw kung bakit malaki ang galit ni Daddy Jun Magdangal sa Talent Center at sa Star Cinema ay dahil sa hindi pagpayag ng istasyon sa gusto niyang mangyari.
Dalawang buwan na ang nakararaan, ayon sa aming source, ay nagkaroon ng miting si Daddy Jun sa mga ehekutibo ng Dos na kinabibilangan nina Mr. Gabby Lopez, Mr. Freddie Garcia, Ms. Malou Santos, Ms. Cory Vidanes, Ms. Mariole Alberto at Direk Johnny Manahan.
Ang mga plano nila para sa career ni Jolina ang paksa, kailangan na nilang pag-usapan ang mga susunod pang proyektong gagawin ng dalaga sa Star Cinema, kasama na ang mga proyekto nito sa telebisyon.
Nung una ay maayos naman ang kanilang pag-uusap, hanggang sa dumating yun sa puntong gustong ipasama ni Daddy Jun sa bagong kontratang pipirmahan ni Jolina ang pangako na ang gagawing pagbi-build-up ng kompanya kay Jolina ay tulad ng ginawa ng istasyon kay Sharon Cuneta.
Ayon sa aming kausap ay nagulat ang mga executives ng Dos sa gustong mangyari ng ama ni Jolina, dahil wala namang istasyong makapangangako sa kanilang mga artista ng ganun.
"Iba ang nangyari kay Sharon at iba rin ang kay Jolina at iba rin ang para sa iba pang mga artista, kaya bakit niya isasama sa kontrata ang ganun?" ayon pa rin sa aming kausap.
Kahit daw kaninong artista ng ABS-CBN ay walang ipinangako ang istasyon, sa kung paanong paraan nila pasisikatin ang kanilang mga alaga.
Basta ginagawa nila ang lahat ng kanilang magagawa, pero kung sa kabila ng kanilang tulong ay wala pa ring mangyari, siguro naman ay wala na sa istasyon ang pagkukulang.
"Gusto niya kasi, isama sa kontrata na ang gagawing pagbi-build-up at pag-aalaga kay Jolina, e, yung ganun kay Sharon.
"Ano yun? Bakit kailangang igaya kay Sharon? Bakit kailangang mangako ang istasyon sa kanya?
"Very demanding kasi si Mr. Magdangal, saka wala siyang contentment, kahit meron nang para sa anak niya, gusto pa rin niyang kunin ang para sa iba.
"Mali naman yun, kung hindi para sa anak niya, e, huwag na niyang kunin pa, magkasya na lang sila sa kung anu-ano ang para sa kanila," paliwanag pa rin ng aming source.
May buhay pa rin pagkatapos ng ABS-CBN, sabi namin, isang bagay na sinang-ayunan ng aming kausap, dahil hindi lang naman ang Dos ang nag-iisang istasyon sa Pilipinas.
Laging meron, opinyon namin, kaya nga lang ay hindi na katulad yun ng sa ABS-CBN. Puwedeng sobra at puwede rin namang kulang, basta ang mahalaga ay meron pa ring buhay sa labas ng bakuran ng Dos.
"May talent si Jolina, totoo yun. May malaking following si Jolina, totoo rin yun. Sikat na si Jolina, alam naman natin yun.
"Pero wala naman sa bata ang problema, e, kundi nasa nagpapatakbo ng kanyang career. Huwag sanang masyadong demanding si Mr. Magdangal, nagdi-dictate na kasi siya kadalasan.
"Saka masyado siyang mareklamo, nakikita niya ang nagagawa ng station sa ibang artista, pero yung ginagawa para sa kanila, hindi man lang niya ma-appreciate.
"Palagi siyang nagrereklamo, kaya hindi na sila hinahabol pa ng network nung magpaalam silang hindi na magre-renew pa ng kontrata," diretsong sabi ng aming source.
Pero isang katanungan may magrereklamo kaya kung may tumutupad sa usapan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended