Show ni Gary sa US isang malaking tagumpay
May 23, 2002 | 12:00am
Sold out ang mga concerts ni Gary Valenciano sa Gateway Theater sa Chicago at Tropicana Showroom sa Atlantic City. Dahil dito, balak ng kanyang Chicago promoter na si Danny Tinimbang na ibalik siya roon next year.
Pinahanga ni Gary V maging ang mga technical supplier, prod. mgrs. at stage hands sa dalawang venue. To date, Gary V has the highest box-office tickets sold by a Filipino artist in Manhattan nung 1990 at sa Palladium. Itoy pinatunayan ng kanyang promoter sa nasabing mga palabas na tatlong linggo bago ang konsyerto ay sold out na ang mga tickets.
Binak-apan si Gary V ng banda na kasama na niya for 12 years, ang Powerplay na binubuo nina Ding Faustino on the keyboards, Tek Faustino on drums. Ed de Guzman on bass at Mon Espia on lead guitar. Si Mon Faustino ang musical director at back up vocals naman sina May Ann Casal at Melissa Fontano. Kasama rin nila sina Jojo Zafra at Rene Sagaran ng Manoeuvres. Naging special guests sina Vina Morales at ang anak ni Gary V na si Gabriel. Sumama ito ng pagsasayaw at pagkanta sa kanyang ama.
Nagpalabas rin si Gary V sa Nob Hill Center sa San Francisco nung Mayo 10 at sa Grand Olympic sa LA nung Mayo 11. Ang dalawang palabas ay dinumog din ng mga manonood. Ang kapatid ni Rico Yan na si Tina Yan ay umiyak nang awitin ni Gary V ang "Warrior Is A Child", ang awitin na pinili ni Rico para sa kanyang libing.
Overwhelmed si Gary V sa mga applause at support na tinanggap niya sa lahat ng kanyang pinuntahan. Maging ang kanyang website www. garyv.com ay napuno ng papuri at pagbati mula sa mga nakapanood sa kanya sa US.
Locally, nagtagal din sa No. 1 position ang kanyang "Revive" album. Ang bago niyang album, ang "One 2 One" ay madali ring nag-No. 1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended