^

PSN Showbiz

Dingdong Avanzado is 'Prince of Pop'

-
Napaka-swerte ng mga pumunta ng Glorietta nung Martes ng gabi. Nakapanood sila ng isang maganda at libreng konsyerto ni Dingdong Avanzado na naglunsad ng kanyang unang album sa Star Records at bale ika-9 niyang album na nagawa na.

Sa kabila ng pagkakagulo sa labas dahilan sa malaganap na brown-out, hindi apektado ang palabas ni Dingdong na ginamitan ng generator. Busog din ang mga manonood dahilan sa napakaraming sandwiches na inihanda ng mga namumuno at iced tea and ice cream.

Inawit ni Dingdong ang mga cuts sa album na pinamagatang "Here To Stay". Labindalawa lahat ito –"Ikaw", "Di Namalayan", "Just Because", "The Moment", at ang mga revivals niya ng "Walang Kapalit" ni Rey Valera, "I Don’t Want You To Go" ni Lani Hall at ang "Paalam Na" na kinompos niya para kay Rachel Alejandro.

Ang "Here To Stay" ay sinasabing pinaka-magandang album ni Dingdong. Ilulunsad ito sa Hongkong sa Agosto at iri-release sa Asian market, sa mga bansang Singapore, Malaysia at Thailand.

Ang album ay may kasamang music video ng "The Moment". Ginawan din ito ng mga especially designed shirts, caps, pillows at key chains ng B.U.M. Equipment.

Naging panauhin sa lauching ng "Here To Stay" ang isa pang artist ng Star Records na si Carol Banawa.

CAROL BANAWA

DI NAMALAYAN

DINGDONG AVANZADO

HERE TO STAY

I DON

JUST BECAUSE

LANI HALL

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with