Angelika, binastos sa Batangas
May 23, 2002 | 12:00am
Masamang-masama ang loob ng mag-amang Angelika at Ernie dela Cruz sa nangyari sa kanila nang maimbitahan sa isang barangay sa San Pascual, Batangas dahil sa kawalang modo ng isang kagawad doon.
Nangyari ang insidente noong Mayo 17 nang imbitahan ang aktres kasama ang Freshmen Band sa naturang lugar para maging panauhing singer sa kanilang kapistahan. Payag naman sila kaya lang, sa di-inaasahang pangyayari ay nagkasakit si Angelika at dahil sa taas ng lagnat ay di siya nakapunta. Naintindihan naman ito ng barangay captain at sinabing sa ibang araw na lang pumunta ang aktres para mapagbigyan ang kahilingan ng maraming tagahanga roon.
Noong Mayo 20 ay natuloy si Angelika kasama ang Freshmen Band kung saan nag-motorcade na lang sila na tumagal ng tatlong oras. Sa gitna ng init ng araw ay ginalugad nila ang mga lugar doon. Nang matapos ang motorcade ay sinabihan sila ng barangay captain na ipakikilala sila sa mga kagawad nito at pagkakataon na rin para humingi sila ng paumanhin dahil hindi nga nakasipot noong araw ng kapistahan.
Humingi naman ng sorry si Daddy Ernie pero isang kagawad na nagngangalang Boy Tamayo ang hindi naging maganda ang reaksyon dahil sumagot ito ng "The damage has been done." Napahiya si Daddy Ernie at sumama ang loob ng aktres.
Mabuti na lang at mabait ang barangay captain na si Julio Magnaye ayon kay Daddy Ernie dahil naging konswelo na lang nila ang paanyaya nitong makapag-swimming sila sa Anilao, Batangas.
Ayon pa rin kay Daddy Ernie ay dapat na may puso ang isang naglilingkod sa bayan pero bakit ganito ang inasal ng kagawad? Hindi pa ba sapat na humingi naman sila ng paumanhin?
Sa unang pagkakataon ay makakatambal ni John Apacible si Halina Perez sa Ligaya... Pantasya ng Bayan bilang isang pulis na obsessed dito. "Noon pa man ay pangarap ko na siyang makatambal dahil marami akong naririnig na magaganda tungkol sa kanya. Una ay ang bait-bait daw niya bukod pa sa pagiging innocent beauty. Nag-enjoy ako sa pakikipagtrabaho sa kanya at sana ay magkapareha uli kami," sey ni John.
Maganda ang takbo ngayon ng career ni John dahil bukod dito, marami pa siyang pelikulang ginagawa gaya ng Biyahera with Barbara Milano at Lapu-Lapu kasama si Lito Lapid. Abala rin siya sa kanyang TV show na Munting Paraiso at balitang isasama rin siya sa isang soap opera. Masaya at stable pa rin ang relasyon nila ni Angela Velez.
Nakausap namin ang prodyuser ng Leo Films na si Sixto Dy at sinabing may dalawa pang pelikulang gagawin sa kanila si Halina Perez bago matapos ang kontrata nito ngayong Agosto. Pero nangako naman ang seksing aktres na anytime ay pwedeng kunin ang kanyang serbisyo.
Balak din ng prodyuser na sumali sa darating na Metro Manila Film Festival at kunin si Nora Aunor. Para magkaroon sila ng entry na matindi at mala-Sidhi ang dating kung saan makakasama raw ng superstar sina Jay Manalo at Halina Perez.
Sa isang pakikipagkwentuhan kay Odette Khan ay naging paksa namin ang tungkol sa mga baguhang kabataang artista na di mo kakikitaan ng propesyonalismo.
"Nasanay na kaming maagang mag-report sa set at kapag alas-syete ang nasa call slip ay nauuna pa kami sa takdang oras. Pagdating ay memoryado na ang linya di gaya ngayon na pinaghihintay pa ng mga baguhang artista ang mga senior stars na gaya namin. Mabigyan lang ng ilang pelikula ay feeling star at primadona na. Ni hindi man lang humingi ng paumanhin kapag nali-late at lalampas-lampasan ka lang," aniya.
Sinabi pa rin nito na hindi rin handa ang artista kapag humarap sa kamera dahil kahit sa reading of the lines pa lang ay wala na silang maipadamang emosyon.
"Madali ngayong mag-artista bastat may kakilala ka o koneksyon di gaya noon na talagang salang-sala ang isang artista lalo na sa akting," sey pa ng magaling na character actress.
Imbyerna ang isang seksing aktres dahil may kukunan silang lovescene ng sikat ding sexy actor. Kaso, hindi man lang ito nakapagsepilyo ng ngipin gayung katatapos lang nilang mananghalian at kumain pa ng manggang hinog.
Kaya nang sumabak na silang dalawa sa mainit na eksena sa kama ay nakapikit lang ang aktres habang hinahalikan siya sa labi ng aktor.
Nangyari ang insidente noong Mayo 17 nang imbitahan ang aktres kasama ang Freshmen Band sa naturang lugar para maging panauhing singer sa kanilang kapistahan. Payag naman sila kaya lang, sa di-inaasahang pangyayari ay nagkasakit si Angelika at dahil sa taas ng lagnat ay di siya nakapunta. Naintindihan naman ito ng barangay captain at sinabing sa ibang araw na lang pumunta ang aktres para mapagbigyan ang kahilingan ng maraming tagahanga roon.
Noong Mayo 20 ay natuloy si Angelika kasama ang Freshmen Band kung saan nag-motorcade na lang sila na tumagal ng tatlong oras. Sa gitna ng init ng araw ay ginalugad nila ang mga lugar doon. Nang matapos ang motorcade ay sinabihan sila ng barangay captain na ipakikilala sila sa mga kagawad nito at pagkakataon na rin para humingi sila ng paumanhin dahil hindi nga nakasipot noong araw ng kapistahan.
Humingi naman ng sorry si Daddy Ernie pero isang kagawad na nagngangalang Boy Tamayo ang hindi naging maganda ang reaksyon dahil sumagot ito ng "The damage has been done." Napahiya si Daddy Ernie at sumama ang loob ng aktres.
Mabuti na lang at mabait ang barangay captain na si Julio Magnaye ayon kay Daddy Ernie dahil naging konswelo na lang nila ang paanyaya nitong makapag-swimming sila sa Anilao, Batangas.
Ayon pa rin kay Daddy Ernie ay dapat na may puso ang isang naglilingkod sa bayan pero bakit ganito ang inasal ng kagawad? Hindi pa ba sapat na humingi naman sila ng paumanhin?
Maganda ang takbo ngayon ng career ni John dahil bukod dito, marami pa siyang pelikulang ginagawa gaya ng Biyahera with Barbara Milano at Lapu-Lapu kasama si Lito Lapid. Abala rin siya sa kanyang TV show na Munting Paraiso at balitang isasama rin siya sa isang soap opera. Masaya at stable pa rin ang relasyon nila ni Angela Velez.
Balak din ng prodyuser na sumali sa darating na Metro Manila Film Festival at kunin si Nora Aunor. Para magkaroon sila ng entry na matindi at mala-Sidhi ang dating kung saan makakasama raw ng superstar sina Jay Manalo at Halina Perez.
"Nasanay na kaming maagang mag-report sa set at kapag alas-syete ang nasa call slip ay nauuna pa kami sa takdang oras. Pagdating ay memoryado na ang linya di gaya ngayon na pinaghihintay pa ng mga baguhang artista ang mga senior stars na gaya namin. Mabigyan lang ng ilang pelikula ay feeling star at primadona na. Ni hindi man lang humingi ng paumanhin kapag nali-late at lalampas-lampasan ka lang," aniya.
Sinabi pa rin nito na hindi rin handa ang artista kapag humarap sa kamera dahil kahit sa reading of the lines pa lang ay wala na silang maipadamang emosyon.
"Madali ngayong mag-artista bastat may kakilala ka o koneksyon di gaya noon na talagang salang-sala ang isang artista lalo na sa akting," sey pa ng magaling na character actress.
Kaya nang sumabak na silang dalawa sa mainit na eksena sa kama ay nakapikit lang ang aktres habang hinahalikan siya sa labi ng aktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended