Halina mang-aagaw ng titulo?
May 22, 2002 | 12:00am
"Nahihiya nga ako kay Joyce (Jimenez, na siyang unang nagmemeari ng titulong "Pantasya Ng Bayan"). Iniisip ko baka magalit siya sa akin pero, wala naman akong kakayahan na tutulan ang gusto ng aking prodyuser na siyang nagpasya na gamitin ang titulong ito sa aking movie," ani Halina Perez sa presscon ng Ligaya, Pantasya Ng Bayan, ang pelikula ng Leo Films na walang takot nilang isasabak sa Kilabot at Kembot na tinatampukan naman nina Bong Revilla at Assunta de Rossi. Anang producer ng pelikula na si G. Sixto Dy, mauuna pa sila ng limang araw na pagpapalabas sa kalabang pelikula. At magkasabay man daw, wala siyang pangamba na matalo sila sapagkat magkaiba naman daw ang kanilang movie sa movie ni Bong Revilla who is known as an action star. "Bold movie kami," ani G. Dy.
Anumang pilit ang gawin ng mga manunulat para intrigahin si Halina kay Joyce, mas nangingibabaw pa rin dito ang kaligayahan sa gagawing pagpunta nito sa US para gumawa ng isang telecine na kasama sina Leandro Baldemor at Rey PJ Abellana. "First time ko itong lumabas ng bansa. Pupunta kami sa San Francisco, sa Silicon Valley para mag-taping ng Ambisyon. Madadalaw ko na rin ang aking lola na nakatira sa Vallejo, California," masayang kwento niya. Sinabi niya na hindi na siya mapagkatulog dahilan sa kaiisip at sa excitement sapagkat kinabukasan makatapos ang presscon ay aalis na sila.
Inamin ni Halina na bagaman at marami pa rin siyang problema ngayon, hindi na siya gaanong apektado na paris nung una na nag-overdose siya ng pills. "Nag-mature na po ako. Kaya ko nang dalhin ang mga problema ko," pagtatapat niya.
Kasama niya sa Ligaya, Pantasya Ng Bayan sina Alma Soriano, Harold Pineda, Leandro Baldemor, John Apacible, Odette Khan at ang baguhang si Millet Cabral. Direksyon ni Arman Reyes mula sa script ng isa pa ring kontrobersyal na writer na si Dennis Evangelista.
Kung tao ang pag-uusapan, napaka-matagumpay ng aking katatapos na fundraising concert na tinampukan nina Rico J. Puno, Jo Canonizado, Barbara Milano at Melvyn Dizon. Bagaman at hindi ko naabot ang aking target sale, masaya na ako sapagkat napakarami ng tumulong sa akin. Gaya nina Ellen Lising, Offie Angeles, Nora Calderon, Rose Vergara, Natalie Palanca. Salamat sa mga nagbenta ng tiket ko like Salve Asis, Rodel Fernando, Eli Formaran, Bing Adorna, Emy Abuan, Virgie Balatico, Andrew Gutierrez, Ben dela Cruz at sa napakaraming bumili. It took one simple concert like this for me to realize na marami pa ring mababait na tao na bukas ang palad sa pagtulong.
Pagdating talaga sa pagbibigay ng kasiyahan mahirap talunin si Rico J. Puno. Wala pa rin siyang kupas. Matatapos na ang show ay marami pa rin ang gustong bumili ng tiket pero tinanggihan ko na sila at pinayuhan na lamang sila na may kasunod pang palabas next week ang Total Performer. Dun na lang sila manood.
Salamat din kay Mystica na nagdagdag saya sa aking palabas.
Anumang pilit ang gawin ng mga manunulat para intrigahin si Halina kay Joyce, mas nangingibabaw pa rin dito ang kaligayahan sa gagawing pagpunta nito sa US para gumawa ng isang telecine na kasama sina Leandro Baldemor at Rey PJ Abellana. "First time ko itong lumabas ng bansa. Pupunta kami sa San Francisco, sa Silicon Valley para mag-taping ng Ambisyon. Madadalaw ko na rin ang aking lola na nakatira sa Vallejo, California," masayang kwento niya. Sinabi niya na hindi na siya mapagkatulog dahilan sa kaiisip at sa excitement sapagkat kinabukasan makatapos ang presscon ay aalis na sila.
Inamin ni Halina na bagaman at marami pa rin siyang problema ngayon, hindi na siya gaanong apektado na paris nung una na nag-overdose siya ng pills. "Nag-mature na po ako. Kaya ko nang dalhin ang mga problema ko," pagtatapat niya.
Kasama niya sa Ligaya, Pantasya Ng Bayan sina Alma Soriano, Harold Pineda, Leandro Baldemor, John Apacible, Odette Khan at ang baguhang si Millet Cabral. Direksyon ni Arman Reyes mula sa script ng isa pa ring kontrobersyal na writer na si Dennis Evangelista.
Pagdating talaga sa pagbibigay ng kasiyahan mahirap talunin si Rico J. Puno. Wala pa rin siyang kupas. Matatapos na ang show ay marami pa rin ang gustong bumili ng tiket pero tinanggihan ko na sila at pinayuhan na lamang sila na may kasunod pang palabas next week ang Total Performer. Dun na lang sila manood.
Salamat din kay Mystica na nagdagdag saya sa aking palabas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended