^

PSN Showbiz

Kuwento ng asawa ng actor na na-in love kay mayor mapapanood na

-
Base sa totoong buhay ang Sana Totoo Na ng World Arts Cinema na nagtatampok kina Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, John Arcilla, Rita Magdalena at Pyar Mirasol.

Mismong yung babaing pinagbasehan ng papel ni Glydel sa pelikulang nabanggit ang nagkuwento sa WAC producer Jojo Galang, scriptwriter Dennis C. Evangelista at director Arman Reyes, nang nag-location hunting ang grupo nung Setyembre, last year sa isang bayan sa Northern Luzon.

Ex-husband ng babaing yun ang isang striving/starving action star na dahil sa problema sa career ay malimit umbagin ang ka-live in. May tsismis pa noon na ang action star na ito ay may kakatwang relasyon sa mga babaing co-star at sa isang action director na pinagdududahan ang kasarian.

Early last year, nasagad ang pasensya ni babae–iniwan ng mag-ina si aktor na sinubukan naman ang pagho-hosto sa Japan. Nakilala ni babae ang guwapong alkalde ng kanilang bayan at napakabilis ng mga pangyayari. Tatlong araw silang nagligawan at agad iniuwi ni mayor si babae sa kanilang ancestral home.

Agad nag-alsa-balutan ‘yung ka-live-in ni mayor at lumipad sa Amerika kasama ang mga anak ke mayor. Nung nagdaang local elections, visible ang bagong babae a campaign sorties ni pabling na mayor. Dahil makarisma, muling nahalal for a new term si mayor. Ang latest love niya ang ngayo’y pumapapel na first lady ng nasabing lugar.

Tanging dasal ng nagkwento nito kina direk, writer at produ, "Sana totoo na ang pakikipagrelasyon kong ito. Masakit mapaso sa anumang ugnayan. Madaling pumasok sa gusot, pero mahirap dito ang lumusot."

Showing na simula pa noong mayo 15 ang Sana Totoo Na.

vuukle comment

ARMAN REYES

DENNIS C

GLYDEL MERCADO

JOHN ARCILLA

JOJO GALANG

NORTHERN LUZON

PYAR MIRASOL

RITA MAGDALENA

SANA TOTOO NA

TONTON GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with