Sexy star huwag ka nang kumanta, sumayaw ka na lang
May 20, 2002 | 12:00am
Naging guest sa isang kapistahan somewhere in Cavite ang maganda at sexy star na ito. Marami pala itong tagahanga at talagang pinagkaguluhan siya nang husto roon. Tatlong number ang inihanda ng aktres kung saan kakanta muna siya bago magsayaw.
Ang sexy star ang pinaka-highlight ng programa kaya nang tawagin ito ay gusto pang magtakbuhan ng ilang kalalakihan sa harap ng stage dahil seksing-seksi sa kanyang mini-skirt at litaw pa ang cleavage.
Una niyang number ay isang ballad na habang kumakanta ay ibat ibang reaksyon ang makikita sa mukha ng manonood-may nangingiti dahil sintunado ang boses ng sexy star at pinipilit abutin ang mataas na tono ng awitin. Ang iba naman ay napapanganga at napapangiwi dahil masakit sa tainga ang kanyang tinig. Pero hindi naman ito nabastos dahil malakas pa ring palakpakan ang inani niya. Sinundan ito ng sayaw na forte talaga ng sexy aktres kasama ang ilang sikat na back-up dancers. Doon na nagsigawan ang mga manonood dahil sa galing nitong humataw sa sayaw.
May narinig kaming mga komento na sana ay huwag na siyang kumanta, sumayaw na lang. Ang sexy star na ito ay isa ring TV host ng isang noontime show ay naging controbersial nang ma-link siya sa isang may asawang actor.
Gusto ni Bong Revilla na makasama si Regine Velasquez sa pelikula. Naiparating na ito ng mga Viva executives sa magaling na singer-actress at sinabi raw na flattered siya sa request ng action star.
Kaya ngayon daw tuloy, mas excited pa si Regine na makasama si Bong.
Sa kabilang banda ay hindi muna matutuloy ang project na pagsasamahan sanang muli nina Regine at Christopher de Leon. Nagkapareha na ang dalawa sa Wanted: Perfect Mother at gusto sana ng singer na gumawa silang muli ni Boyet ng another movie dahil gustung-gusto niyang makatrabaho ang aktor.
Ngayon, ang inaasahan ni Regine ay ang movie with Bong.
Tinanong ko si Angelika dela Cruz kung hindi ba siya nai-insecure sa pagpasok ni Assunta de Rossi sa Viva. "Naku! Tita, kilala nyo naman ako, di ba? Hindi ako nai-insecure o naiinggit sa magandang kapalarang natatamo ng iba. The more, the merrier. At kaibigan kong silang lahat. Tutal, hindi naman ako pinababayaan ng kompanya at hindi ko inambisyon na maging Reyna ng Viva kaya hindi ako naaapektuhan kapag sinasabing naagaw na sa akin ang korona ng ibang artistang kinukuha nila, okey lang ako ngayon at happy pa rin ako sa aking career," anang aktres.
Nakuha ng Solar Films mula sa NU Image ang exclusive rights para ipalabas sa Pilipinas ang mga bagong pelikula ni Jean Claude Van Damme kabilang na ang Jihad Warrior, Derailed at The Monk. Ang pirmahan ng kontrata ay ginanap sa American Film Market sa Santa Monica, Los Angeles, California.
Sinabi nga ng Solar big boss na si Wilson Tieng na isang malaking karangalan na mapili ng NU Image bilang local partner nila. "Ang mga pelikula ni Van Damme ay talagang maganda ang istorya, malaki ang budget at matindi ang commercial value. Kahit si Van Damme ay gusto ngang magpunta sa bansa dahil matagal na kaming magkaibigan at para makitang muli ang kanyang mga tagahanga," anang prodyuser.
Ang Jihad Warrior ay tungkol sa isang makabagong adventurer na nakikipag-deal sa mga sindikato sa New York. Nang mapatay ang ama ni Van Damme sa Israel ay tinugis nito ang mga salarin. Pero nalaman nito na ang kanyang ama pala ay may kinalaman sa planong pagsiklab ng "holy war" kaya makikita kung paano makipaglaban si Van Damme sa isang hukbo ng mga Muslim rebels sa downtown at tunnels ng Tel Aviv.
Ang maaksyong pelikula ay ipalalabas sa May 29 sa inyong mga paboritong mga sinehan sa Metro Manila.
Uso ngayon ang mga sitcom na tinatampukan ng mga sikat na action stars gaya ng Idol Ko si Kap ni Bong Revilla at mula sa Pwedeng-Pwede ay Satsu naman ang tinatapos ni Robin Padilla. Karagdagan sa mga ito si Rudy Fernandez na excited sa pagkakaroon ng bagong sitcom titled Daboy En Da Girl. Ka-partner niya si Rosanna Roces bilang si Girlie Dacquel na isa namang undercover cop. Paano kaya magbangayan ang bagong magka-partner na ito?
Mapapanood ang sitcom tuwing Huwebes 9:00 n.g. sa GMA simula sa May 23 at ang theme song ng nasabing programa ay inawit ng Rivermaya at itinatampok si Rosanna Roces.
Ang sexy star ang pinaka-highlight ng programa kaya nang tawagin ito ay gusto pang magtakbuhan ng ilang kalalakihan sa harap ng stage dahil seksing-seksi sa kanyang mini-skirt at litaw pa ang cleavage.
Una niyang number ay isang ballad na habang kumakanta ay ibat ibang reaksyon ang makikita sa mukha ng manonood-may nangingiti dahil sintunado ang boses ng sexy star at pinipilit abutin ang mataas na tono ng awitin. Ang iba naman ay napapanganga at napapangiwi dahil masakit sa tainga ang kanyang tinig. Pero hindi naman ito nabastos dahil malakas pa ring palakpakan ang inani niya. Sinundan ito ng sayaw na forte talaga ng sexy aktres kasama ang ilang sikat na back-up dancers. Doon na nagsigawan ang mga manonood dahil sa galing nitong humataw sa sayaw.
May narinig kaming mga komento na sana ay huwag na siyang kumanta, sumayaw na lang. Ang sexy star na ito ay isa ring TV host ng isang noontime show ay naging controbersial nang ma-link siya sa isang may asawang actor.
Kaya ngayon daw tuloy, mas excited pa si Regine na makasama si Bong.
Sa kabilang banda ay hindi muna matutuloy ang project na pagsasamahan sanang muli nina Regine at Christopher de Leon. Nagkapareha na ang dalawa sa Wanted: Perfect Mother at gusto sana ng singer na gumawa silang muli ni Boyet ng another movie dahil gustung-gusto niyang makatrabaho ang aktor.
Ngayon, ang inaasahan ni Regine ay ang movie with Bong.
Sinabi nga ng Solar big boss na si Wilson Tieng na isang malaking karangalan na mapili ng NU Image bilang local partner nila. "Ang mga pelikula ni Van Damme ay talagang maganda ang istorya, malaki ang budget at matindi ang commercial value. Kahit si Van Damme ay gusto ngang magpunta sa bansa dahil matagal na kaming magkaibigan at para makitang muli ang kanyang mga tagahanga," anang prodyuser.
Ang Jihad Warrior ay tungkol sa isang makabagong adventurer na nakikipag-deal sa mga sindikato sa New York. Nang mapatay ang ama ni Van Damme sa Israel ay tinugis nito ang mga salarin. Pero nalaman nito na ang kanyang ama pala ay may kinalaman sa planong pagsiklab ng "holy war" kaya makikita kung paano makipaglaban si Van Damme sa isang hukbo ng mga Muslim rebels sa downtown at tunnels ng Tel Aviv.
Ang maaksyong pelikula ay ipalalabas sa May 29 sa inyong mga paboritong mga sinehan sa Metro Manila.
Mapapanood ang sitcom tuwing Huwebes 9:00 n.g. sa GMA simula sa May 23 at ang theme song ng nasabing programa ay inawit ng Rivermaya at itinatampok si Rosanna Roces.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended